Unang parte ng introduksyon.
--
Alas diyes ng gabi pauwi na galing sa bahay ng kanyang kaibigan si Alexandra. Habang nag lalakad siya sa daan papunta sa kanilang tahanan ay madadaanan niya ang isang maliit na parke, doon makikita ang ilang kabataan na nag sasayawan dahil may libreng disco sa gitna ng parke may mga sikat din na banda na mga dumating. Ang buong lugar ay maraning palamuti msaya ang lahat ganto palagi sa kanila pag bisperas ng piyesta, Maganda, Masaya na parang walang problema . Napangiti si Alexandra sa ganung kaisipan.
Sa kabilang dako ng side walk may nakita siyang mga kabataan halos kasing edad niya dalawang babae at dalawang lalake. Nakatayo lang sila tila may inaantay.
Yung isang babae ay kulay itim ang buhok at naka black leather jacket at black boots na abot ilalim ng tuhod. Napansin ni Alex ang kanyang mga mata napakalungkot pero bigla siyang napaisip kung bakit ganun ang kanilang suot may cosplay ba?
Yung isang babae light brown na buhok naka black cocktail dress at flat shoes ito isa parang galing ng party. Yung isang lalaking light brown na buhok din at magkamukha sila nung naka cocktail dress naka black shirt na pinatungan ng leather jacket. Yung isa pang lalaki ay black hair at naka leather jacket din nakatayo habang nakatingin sa babaeng itim ang buhok.
Ano kayang ginagawa nila ?
Laking gulat nya ng biglang may dumating na laaking all white naman blonde ang buhok hindi maipagkakailang may itsura ito. Ang ikinagulat niya ay nung biglang nag bago ang anyo nito matapos niyang makita ang mga miysteryosong kabataan. Bigla itong lumaki naging mabalahibo nanlilisik na mata matatalas na ngipin na tulad ng isang halimaw. Isa itong lobo? Nanlaki ang mata ni Alex sa pagkagulat. Ang higit na kanyang pinag tataka ng ang ibang tao ay tila walang pakialam na parang siya lamang ang nakakakita nito nanigas siya sa kanyang kinatatayuan sa sobrang gulat at takot.
May liwanag na bumalot sa mga misteryosong kabataan pagkawala nag liwanag agad sumugod ang kaninang kulay itim na buhok na babae na ngayon ay kulay pula na hindi lang yun ang kanyang kamay ay may lumalabas na apoy. Hindi lang siya ang nag bago pati narin ang magkamukhang nakita niya parehas na silang kulay siver ang buhok yung isang lalaki eh naging kulay ginto ang buhok .
Sumugod ang pulang buhok na babae papunta sa lobo gamit ang kanyang nagaapoy na kamao ay sinuntok nya ito sa mukha napaungol ang lobo bumalik naman ito ng kalmot gamit ang malalaki at matatalim nitong kuko pero agad na nakadepensa ang babae kaya hindi siya napuruhan.
Sumunod naman ang kulay silver na buhok na babae maninipis na tubig ang naggaling sa kanyang kamay tila mga malalaking karayom naman ito na tumama sa lobo nag kasugat sugat ito. Sinundan naman ito ng siver na buhok na lalaki at isa namang napakatulis na yelo ang nang galing sa kanyang kamay at tumusok ito sa malapit sa puso ng lobo.
Sumunod naman ang kulay gintong buhok na lalaki at pinagdikit nya lang ang kanyang kamao biglang pinaghiwalay at tinapat ang kanyang palad sa lobo may bigaang kuryente ang bumalot sa lobo halatang napakalakas ng boltahe dahil umuusok na ang balat ng lobo. Matapos ba namang mabasa at pagkatapos ay makuryente siguradong napakalakas ng impact nun pero hindi parin patay ang lobo.
Ang kulay pulang buhok na babae ay may hawak-hawak ng espada na nagaapoy tumalon siya at agad tinusok ang espada sa dibdib ng lobo talagang ibinaon niya ito napasigaw ng napakalakas ang lobo at tuluyan itong tumumba naramdaman ni Alex ang lakas ng patumba nito dahil naramdaman niya ang dagundong sa kanyang paa para bang nagkaroon ng bahagyaang paglindol.
Nabalot ulit ng liwanag ang katawan ng mga misteryosong kabataan at bigla nalang silang nawala sa isang iglap.
--
Comment kayo please
I need to know your thoughts.
:3
BINABASA MO ANG
THANA ACADEMY (School of Power)
FantasyBuong akala ni Alexandra ay kilalang-kilala na niya ang kanyang pagkatao. Patuloy siyang naniniwala sa mga bagay na sinasabi nilang hindi totoo kagaya ng Underworld, mga Bampira, halimaw at iba pa. Dumating ang araw na napatunayan ni Alex na totoo a...