Hindi niya alam kung sinadya ba ng magulang ni Blaine o ano pero andito sila ngayon sa cafeteria at nasa pila. Dito nito gustong kumain habang sina Blaine at ang daddy nito kasama si Brooks ay pababa palang dahil may pinag usapan pa ang dalawa kanina.
"Are you ok Selene?" Tanong ng ginang.
"Opo."
"Then why are you looking down on the floor? Is it because of the gossip around here?" Tanong nito na ikinagulat niya. "Oh iha, of course I know what's going on in this company. That's why I wanna eat here so we can show these people who are you to us."
Magsasalita sana siya ng makitang pumasok si Blaine na karga ang anak nila habang kasabay nito ang daddy nito at ang limang kabarkada nito na hindi niya alam na dumating.
"Baby, hanap kana ng anak natin." Blaine said loud enough to hear by everyone one na gulat sa nadinig.
Kita nila ang boss nilang mag kargang bata habang papalapit sa secretary nito. And to make them more shocked ay dinampian pa ng halik sa labi nang boss nila ang babae bago inabot dito ang bata na kahawig ng boss nila.
"Naka order na kayo?" Blaine asks kaya umiling siya bago bumaling sa mga kabarkada nito at ngumiti bilang pagbati. "Oh they're here to talk about the new business ventures we're planning to build."
Tumango siya bago binalingan ang anak na bago ang suot na damit courtesy of his grandparents.
"Upo nalang kayo. Kami na ang oorder ng pagkain." Blaine said.
"Ok lang talaga sa inyo na sa cafeteria tayo kumain?" Tanong niya.
"Of course. Now sit down with mom and let the boys handle ordering the food." Blaine said bago siya hinalikan sa noo.
Napailing siya bago sila naghanap ng mauupuan ng mama ni Blaine na agad kinuha ang anak niya at nilaro. Giliw na giliw ito sa apo kaya hinayaan nalang niya.
Gusto niyang matawa dahil tahimik lang ang mga empleyado na kumakain sa cafeteria ang iba ay pinapanood sila na tila ba nasa isang pelikula sila.
"You know, you should not allow anyone to belittle you. Especially the fact that they didn't know your story with my son." Blaine mom's said.
"Tita."
"Naiirita lang ako sa mga nadidinig ko. Calling you names and judging you without proper basis really pissed me off. Don't let this people look down on you Selene. Dahil maaabuso ka. Learn to fight back and correct their wrong assumptions. Wag mo silang hayaan na tingnan ka at pagsabihan ka nang masasama dahil hindi sila ang nagpapalamon sayo. Didn't you heard about that saying na hanggang hindi sila ang nagpapakain sayo, wala silang karapatang panghimasukan ang buhay mo." Sabi nito.
"Ayaw ko lang po kasi ng gulo tita. I mean I know the truth and so is Blaine. At yun lang po ang importante."
Tinitigan siya nito bago ito ngumiti. "You know at first may pag dududa din ako sayo. But that was way back in your college years. But you change my mind. You didn't get in a relationship with my son because of his money back before."
Kung alam mo lang tita, sabi ng isip niya.
"And now I can't wait for you to marry my son and be a family with him."
"Po?"
"Bakit doon din naman ang tungo niyo diba? Bakit Selene, ayaw mo bang pakasalan ang anak ko?" Tanong nang ginang at sasagot saba siya ng may mauna sa kanya.
"What? Ayaw mo baby?" Blaine said bago ibinaba sa mesa ang pagkain na dala tsaka siya nilapitan. "Ayaw mo akong pakasalan? Bakit? Did I do something wrong?" Tanong nito na ikinakunot noo niya. "Damn is what did I do for you t say na ayaw mo akong pakasalan? Tell me Selene para mabago ko."
"Blaine."
"I want us to be the End game Selene. Ako lang ang magiging asawa mo kahit anong mangyari." Matigas nitong sabi.
Sa inis niya ay kinurot niya ito na ikinaaray nito at ikinatawa ng mama nito.
"Umayos ka Blaine, paano kita papakasalan, bakit nag propose ka naba?"
Natigilan ito bago napatingin sa mama nitong napailing nalang.
"Ayan kasi, nakikinig na nga lang ng chismis mali pa ang interpretation. Hala upo Blaine, gutom lang yan." Sabi ng mama nito na ikinatawa ng mga kabarkada ni Blaine.
"Boom basag." Klaine said na ikinailing nalang niya.
She look around at napabuntong hininga nalang ng makitang pinapanood parin sila ng mga nasa cafeteria.
"Selene eat. Gusto mo subuan kita?"
At sa mga mata ng lahat nang empleyado ni Blaine ay kitang kita ng mga ito kung paano siya subuan at pag silbihan ng boss nila.