Chapter 21

1.7K 50 0
                                    

Yukizia Veronica.

"YAKAPIN mo naman ako," Napatingin ako kay Tristan ng magsalita siya. Tinaasan ko siya ng kilay dahil sa sinabi niyang iyon. Ano namang pumasok sa isip niya at nag de-demand ng yakap?

Nandidito kami sa private resort niya at hindi ko alam kung nasaan kami basta ang alam ko ay nasa isa kaming resort na walang ibang tao kundi kaming dalawa at ang mga stuff.

Sobrang maganda rito dahil sa malamig na simoy ng hangin na para bang Christmas season na, kahit na tag-init ngayon.

Nakadapa ako sa kama habang nakatanaw sa tahimik na karagatan. Nandidito kami sa pangpang sa ibabaw ng malaking kama na napapalibutan ng puting kurtina na para bang ito na ang magiging kwarto namin rito sa gitna ng buhanginan pero ayos lang sa akin dahil sa gusto ko ang sariwang hangin.

"Ganda? Yakapin mo 'ko sabi!" Umayos ako ng pagkakahiga sa kama ng marinig ko ulit na nagsalita si Tristan.

Nakaupo lang siya sa may paanan ko habang nakatingin sa akin. Ano bang problema nito?

Nginitian ko siya tinapik ang tiyan ko senyas na mahiga siya sa ibabaw ko.

"Yeah. That's my girl, you know what I want." He said at nakita kong lumiwanag ang mukha niya at nagmamadaling pumatong sa ibabaw ko at siniksik ang mukha sa leeg ko.

"Esturbo ka talaga kahit kailan ano?" Natatawang tanong ko sa kaniya at hinaplos ko ang buhok niya.

Alam ng nanunuod ako sa dagat hindi na siya tumigil na esturbohin ako magpapayakap lang.

"Kanina ka pa kaya tulala sa kalawakan. Hindi mo ako pinapansin pakiramdam ko hindi mo ako gustong kasama," Nagtatampo niyang sabi at nag-anggat ng tingin sa akin.

Kanina pa pala ako nakatulala? Pinapanood ko lang naman ang dagat eh, anong masama doon?

"Kung ayaw kitang kasama ide iniwan na kita rito." Ngumiti ako.

"Ang ganda rito nu?" Dagdag ko pa at ipinalibot ko sa batok niya ang mga braso ko. Tumango siya at ngumisi.

"Pero mas maganda ka..." Bulong niya sa akin at ipinatong sa noo ko ang noo niya.

"Bolero!" Natatawa kong singhal sa kaniya.

"Wanna sleep here?" Tanong niya at bumaling sa karagatan na kanina ko pa pinagmamasdan.

Gusto ko pero parang hindi ligtas rito mas maganda pa rin kong nasa loob ng bahay matulog.

"Hm... Ikaw? Gusto mo?" Balik kong tanong sa kaniya.

"If you want, why not? Magandang panoorin ang paglubog ng araw lalo na ang pagsikat ng araw. Gusto mo bang makita?" Bumaba siya sa pagkakapatong sa akin at yumakap sa bewang ko tumigilid ako papaharap sa karagatan habang nakamasid sa mainit pang kalanggitan.

Nasa likod ko siya nakayakap sa akin habang nakatingin rin sa karagatan.

"Gusto kung makita pero hindi ba nakakatakot rito na dito tayo matulog?" Nag-aalala kong tanong sa kaniya.

Alam kong pribadong lugar ito at walang ibang nakakapasok rito kundi sila na may ari nito pero paano kung mayroon ritong multo? Ayaw ko!

"Sino bang nagsabi sayo na matutulog tayo magdamag?" Kumunot ang nuo sa sinabi niya.

"Anong ibig mong sabihin?" Umayos ako ng pagkakahiga kaya magkaharap na kaming dalawa. Tiningnan ko siya sa mukha at ang ngisi sa labi niya na nauwi sa mahinang tawa.

"Bakit pa tayo matutulog kung pwede naman tayong maglaro hangang umaga?" Mahina kong tinampal ang pisngi niya.

"Umaandar na naman ang kabastusan mo Tristan Charles!" Saway ko sa kaniya.

Carrying Mr. Billionaire Mafia's Child [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon