Chapter 23

45 9 3
                                    

"Boss naman! Bakit ako na naman?!"

Malakas akong natawa dahil sa sigaw ni Margo. Inutusan kasi siya ni Tita Mayumi na kuhanin ang mga balloons at pang-bomba sa mga ito sa kotse niya dahil nakalimutan niya raw itong dalhin.

Narito sila ngayon sa unit ko, nagde-decorate para sa birthday ko bukas. Nagtaka nga ako, p'wede namang bukas na lang sila mag-ayos pero ayaw nila kaya hinayaan ko na lang sila.

Basta sila ang maglilinis ng mga kalat.

"Aba, Margo, sinong gusto mong utusan ko?!" sigaw pabalik ni Tita.

"Si Eula naman! Walang ibang ginagawa oh, nakatayo lang!" Tinuro pa 'ko ng bruha.

"Huwag mo ngang utusan ang birthday girl! Masama 'yon!"

"Luh, bukas pa ang totoong birthday n'yan e'!"

Sa huli, kaming dalawa ni Margo ang kumuha ng mga lobo at pang-bomba sa kotse ni Tita.

"Baka pumutok ang mga 'to kapag nilagyan na agad ng hangin," sambit ko habang naglalakad na kami pabalik.

"Bukas pa 'yan bobombahan," sagot ni Margo habang pinaglalaruan ang pang-bomba. "Tapos bobombahin ko rin ang unit mo kapag hindi mo 'ko binigyan ng pera." Tinapat niya sa 'kin ang hawak niya at umaktong parang kidnapper. "Ibigay mo sa 'kin ang pera mo kung ayaw mo pang mawala sa mundong 'to, miss!"

"Huwag po!" sigaw ko habang yakap-yakap ang sarili ko. Para kaming mga tanga rito. "Bagay sa 'yo maging kidnapper."

"Talaga?" Tumango ako. "Sige, try ko 'yan gawing side line."

Habang naglalakad kami pabalik sa apartment building ay nakita ko si Kyvo na kabababa lang ng kotse niya. Hindi siya nakasuot ng school uniform kaya nagtaka ako.

Baka pumunta siya sa bahay nila at doon nagpalit ng damit bago dumeretso rito.

Lalapit na sana ako sa kaniya nang makitang lumabas din sa kotse ang isang babaeng matangkad. Maikli lang ang buhok niya at maputi siya. Kahit nasa malayo ako, masasabi kong maganda siya.

At bagay sila ni Kyvo.

"Kilala mo?"

Napalingon ako kay Margo at nakitang tumigil din siya sa paglalakad at nakatingin siya kina Kyvo. "H-Hindi! Mauna ka na, girl, bibili lang ako ng ice cream sa convenience store! Nag-crave ako bigla e."

"Sige. Ingat ka." Dahan-dahan siyang tumango at kinuha sa 'kin ang plastic na naglalaman ng mga balloons. "Ibili mo rin ako, ha? Gusto ko mango flavor. 'Yung nasa cup."

"Sige! Bye!"

Tumalikod ako sa kaniya at pekeng naglakad papuntang convenience store. Habang naglalakad ako ay lumilingon ako kay Margo at kina Kyvo. At nang makita kong nakapasok na si Margo sa apartment building ay nagtago ako sa isa sa mga kotse at sumilip.

Pinagmasdan ko kung paano mag-usap si Kyvo at 'yung babae. Sa totoo lang, hindi na 'ko magugulat kapag nalaman kong siya 'yung babaeng kinu-kuwento niya sa Lolo niya na gusto niya.

I mean, just look at her. Even from afar, she still looks elegant.

Napabuntong hininga na lang ako at umalis na lang doon. Ano namang magagawa ng pagtingin-tingin ko sa kanila? Iniinggit ko lang ang sarili ko.

Joke lang. Wala namang kainggit-inggit diyan.

"Bibili na nga lang ako ng ice cream," bulong ko. Ngayon nagc-crave na talaga ako.

Pagkatapos kong bumili ng ice cream, naglakad na 'ko pabalik ng building at nakitang wala na sina Kyvo roon. Ipinagsalawang bahala ko na lang ang lungkot na nararamdaman ko at tinulungan na lang sina Tita sa pagde-decorate.

In a Heartbeat (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon