Boyfriend pa ba kita? (one shot)

41 1 0
                                    


Boyfriend pa ba kita? (One Shot)

Written by: maSimple101

 * Hello to my bebe's! Specially to Marlyn Morales! This is for you girl!

*****

Kapag natutunan mo nang mahalin ang isang tao, mahirap mo nang pigilan. Kapag pinigilan mo, lalong lumalala.

Hindi ko alam pero, aaminin kong mahal na nga kita. Hinahanap ko 'yung mga oras na magkasama tayo. Yung mga times na tumatawa at nag-uusap tayo. Haist. Hindi ko mapigilang isipin ka. Nakakatuwa, parang sa lyrics lang ng isang kanta 'no? Hehe

Alam mo bang nahihirapan ako ngayon. Mahirap kasing maiwan ng maraming katanungan.

Hindi ko naman kasi alam ang sagot sa mga katanungan sa isip ko.

Hindi ko maintindihan e'!

Okay pa naman kasi tayo noong huli tayong magkasama. Masaya tayo. Pero, bakit ganito na tayo ngayon?

Bakit?

"Marley! Akala ko ba, kaya nagpakita ka samin ngayon dahil gusto mo kaming makabonding? E' bakit tulala ka d'yan?"

Napalingon ako sa kaibigan kong si Aiby. Nakataas ang kilay niya at tila ba nagtataka sa kinikilos ko. Ngumiti ako ng mapait.

"Oo naman 'no! Namiss ko kayo!" Masayang sabi ko.

"Parang hindi..." Masungit na sabi naman ni Jorien.

"Parang may mali..." Singit din ni Chain.

"Teka! Kwentuhan niyo muna ko! Kamusta na kayo?" Masiglang tanong ko sakanila.

Almost one year ko silang hindi nabisita at nakasama. Simula kasi nang mag-college na kami ay nagkaroon na kami ng magkakaibang landas. Napahiwalay ako sa kanila ng school kaya't hindi ko na sila nakakasama simula non.

"Mabuti pa kami sa alright!" Nakangiting sagot ni Jorien. Napangiti ako. Nakakahawa talaga ang pagiging masayahin nila.

"Ikaw? Anong balita sayo?" Tanong muli ni Jorien na nakataas ang kilay.

"Kamusta lovelife mo?" Pahabol naman ni Aiby. Natawa ako.

"E' ikaw? Balita ko break na kayo ng boyfriend mo!" Ganting tanong ko. Nag-iwas siya ng tingin.

"Nakoo~ Wag mo nang itanong! Hindi ko rin naman sasagutin!" Aniya saka tumayo. Hmmm.. Mukhang tense si ati! XD

"Bakit naman? Magshare ka naman sakin!" Pamimilit ko pa. Sinulyapan ko si Chain at Jorien na nananatiling tahimik. Siguro ay foul ang naitanong ko?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 27, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Boyfriend pa ba kita? (one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon