Am i in love or just emotionally attached?

460 17 3
                                    

the fact that i'm hurting rn but she doesn't have any idea, di niya naman kasalanan. kusa ko lang itong naramdaman. iba yung epekto niya sakin, i'm emotionally attached to her. tbh, i was fine being alone but then she came into my life. isang araw, nagising nalang ako na hindi na kompleto araw ko pag di siya nakakausap, nasanay na ako sa presensya niya. nasasaktan ako ngayon kasi sa isang iglap nagbago ang lahat, expected ko naman lagi na ganito ang ending pag may nakikilala ako pero iba kasi siya eh, sobrang affected at nasasaktan ako ngayon.

masyado magulo, minsan tanggap ko na hanggang dun nalang talaga. okay na ako, pinipilit ko sa sarili ko na kaya ko na wala siya kasi nakaya ko nga nung di ko pa siya nakikilala pero sa tuwing sasapit ang gabi, maiisip ko siya at yung mga memories namin tapos maiiyak nalang ako. tinatanong ko sa sarili ko na bakit kami humantong sa ganito? saan nagsimula? bakit biglang nagbago? gusto kong bumalik sa dati pero mas lalo lang akong masasaktan.

yung tipong halos araw-araw, minu-minuto pa nga kayong nag-uusap dati pero ngayon, ni hi man lang wala na. ganun na lang, natapos ang lahat na walang explanation. bigla lang kayong nag part ways. gusto ko sabihin sa kanya na sobrang miss ko na siya pero baka makaabala lang ako kasi mukang okay naman siya kahit wala ako so lalayo nalang ako kahit masakit.

i dunno really know kung matatawag ba itong "LOVE" do i love her in a romantic way or i'm just emotionally attached to her, na nasanay lang ako sa presensya niya. this is so confusing, tbh. di ko maintindihan kung ano ba itong nararamdaman ko pero one thing's for sure, she is different sa mga nakilala ko at kahit anong limot ang gawin ko, di ko siya magagawang kalimutan kasi naging malaking parte din siya ng buhay ko.

eight months had passed already and until now, miss ko parin siya. we're still mutuals sa mga social media. i can't unfollow/block her kasi gusto ko parin nakikita siya. ang unfair lang kasi ang tagal na pero bakit ganun, may kirot parin sa puso ko tapos siya, okay na. di naman sa pagiging bitter pero gusto ko din kasi maging okay na, mahirap din kaya magpanggap na hindi ka na affected pero deep inside, shet. masakit parin, i wanna be happy, genuinely.

"hi, musta?"

literal na nanlaki mata ko ng bigla siyang nag chat sakin, like is this real? am i dreaming? pero mag reply ba ako? baka sa umpisa lang ito. unti-unti na nga ako nagiging okay tapos bigla siyang susulpot pero ayun, nag reply din lola niya, wala eh. marupok.

"okay lang ako, ikaw ba?"

SINUNGALING KO DIBA, OKAY LANG DAW.

"it's been a long time na rin pala na hindi tayo nag-usap."


OO ANG TAGAL NA TAS BIGLA KA MAGPAPARAMDAM?! HMPH.


"oo nga eh hahaha."



so ayun, nagkamustahan lang kami. walang ganap. balik na naman ako sa pagiging malungkot at pagka-miss sa kanya. nakakainis, dapat di nalang ako nag reply eh. dumaan na naman ang araw at linggo na hindi kami nag-usap pero di ko na siya iiyakan noh, ilang balde na ba naiyak ko sa kanya. nakita ko nga pala na nag tweet siya, di ko siya ini-stalk. wag kayong ano, lumabas lang sa feed ko.

"you have no idea how much i miss you."

sana ol miss, ano po? ang swerte naman nung taong na-miss niya. ni minsan ba naisip at namiss niya rin ako? pero parang malabo.

"i don't really know how to start a conversation with you cuz it's been months, a lot has changed."

ayaw ko naman mag assume, kotang kota na ako masaktan. binalewala ko nalang ang post niya at nagpatuloy sa pag scroll. naisipan ko nalang mag tweet, nakakaurat mag retweet nang mag retweet.

JaneNella One-ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon