Chapter 3.2

8 1 0
                                    

Filipino Time

After nitong subject ay lunch break na. May lunch naman akong dala, kaya hindi na ako umuuwi or kaya bibili na lang ako ng pagkain sa canteen. Mahirap din kasi makakuha ng Lunch Pass, para pwede kang lumabas ng school pag lunch time na.

Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapag-focus sa sinasagutan naming activity. Dahil lang naman po sa libre na sinasabi ni Airen. Ayaw ko ngang sumama. Tapos, magmumukha lang akong tanga doon? Wag na lang noh! Hay, okay lang naman sina Mich kasi medyo close naman sila at nandun naman sina Bryan. Kaso ako, saan ako lulugar? Haaaay.

"Jadie, anong sagot mo sa number 2?"

Nabalik ako sa realidad nang magtanong si Ianne.

"Talasalitaan ba?" tanong ko.

"Oo."

"Aah, letter B."

"Okay. Thank you." aniya

Sasagutan ko na sana yung Essay part nang bigla siyang magsalita ulit.

"Jadie, may utang ka ba kay Airen?"

Nagulat ako sa sinabi niya.

"H-ha? Utang, ako? W-wala ha."

Ano ba, Jadie! Wag ka ngang mag-panic jan!

"Kanina ka pa niya tinitingnan eh."

Ano ba'ng pinagsasabi nitong si Ianne?

Tumingin ako sa direksyon ni Airen, saktong lumingon siya at nagkatinginan kami. Agad naman akong umiwas.

"Kanina pa yan tingin nang tingin dito eh. Hindi naman ata ako ang tinitingnan." dagdag pa niya.

"Baka.. baka walang magawa. Napatingin lang." pagpapalusot ko. Ano ba yan. Tsk.

"Ganon? Kailangan talaga lingon nang lingon dito? I mean, sayo?"

"Baka naghahanap ng sagot."

"Si Airen? Walang maisagot? Imposible. Tsaka, bakit sayo siya maghahanap?"

Ano bang problema mo Ianne Liezl ha??!

Joke lang, syempre di ko sinabi yon.

"Hindi ko alam." matipid kong sagot.

"Ikaw ha! May hindi ka sinasabi.. Siguro, may ginawa ka kay Airen. Kasama ka na ba sa mga gustong maging girlfriend ni Airen?"

"Ano?! H-hindi ah! Ano bang pinagsasabi mo?"

Napalakas yata yung pagsagot ko kay Ianne kaya napansin kami ni Maam Sanchez.

"Ms. Lim, may problema ba?"

"Po? W-wala po, Ma'am."

Bumalik na ako sa ginagawa ko, habang si Ianne naman ay natatawang nakatingin sa papel niya. Problema nito? Tsk.

"Masyado ka namang defensive. Hihi" sabi niya habang nakatingin pa rin sa papel niya.

Hindi ko na siya pinansin, baka ano pang masabi ko.

"Ayan naman oh, panay talaga ang lingon eh."

"Baka ini-exercise ang leeg." seryoso kong sagot. Lame excuse, Jadie!

Hindi na siya sumagot pa. Aba, dapat lang! Hahaha.

Nang mag-lunch break na, yun pa rin ang nasa isip ko. Yung libre. Haha. Hindi naman ako hangol sa libre noh! Sa manlilibre lang. Okay! Joke lang po! Hindi naman siya kahangol-hangol eh. Unti-unti nang nagsilabasan yung mga classmates ko, samantalang ako ay binabagalan ko ang pagliligpit sa mga gamit ko. Para matagalan, baka sakaling may takas pa ako sa libre kunoh. Dahan-dahan lang lahat ng kilos ko, hanggang sa mga 5 na lang kaming nasa loob ng classroom. Nasaan na sina Mich? Nakalimutan nila ako? Grabe. Eh, teka lang?! Mas masaya yun diba? Hindi na ako makakasama. Medyo natuwa ako habang iniisip na nakalimutan na nila ako. Hahaha, buti naman. Naglalagay na ako ng mga gamit ko sa bag, nang...

"Jaaaaadesss! Ano pang ginagawa mo jan? Let's go na!"

Sino bang tumatawag sakin ng Jades?

"H-ha? Haha. Let's go saan?"

Kunwari di ko alam na ngayon na pala yung libre.

"Sa lunch. Libre ni Airen po! Hello, Jadie Lim?"

"Aaaah! Sorry, hindi ako makakasama. Sa labas diba?"

"Oo, sa labas nga. Wala namang Mcdo sa loob ng campus."

"Yun na nga, wala akong lunch pass eh." ipipilit ko pa rin ang pagtakas ko.

"Rocky took care of that. Come on."

"H-ha? Eeeh, baka magalit si Ma'am Garcia." Please, Mich. Let me go. Chos.

"Ma'am Garce said it's okay. Come on, Jadie. Wag ka ngang pa-tweetums jan!"

Ano raw?! Tweetums? What on earth is tweetums?!

"Ano'ng tweetums?"

"What I meant was wag ka nang papilit! Hahaha. I'm serious now." Parang timang lang tong si Michelle.

"Gagawa pa ako ng assignment. I'm so sorry, Mich."

"Wala namang assignment eh." sabi niya na parang nagtatampo.

"Meron kaya."

"Jadie naman eh." iiyak ba to?!

Sasagot na sana ako, kaso may biglang nagsalita sa may pintuan.

"Mich? Tara na. Baka ma-late tayo ng balik. Si Lim?"

"Hindi daw siya sasama! Gagawa raw siya ng assignment! Nakakapagtampo talaga! Wala namang gagawin!"

Nagulat ako sa ginawa ni Mich, nakatingin na tuloy samin yung mga classmates namin na nasa loob pa ng classroom.

"Assignment? Sa anong subject? Ako na lang gagawa. Tara na." sabi ni Airen.

Speechless naman ako. Siyang gagawa? Eh di wow.

"Yes! So, let's go na Jadie!" umaliwas ulit ang aura ni Mich. Wow lang talaga.

Sa huli, nagtagumpay sila. Sumama pa rin ako. Malapit lang naman sa school yung Mcdo.



Naging okay naman yung lunch out namin. Hindi naman ako na-OP or what. Di rin naman ako masyadong pinansin ni Airen, yung casual lang ulit. Ano bang problema niya? May pasama-sama pa siyang nalalaman tapos di rin naman ako papansinin. (Teka, ano bang gusto mo Jadie? Baby-hin ka ni Airen?) Pero, okay na. Tama na, ayaw ko na ngang i-issue eh.


Ten o'clock na ng gabi at nakahiga na ako sa kama ko. Wala naman na akong gagawin. Natapos ko na ata lahat. Ang sipag lang. Puro ang hindi pagpansin ni Airen lang ang laman ng utak ko, pabalik balik na lang ang reklamo ko. Nawasak lang ang imagination ko ng biglang tumunog yung cellphone ko. Hanep, hindi text. May tumatawag sakin! Agad kong inabot yung cellphone ko sa may bedside table ko. Tiningnan ko kung sino yung tumatawag, alangan naman diba? Natural titingnan ko talaga, tumawag ba naman nang ganitong oras? Edi siya na. At ang nakita kong pangalan sa screen...


Airen Marcos



---------------------

AN:

Guys, sensya na kung sobrang bagal ng takbo ng story. Perstaymer eh. Tsaka busy rin ako these past months. Magbasa naman kayo! Haha. Joke lang. Thanks, sa mga nagbabasa nito. Wala na akong masabe, salamat lang talaga. :D

Mr

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 03, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Almost Had YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon