"Bye!"
"Bye Zei! Yung file isend mo nalang sa messenger haa! Wag mo kakalimutan!" Kaway ni Gigi sa akin habang pasakay na sa Jeep.
"OO NAAA! Ingat labyu!"
Pagka alis ni Gigi pumasok muna ako sa 7-eleven at umupo ang init kasi dapat pala di muna ako lumabas ng school wala pa pala si kuya dito sa labas. Linabas ko yung phone ko at chinat si kuya na nandito ako sa 7-eleven sa tapat ng school namin naghihintay. Binuksan ko muna yung laro ko sa phone. Manonood sana muna ako ng TikTok kaso wala pala akong data hmp.
Tuwang tuwa ako sa offline games ngayon na di maintindihan ng mga kaklase ko bakit ako natutuwa don para daw akong gago. Ang cute kaya bakit ba nakaka adik pa. Habang naglalaro ako di ko namalayan na may katabi pala ako kaya nagulat ako nung may nagsalita sa gilid ko.
"Ayun sa gilid oh, tanga naman neto."
Kumunot ang noo ko at lumingon ako sa nagsabi non. Ay si Jairius panget lang pala. Nakikitingin sa linalaro ko amp.
BINABASA MO ANG
melancholia - jjh
Humormel·an·cho·li·a /ˌmelənˈkōlēə,ˌmelənˈkälēə/ noun deep sadness or gloom; melancholy. - a story where in a student had a unexpected romantic feelings for a man who already have a child.