Prologue

4 1 0
                                    

Sa isang maliit na bayan, may nakatirang masayang pamilya. Nasa dulo ng bayan nakatayo ang kanilang maliit na bahay. Ang kanilang bahay lang ang pinaka malayo sa mga bahay-bahay dahil para sakanila ay ikakabuti nila ito.

"Oh ano, aalis na ako ha? Mag-iingat kayo rito," sabi ng isang lalaki sa kaniyang asawa. Bumaling naman siya sa kaniyang kaka-limang taong gulang lang na anak at pinisil ang dalawang pisngi nito, "At ikaw na bata ka, kumain ka sa tamang oras! Puro ka nalang pagbabasa ng libro!"

"Papa naman, eh!" reklamo ng bata at humawak sa pisngi gamit ang maliit na dalawang kamay. Lumobo ang kaniyang dalawang pisngi na siyang nakapag-patawa sakaniyang mga magulang.

"Osige na, umalis ka na," sabi ng babae.

Napahawak naman siya agad sa dibdib, "Ang sakit mo na, Mahal! Hindi mo na ba ako love?"

Isang batok naman ang natanggap niya mula sa kaniyang asawa, kaya humagikgik ng pasimple ang kaniyang anak.

"Late kana kasi, oh! Sige na umalis kana at baka pag 'di kita natantya, ma-sisipa na kita!" sagot ng asawa niya. Tumawa nalang siya at hinalikan sa noo ang anak bago bumaling sa kaniyang asawa.

"Opo, aalis na." Sabi niya at mabilis niyang ginawaran ng halik ang kaniyang asawa. Napatingin naman siya sa umbok ng tyan nito na malaki na,

"At ikaw, wag mo papahirapan si mama at papa, ha? Wag kang mag crave ng kung ano-ano! Wag mo gayahin ang ate mo, nagkakaintindihan ba?"

Napatawa nalang ang kaniyang asawa sa tinuran nito sa kaniyang umbok na tyan. Mas lalo itong natawa nang naramdaman niyang sumipa ito. Naramdaman din ito ng kaniyang asawa kaya't ngumiti ito.

"Umalis kana raw, ang dami mo pa raw sinasabi," natatawang sabi nito. Napailing nalang ang lalaki at hinalikan sa noo ang kaniyang asawa.

Pero bago pa siya makalabas ay hinila siya ulit ng kaniyang asawa at may binulong,

"Umuwi ka ng maaga. Birthday ngayon ng anak mo at hindi mo pa binabati!" Tyaka siya kinurot sa tagiliran.

Tumawa naman ito bago sumagot, "Alam ko 'yon. Kaya nga isu-surprise ko siya mamayang pagkadating ko."

"Osige. Akala ko nakalimutan mo na, eh. Magtatampo 'yon sayo," Sabi ng asawa niyang si Phinia. "Osige na, umalis kana at baka tuluyan ka na talagang ma-late sa pasok mo!" Hinalikan niya sa pisngi ang kaniyang asawa na si Iodel.

"Ba-bye, Papa! See you po mamaya!" Rinig niyang sigaw ng kaniyang anak. Nginitian niya ito at kumaway na kinawayan din ng kaniyang anak.

Sa hindi kalayuan, may nagtatagong lalaking naka-itim at nakangising nakatingin sa bahay.

"Dito lang pala kayo naninirahan?"













-
-
-
-
-

"Ano kaya ang pwedeng iregalo ko sa anak ko?" Tanong ni Iodel sa kaniyang sarili na narinig ng katrabaho nito.

"Sapatos!" Sagot ng katrabaho niyang si Riki. 

Napatango-tango naman ito. "Pwede, pwede!"

"Pero kung ako sayo, kwintas na lang ang ibigay mo!" Singit naman sa usapan ni Teban. Agad naman silang na-paharap sa kaniya. "Kase ang sapatos, pwede 'yan masira, pero ang kwintas pang habang buhay!" Dugtong niya pa.

Napatango-tango naman ulit siya sa sinabi ni Teban. "Tama, pwede niya rin 'yon dalhin paglaki!"

"At tyaka, kapag sinuot niya iyon, parang lagi kana rin niyang kasama, hindi ba?" Dugtong pa ni Teban na tinanguan ni Riki.

"Magugustuhan kaya iyon ng aking anak?" Tanong ni Iodel sakanila.

"Syempre naman! Gusto mo bang samahan ka namin bumili mamaya? May alam akong bilihan dyan ng kwintas, mura lang. Pwede ka rin mag pagawa ng locket doon." Sabi ni Riki.

"Sige. Salamat sainyo mga pare!" Tugon niya.

"Hoy! Bumalik na kayo sa mga trabaho niyo at huwag mag daldalan dyan!" Sigaw ng boss nila kaya agad silang napabalik sa kanilang mga ginagawa.

-
-
-
-
-

"Happy birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday, Happy birthday! Happy birthday to you!" Pagkanta ni Iodel sa kaniyang anak.

"Thank you po, Papa!" Sabi ng kaniyang anak at yumakap sakaniya.

"Kanina pa nangungulit 'yan sa'kin. Akala ata, kinalimutan mo na talaga ang kaarawan niya." Pagkwento ni Phinia sakaniya. Natawa naman ito at bumaling sa kaniyang limang taong gulang na anak.

"Tandaan mo, hinding hindi ko makakalimutan ang birthday mo. Tyaka, ikaw pa ba?" Binuhat niya ito at nilapit sa dingding ng kanilang bahay, "Halos petsa ng kaarawan mo ang nandito." Natatawa niyang saad.

"Osige na, kumain na tayo para makapag pahinga na. Nagluto ako ng spaghetti na sakto lang sa ating tatlo."  Sabi ni Phinia at dumiretso na silang tatlo sa kusina.

Pagkatapos nilang kumain ay hinatid na nila sa kwarto ang kanilang anak.

"Anak, halika dito. May ibibigay ako sayo," Sabi ni Iodel.

Agad naman lumapit ang kaniyang anak. Pinatalikod siya nito at isinuot sakaniya ang locket na pinagawa niya kanina.

"Hala, Papa! Ang ganda po nito! Akin na po ba ito?" Sabi nito at tumingin sakaniyang ama. Tumango naman si Iodel habang nakangiti.

"Thankyou po, Papa!" Sabi nito at niyakap siya. "Walang anuman!" sagot nito sakaniya at mas niyakap nang mahigpit.

'Sana ganito nalang palagi.'

Sa kalagitnaan ng dilim, kung saan lahat ng ilaw sa bahay ay patay na. Mayroong tatlong taong nakaharap sa isang bahay. 

"Dito na ba 'yon?" Tanong nito sa kaniyang kasamahan.

"Oo, dyan na 'yon. Tsk. Hindi man lang nag effort mag-tago." Sagot naman nito.

"Tara na." Saad ng lalaking kanina pa tahimik at naunang pumasok.

Isang nag a-apoy na bahay ang pumukaw sa atensyon nang isang lalaki. Agad siyang napatakbo nang napansin niyang bahay  iyon ng katrabaho niya.

"Iodel! Iodel!" Tawag nito agad pagkapasok sa nag a-apoy na bahay.

Napaubo ito nang usok ang sumalubong sa kaniya at mga nag-aapoy na mga gamit.

"Iodel!!" Tawag nito ulit. Ngunit wala pa rin itong narinig na kahit ano.

"Tulong!" Rinig niyang ungol sa isang kwarto.

"Iodel!" Gulat nitong sabi. Agad niyang itinayo ang nakadagan na kabinet sa binti ni Iodel at tsaka niya ito binuhat.

"Pare, yung mag-ina ko." Huling sabi ni Iodel bago siya mawalan ng malay.

________________________

This story is a work of fiction. Names, characters, places, and events are fictitious unless otherwise stated.
Any resemblance to real persons– living or dead, or actual events is purely coincidental.

No part of this story may be
reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, without the prior permission of the Author.

Plagiarism is a crime.

Expect the Typos and Grammatical Error❗

JKH4Y7E

J'm planning to finish this story first bago yung IOTU.  Pero dahil mabagal ako mag ud, feel ko aabutin tayo ng 1 year? kemi, try ko mga before 11 months, hehe (⁠^⁠^⁠)

Into the Human WorldWhere stories live. Discover now