JANE:PAPASOK BA AKO o HINDI! Kaso baka magtampo saakin si Couz at Franz, pero pag pumasok ako diyan panigurado sira ang gabi ko. Tsk! Bahala na si Darna.
"Hi. Jane!" bati saakin nung nakasalubong ko.
"Jane papicture!"
"Pa autograph naman oh!"
"Shit! Ibang iba kana."
Samu't saring bulungan ang naririnig ko sa mga nadadaanan ko. Isa pa ito, kaya ayokong pumunta, ayoko kasi magkaroon nanaman ng issue tungkol saakin. Handa naman ako sa mga issue eh, kaso yung iba hindi na totoo. At madalas yung iba paulit ulit nalang.
Ang ganda ng place na ito, ibang iba talaga pag si Franz ang gumawa at nagplano. Fantastic!
"Janeeeyyyyyyyyyy!" isang malakas na sigawan ang bumulaga saakin.
Agad namang lumapit saakin sila Ella at Wait! Si Lester? Wait nga! Anong ginagawa niya dito? Pero wait na last na ito, anong meron at pinagkakaguluhan ako? Damn! Jane, why so TANGA! Sikat na pala ako. Hinila ako ng dalawa sa isang lugar kong saan hindi ako pagkakaguluhan.
"Okay ka lang Jane/Couz?" sabay nilang tanong saka nagkatinginan.
"Okay lang ako, hindi ko lang inexpect yun." sagot ko.
Bigla naman akong niyakap ni Ella. As in mahigpit na yakap 1 year din kaming hindi magkita simula nung umalis siya ng London at pumunta ng Paris.
"Namiss kita!" sabay naming sabi sa isa't isa.
Lumipas ang ilang minuto ay pinalabas na kami. Habang naglalakad ako ay tinitingnan ako ng mga dati kong kaklase. Kumakaway naman ako sa mga naghaHi saakin. Nakarating naman agad kami sa assign seats namin at kung mamalasin ka nga naman makakatabi mo pa ang mga taong nakakapagpasira ng gabi mo.
"Bes anong plano mo? For good kana ba dito?" tanong ni Franz saakin.
Franz- Lester-Ella-Ako-Jerome-Cassandra, yan ang posisyon namin sa round table.
"Actually hindi ko pa alam. Hindi pa din naman ako nakakapagdecide whether sa Pilipinas or sa London na nalang ako." sagot ko habang nakangiti, pansin ko naman ang sama ng tingin saakin ni Cassandra. "And one more thing, dumating kasi si Howard, baka if ever na bumalik siya sa London sumama ako."
"As in HOWARD JAMES? Ang hot nun bes! Pakilala mo nga ako please!" pagmamakaawa ni Franz.
"Hoy baks! OA mo, kahit naman ipakilala ka ni couz dun hindi ka rin niya papansinin." sagot naman ni Ella sakanya.
"At bakit naman?" tanong ni Franz.
"Dahil si Howard James ay nanliligaw kay Jane Elizabeth Enriquez!"
"What? Bakit hindi ko to alam bes?" hysterical na tanong ni Franz.
"Nililigawan ka ni Howard?" napatahimik kami sa tanong niya.
Ano bang pakealam niya? Tsk! Eh ano naman kung totoo? It's none of his business.
"Oo." sagot ko. "Pero hindi ako pumayag!" dagdag ko pa. Agad naman siyang napangiti.
"Howard James? Bakit naman Jane? Chance muna yun." malanding paliwanag ni Cassandra.
"Ako bang kausap mo?" pilosopo kong tanong sakanya. "Kung makapagtanong ka akala mo close tayo."
Halata namang nagpipigil ng tawa sila Franz at Ella.
"I'm just asking a question." paliwanag niya.
"No your not asking me a question, dahil unang una wala kang karapatang tanungin ako, pangalawa dahil hindi tayo close at pinakahuli dahil wala akong balak sayangin ang laway ko sayo!" I said it with a serious tone, I dont care kung mapahiya siya. Ganito rin naman ang ginawa niya saakin noon. I'm just returning a favor.
BINABASA MO ANG
Once Upon a Lovestory (Book II)
FanfictionThis story is the continuation of the Once Upon a Lovestory, so its means this is the book II of the story. And you will not able to understand this story if you wouldn't read the first book. Ayoko po ng anong mang komentong "Hindi ko maintindihan...