Sya palagi ang gusto kong nakakasama pag pakiramdam ko ay naiwala ko nanaman ang sarili ko, ngunit wala siya ngayon sa tabi ko, at isa sya sa dahilan kung bakit nararanasan ko nanaman ang ganitong pakiramdam. Pero sa tuwing naaalala ko ang mga dahilan kung bakit kami nagka-hiwalay ay labis labis na hinagpis ang aking nararamdaman.
"Amy? Can I come?" Rinig kong sabi ni kuya Andrey sa labas ng aking kwarto.
I just stare at the door and shout.
"Yes kuya" I replied
Binuksan ni kuya ang pinto at dali daling pumasok habang hawak ang isang tray.
"Kumain ka na bunso, I bring foods that can comfort you. Kahit anong mangyari handang gawin lahat ni kuya sumaya ka lang ha?" Nakangiti nyang sinabi sabay yakap sa akin.
"Aba nakalimutan nyo yatang may isa pa kayong kapatid?" Rinig naming sabi ni kuya Ares na nakasandal sa pinto. Sabay punta sa higaan ko at yakap din sa akin.
"Dad told us everything. Hindi ka daw pumasok sa trabaho?" Kuya andrey ask.
"Masama lang ang pakiramdam ko kuya" dahilan ko sa kanya habang sinisimulan ang pagkain.
"Sige magpahinga ka ah, mag text ka pag may kailangan ka ha. May aasikasuhin lang ako." Dagdag pa ni kuya Andrey at umalis.
Naiwan kami ni kuya Ares sa loob ng kwarto ko.
"Alam ko kung anong nangyari, nakita ko sya kanina at nalaman ko na balak ni daddy na gawin syang business partner" biglang sabi ni kuya Ares.
"Nalaman ko din, nasa hotel ako kanina. Papasok pa lamang ako nang tumawag sakin si akira at sinabing nandoon nga daw sya sa Hotel at nakita nya, kaya't hindi na ako tumuloy" sabi ko habang kumakain.
Simula noon ay kay kuya Ares ako nagsasabi ng lahat ng nasa isipan ko dahil palaging busy si kuya Andrey sa negosyo ng aming pamilya at dahil siya rin ang panganay sa amin.
"Narito lamang kami palagi Amy, hinding hindi ka namin iiwan"
"Salamat kuya, dahil sa lahat ng pinagdaanan ko ay nandito pa rin kayo sa aking tabi, sa tabi namin ni Hestia." Naka ngiting sabi ko
Niyakap lamang ako ni kuya.
Pagkatapos kong kumain ay umalis na rin si kuya, at ako naman ay nagpahinga.
Kasama ni mommy ngayon si Hestia kung kaya't makakapag pahinga ako.
Pagsapit ng hapon ay narinig ko na ang boses ni Hestia at ni mommy.
"Nasaan ang ma'am amy nyo?" Rinig kong tanong ni mommy sa kasambahay.
"Nagpapahinga po sa kwarto niya ma'am Alice" magalang na sabi nito.
Agad kong narinig ang katok sa pintuan ng kwarto at biglaang bukas nito.
"Mommy!" Tili ni Hestia sabay takbo papunta sa akin.
"Hello love, how's your day?" I ask.
"It's doing great, mom. Mommyla and I buy countless toys mommy, I really enjoy doing shopping!" Sagot ng anak ko habang nakayakap sa akin.
"Ikaw talaga ma binibigay mo lahat ng luho nitong batang ito." Baling ko kay mommy.
"E gift ko na yan sa apo ko anak, she deserve all of it. And I am sure na gagawin din yan ng daddy mo pag sya ang kasama ni Hestia" nakangiting sabi ni mommy.
"Mom, binilhan ka namin ni mamita ng dress. It's so pretty mommy, bagay sa'yo magmumuka ikaw na goddess po" sabi ni Hestia
"Ikaw talaga inuto mo pa si mommy" natatawang sagot ko sa kanya.
"Oh siya, maiwan ko muna kayong mag mommy ha, magpapahinga lamang ako at napagod ako ng sobra" sabi ni mommy at lumabas na ng kwarto namin.
"Baby mag change ka na ng clothes, amoy pawis na ikaw." Naka ngiting ayon ko.
Agad naman na sumunod ang anak ko sa akin, dinala ko sya sa C.R. para punasan. Kumuha na din ako ng damit nya sa walk-in closet namin.
"Mommy, nag punta po kami sa Hotel sa office ni Daddylo. But he have ka meeting daw po, but we still go to his office. Mommy pogi po yung guy doon, sabi ko nga po kay Daddylo I want that man to be my father po because he is also kind po." Pag dadaldal ni Hestia, sanay na ako na madami siyang kwento sa tuwing uuwi siya.
Si Hestia ay 4years old na pero tuwid na ang kanyang pananalita, hindi kasi namin ginagamitan ng baby talk noong baby pa siya para hindi siya bulol paglaki.
"Baby, hindi pwede ang gusto mo" natatawang sagot ko.
"But mommy, the man said that he know you daw po. Sabi nya nga po friends daw po kayo, but I don't know him po mommy. Ang knows ko po na friends mo is si tita Rita, tita akira, tita lexa, tito dex and tito anthony. May iba ka pa po bang guy friends mommy?" Pag kwekwento ng anak ko.
Bigla akong nanlamig sa sinasabi ng aking anak, alam ko kung sinong lalaki ang kanyang tinutukoy. At eto ang kinakatakutan ko na magkita sila.
"A-anak wala ng ibang friends si mommy, baka kakilala ko lang yung ka-meeting ni Daddylo mo." Pagpapalusot ko.
Matapos kong bihisan si Hestia ay nilaro nya na ang mga toys nya. Ako naman ay humarap agad sa laptop ko para asikasuhin ang mga naiwan kong trabaho.
Pagka ilang oras ay tinawag na din kami ng kasambahay para kumain ng hapunan.
Agad naman kaming bumaba ni Hestia at kumpleto na sila sa lamesa.
Inaasikaso ko si Hestia ng biglang mag salita si Daddy.
"Athena, I know that you already know that we have a new business partner, Si Mr. Eroz Zamora, I want you to meet him tomorrow, he requested it." Biglang sabi ni Daddy.
Napatigil ako sa aking ginagawa at napatingin kayna kuya at mommy. Nakita ko ang pag aalala sa mga mata nila.
"Honey, baka naman pwede i-reschedule yung meeting na yan? Medyo masama kasi ang pakiramdam ng anak mo." Biglang sabat ni mommy.
"Oo nga po daddy, or kung gusto nyo po ako na lang or si kuya Andrey ang pupunta" sabi ni kuya Ares na sinang ayunan ni kuya Andrey.
"Ayos lang ba ang pakiramdam mo amy? Bakit hindi ka muna mag leave? At sa susunod na linggo mo na lamang imeet ang ating bagong business partner." Sabi ni daddy na may pag aalala.
"Ayos lamang po ako Dad, sige po at imeet ko si Mr. Zamora bukas" sagot ko na desidido na.
Hindi pwedeng habang buhay ko na lang katatakutan ang pag harap ko sa kanya.
YOU ARE READING
My Home
RomanceAll of us have someone or a person who we can call 'my home'. It is a story of a two person who find their home in each other. They still stay with each other even in their hardest time, but some things happened that change their lives.