I Hate February 14

76 1 0
                                    

Kahit hindi na Feb 14 hahaha. Enjoy reading

-AbnegationFairy
-

"Happy Valentine's Day, babe! I'll love you forever, please don't forget that." bla bla bla WALANG FOREVER! Ano ba to? Cheesy na Corny pa! kailangan talaga ina-announce eh. Nakakasira ng Lunch break!

Ugh. Bakit ba kasi kailangang dumaan tong araw na to? Akala naman nila lahat ng tao natutuwa sa okasyon na to. Don't get me wrong di ako bitter dahil mag-isa ako ngayong Feb. 14 ha!

Magbbreak din kayo, peste wala talagang forever!

***A year ago

"Shan! Shan! Nakita mo ba si Cloud? Kanina ko pa kasi di nakikita yun eh" sabi ko sa bestfriend ng boyfriend ko. Oo boyfriend, naging kami last year on Valentine's Day, 10 months din nya akong niligawan bago naging kami. 1 st anniversary namin ngayon kaso missing in action yung boyfriend ko.

"Sorry Beth, di ko pa nakikita yung lalaking yun eh. Sure ka ba na pumasok yun ngayon?" sabi nya saakin. Huh? Saan naman kaya napadpad yun?

"Ha? Oo naman sure ako, nagtext pa nga siya bago umalis ng bahay nila eh" sabi ko naman sa kanya. Ano ba naman yan, anniversary na anniversary wala siya. I mean, I'm not expecting much for today kahit maka-bonding ko lang siya ngayong araw ay okay na, that's the best gift ever.

"O sige ganito nalang, kapag nakita ko si Cloud kung saan man. I'll text you. May klase pa kasi ako ngayon di kita masasamahan sa paghahanap dun" sabi nito saakin. Tumango-tango ako bilang response sa sinabi nya at nag paalam na din dahil may klase pa sya.

Cloud Darryl Velasco, nasaan ka ba?

***

"Hi Beth! Na sayo ba yung sticky notes para sa freedom wall natin?" sabi ng kaklase kong si Vaness. Binuksan ko agad ang aking bag at ibinigay sa kanya ang contribution (sticky notes para sa freedom wall) ko para sa Valentine's Day special namin, which is today.

"Salamat talaga, Beth. Yung iba kasi na naka-assign magdala ng sticky notes eh walang dala, buti ka pa maaasahan ka talaga" nginitian ko nalang siya bilang sagot.

"Uy Beth, last na talaga padala naman nito sa Architecture Department, kailangan kasi nila to para dun sa booth nila. Salamat talaga, Beth." sabi nya at inabot saakin ang isang plastic bag na may lamang pulvoron. Ngiti nalang talaga ang naisukli ko sa kanya.

***

Buong araw ko siyang hindi nakita. Napaano na kaya sya? Baka naman nakalimutan niyang anniversary namin ngayon, iniisip ko pa lang nalulungkot na ako.

Pupunta nalang ako sa rooftop, doon kasi tambayan naming dalawa, it's our haven.

"Cloud, mahal kita" narinig kong isang boses ng babae nasa hagdan pa lang ako.

"Alam kong may girlfriend ka na pero kailangan mo talagang malaman na mahal pa rin kita at nasasaktan ako tuwing nakikita ko kayong dalawa. Alam ko wala ako karapa-" tumigil? Bakit tumigil? At dahil nga dakilang tsimosa ako binuksan ko ang pinto at nagsisisi agad na sana hindi ko na lang ginawa.

Tumulo na yung luha ko nang hindi ko napapansin. What the hell? Naghahalikan silang dalawa, si Cloud at si Diana. Yung ex niya. Peste sya, iniwan nya na tas ganito?

"Mahal din kita" sabi ni Cloud na ikina-guho ng mundo ko

Lumapit ako sa kanila at kita ko ang gulat sa mga mukha. So what am I? A freaking rebound? Nginitian ko silang dalawa at sinampal ko si Diana.

"How dare you come back and admit that you're still in love with him?! You were the one who left him! You left him miserable and broken! At ngayon na okay na siya babalikan mo siya ng ganun ganun nalang?!" hindi ko na napigilan ang galit ko at aakmang susugod na nung may mga braso'ng yumakap saakin para pigilan ako sa kung ano mang maaari kong gawin sa babaeng nasa harap ko ngayon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 27, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Hate February 14Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon