Cinderella Wannabe

181 5 0
                                    

Third Person's Point of View

"Pa, ito na po yung gamot niyo. Inumin niyo na po para gumaling kaagad kayo." ani dalaga habang iniaabot sa kanyang ama ang tableta na nireseta ng doktor.

"Anak, pasensya ka na. Ako dapat ang nag-aalaga sayo at hindi ikaw. Ako ang may responsibilidad sayo at hindi ikaw ang may responsibilidad sakin." wika ng kanyang ama na nakahiga sa kama.

"Pa naman eh! Wag nga po kayong magsalita ng ganyan! Ang drama po kasing pakinggan eh! Naiiyak tuloy ako!" sabi ng dalaga habang pinipigilan ang paghikbi.

"Nagsasabi lang ako ng totoo, anak. *coughs* Anak, Ella, mahal na mahal kita, palagi mong tatandaan yan."

"Pa! Wag nga po sabi kayong magsalita ng ganyan eh! Para namang k-kunin na p-po k-kayo ni Lord eh! Papa, magkakasama pa po tayo ng matagal, palagi niyo rin pong tatandaan yun," ani dalaga.

Ngunit ang tanging tugon lang sa kanya ng ama ay pag-ubo ng pagkalakas-lakas.

"Pa, okay lang po ba kayo?" marahan niyang tanong habang hinahagod ang likod ng kanyang ama.

"A-ayos lang *coughs* a-ako, anak. Ayos lang si papa. Ayos lang ako," tugon ng kanyang ama.

"Sigurado po kayo? Bumalik na lang po kaya tayo sa ospital, Pa?"

"Wag na. Ayoko dun. Mas gugustuhin ko pang mamatay dito kaysa mamatay ng puro puti ang nakikita ko," mahinang sagot ng ama.

"Pero Pa, baka po lumala lang yung sakit niyo! Mas mabuti po kung nasa ospital tayo," pahayag ng dalaga.

"Anak, ayos na ako dito."

"Hi Dad!" bati ng kanyang stepsister sa kanyang ama.

"Hestia!" tawag ng kanyang ama rito.

"Lumabas ka muna Ella! Mag-uusap lang kami ni Dad," pasigaw na sabi ni Hestia, ang pinakamatanda niyang stepsister.

"S-sige," marahang sagot ni Ella.

Sa totoo lang, nag-iinit ang dugo sa tuwing nandyan ang stepsister na manang-mana sa kanyang stepmother na masama ang ugali.

Hindi niya maintindihan kung bakit napili itong pakasalan ng kanyang ama. Wala talaga siyang makitang maganda rito bukod sa kanyang panlabas na anyo.

Matagal na kasing hiwalay ang kanyang ama't ina. Hindi niya alam ang rason kung bakit. Nagulat na lang siya nang isang araw, nakita niyang nagsusumbatan ang kanyang mga magulang at ang kanyang ina ay may dalang maleta. Agad siyang nagtungo noon sa silid ng kanyang mga magulang at sinilip ang aparador kung saan nakalagay ang mga damit ng kanyang ina. At hindi siya nagkamali, ang laman nga ng maletang bitbit ng kanyang ina ay kanyang mga damit.

Wala na siyang nagawa pa noon dahil siya ay musmos pa lamang. Labis niyang kinamuhian ang kanyang ina ngunit hindi niya akalaing masama rin ang ugali ng babaeng ipinalit ng kanyang ama rito.

Tanging ang kanyang ama na lang ang natitira sa kanya. Tanging ang kanyang ama lang ang pinahahalagahan niya. Tanging ang kanyang ama lang ang minamahal niya.

Halos makalimutan niya na rin ang kanyang ina. Hindi na rin naman ito mahalaga pa sa kanya. Matagal na panahon na ang nakalipas nang iwan sila nito. At sa tinagal-tagal na panahon, hindi man lang nito naisipang bumalik o bumisita man lang.

Bakit niya pa ba ito pakikialaman kung wala naman itong paki sa kanya? Unfair naman yun.

Iniwan na siya ng kanyang ina at hindi na binalikan. Hindi na rin ito nagpaparamdam. Siguro'y sapat na itong dahilan para kalimutan niya ang kanyang ina.

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon