Sa loob ng ilang buwan na pagtatrabaho niya kay Blaine at ay halos siya ang naging handa sa mga chismis sa kumpanya. Kesyo malandi siyang babae at inaakit niya ang boss nila. Lalo pa at sabay silang papasok at uuwi ng binata. Lagi din itong nakahawak sa bewang niya kaya tila mas lalo nilang ginatungan ang chismis at dahil wala silang sinasabi ni Blaine ay siya ang mas nakakatanggap ng masasakit na salita na kahit iniignora niya ay minsan nakaka badtrip din.
Lalo pa at ginagawan siya ng kwento na hindi lang si Blaine ang lalaki niya maging ang mga head department na matatanda at walang asawa pinatos kuno niya.
Pero mukhang magiging malala pa ata ngayon. Dahil naunang pumasok si Blaine dahil imemeet nito ang magulang nito sa opisina at di siya nasundo. Which is ok dahil pinasundo naman siya ng company driver.
Pero may dala siya. Ramdam niya ang bulungan at mga titig ng mga katrabaho niya habang tulak tulak ang stroller ng anak niya. Wala siyang mapag iwanan sa bata dahil kailangang umalis ng mama niya papuntang probinsiya dahil nagkasakit ang lola niya. Ayaw niya sanang pumasok pero may importanteng meeting si Blaine ngayon at kailangan siya nito.
"Ay may anak na? Ang landi talaga."
Pilit niyang inignora ang mga taong wagas kung makahusga at dumeretso na siya sa elevator. Tulog ang anak niya at nakahiga ito sa stroller kaya di kita ang mukha nito.
When she reach the top floor ay agad siyang dumeretso sa opisina ni Blaine. She knock three times bago iyon binuksan.
"Selene!" Agad na bati ng mama ni Blaine pagkakita sa kanya. "Oh my dala mo ang apo ako." Sabi nito sabay lapit sa kanila.
"Good morning po. Wala po kasi akong mapag iwanan. Nasa probinsiya si mama may emergency kaya dinala ko nalang si Brooks dito." Paliwanag niya.
"Oh iha no worries."
"Good morning po sir." Bati niya sa daddy ni Blaine.
"It's tito or dad iha." Sagot nito bago siya nilapitan at nakitingin din sa stroller na hawak niya.
"Kami na muna ang bahala sa apo namin habang may meeting si Blaine." Sabi ng ginang at tumingin siya kay Blaine na nakangiti lang sa kanya.
"Di po ba nakaka abala sa inyo?"
"No Selene. We would love to spend time with our apo."
Ngumiti siya bago tumango at iniwan muna ang anak sa loob ng opisina para magtungo sa mesa niya.
"Baby."
Napabaling siya kay Blaine na sumunod pala sa kanya.
"Yes?"
"Kiss ko?"
Napailing siya bago ito nilapitan at hinalikan sa labi ng mabilis. "Yan na kiss mo at good morning. Now get ready para maaga tayong matapos." She said at tumango naman ito bago siya tinalikuran.
She ready all the documents Blaine will need bago siya bumalik sa loob ng opisina nito at nagpaalam sa mga magulang ng binata. Then after that ay sabay na sila ng lalaki na naglakad patungo sa conference room.
Once they arrive ay formal at handa na ang ibang department heads para sa monthly assessment ni Blaine sa mga departmentamento ng mga ito. While she just sat down on her designated chair at isinusulat ang mga importanteng paksa sa meeting.
An hour in their meeting ay bigla nalang iyong bumukas at pumasok ang mama ni Blaine dala ang anak niya na umiiyak.
"Iha mukhang hinahanap ka." Sabi nito at tila walang pakialam sa meeting na nangyayari.
Agad niyang dinaluhan ang ginang at kinarga ang anak. "Pasensiya na po tita."
"Oh no worries. Anyway Me and your tito got some important appointment to attend to at mukhang ayaw sumama sa amin ang bata kaya iwan ko na muna ulit sayo. But we will have lunch together ok?"
"Sige po tita." Sabi niya at nilapitan siya nito bago hinalikan sa pisngi maging ang anak nito tsaka ito nagpaalam.
Habang karga ang anak ay bumaling siya sa mga tao sa loob ang iba ay gulat na nakatingin sa kanya.
"Selene give me our son." Blaine said na ikinasinghap nang mga naroon.
Ignoring the people around them ay lumapit siya kay Blaine at binigay ang anak nila dito. Kita ng mga tao sa loob kung gaano Napangiti ang amo nila nang makarga nito ang bata na subrang hawig dito.
They look at their boss secretary and then it click na hindi lang affair ang meron ang dalawa. Mukhang mag asawa pa.
Blaine look at his employees and smile upon seeing their shock faces.
"Well everyone, I want you to meet my family." He said bago siya tiningnan. "Baby come here." Sabi nito kaya napanguso siya bago tumayo sa tabi ng upuan nito.
"I heard some gossip about me and selene circulating in the company. But let me clarify it to all of you that's here. This girl is not just my affair. She's my partner and the mother of my son."
Ngumiti siya ng kimi sa mga department heads na tumingin sa kanya.
"So by that, I would love to see some respect from you guys to my Selene."
Tumingin siya kay Blaine na nakatingin sa kanya.
"Now let's continue our meeting." Sabi nito bago tumayo at tiningnan siya. "You sit down baby and write all the important details."
"Paano ka?"
"I'll still listen while carrying our son."
Tumango siya bago bumaling sa mga kasama sa trabaho na tulalang nakatingin kay Blaine.
"Wake up people and continue with the report."