Chapter 1

286 24 7
                                    


Chapter 1

Labing siyam na taon na ang nakakalipas nung mawala sa akin ang taong nagbigay sa akin ng buhay, ang Nanay ko. Gumuho ang mundo ko nung malaman na wala na pala siya. Akala ko iyon na ang pinakamalalang nangyari sa buhay ko pero nagkamali ako.

Five months ago, I lost my dad. He chose to hung himself to be with my mom, and escaped all of his problems, including me, but I could not blame him. Part of him died when his greatest love also died from giving birth.

When I was born in this world, I took everything from him. His wife, happiness, and the courage to live again. I was being blamed for my mom's death, and now that he's gone too, I blamed myself more. I lived with my relatives  in my uncle's house. Although he  says I'm  welcome to his home, I knew from the start his wife didn't want me to live with them.

It was half-past six in the evening when I went home. I was on the verge of taking a step on the stairs in front of their house to knock when I heard the two couple fight. It was a normal fight, they have been fighting since I came. I didn't have the choice but to stop and wait until they stopped fighting. Like I always do.

"Ano ba! Kailangan ba talaga tayo na naman ang magpaaral sa pamangkin mong yun? Halos magkahirap hirap na tayo sa pagpapakain sa anak natin tapos nagdagdag ka pa!" She shouted in frustration.

"Elios naman malaki na ang pamangkin mo kaya na niya mamuhay mag-isa, " dagdag pa niya.

"Hindi ko kayang pabayaan nalang ang bata, Merin. Nangako ako kay Ate na aalagaan ko ang anak niya at susuportahan hanggang sa kolehiyo. " Pagmamakaawa pa ng tiyo ko sa kanyang asawa.

"Patay na ang kapatid mo! Nang dahil sa batang yun nagkanda leche leche pa ang buhay ng tatay niya. Hindi mo ba napansin? Simula nung tumira siya dito sa bahay nakunan ako at bumagsak pa ang negosyo natin---"

"Mahiya ka nga sa sarili mo, Merin! Wag na wag mong isisisi sa bata ang masamang nangyari sa buhay natin. Wag na wag mong babanggitin iyan sa harap niya. Binabalaan na kita."

Bumukas ang pintuang kanina pa nakasara. Tumayo ako at iyinuko ang ulo kasabay ng pagbati sa kanilang dalawa ng magandang gabi. Hindi ko pinahalatang kanina ko pa sila naririnig, bagkus ay binigyan ko na lamang sila ng nagtatakang tingin animo'y nagtatanong sa nangyayari.

Pinaghalong gulat at galit ang rumehistro sa pagmumukha ni Tiya Merin ngunit kaagad din iyong nagbago. Nakayuko si tiyo na para bang alam niyang narinig ko ang pinag-usapan nila at walang imik na tumango sa akin habang ang mga tingin ay nasa sahig pa rin.

Inabot ko ang supot na naglalaman ng ulam na binili ko sa may kanto. Naglalamon iyon ng adobong manok at adobong baboy. Nanginginig na tinanggap ni tiya ang supot at tinapik ako sa balikat.

"K-kanina ka pa ba iho?" Hindi gaya ng tono ng boses niya kanina, ngayon ay malumanay siya. Animo'y hindi makabasag pinggan.

"Kakadating ko lang po. Ano po ba ang nangyari at gulat na gulat kayo?"

Binigyan ko siya ng isang matamis na ngiti. Sa kabila ng ipinakita kong emosyon ay sa loob loob ko ay gusto kong maglaho na lamang sa oras na yun. Masakit man ang ibinabato niyang mga salita laban sa akin pagbaliktarin man ang mundo, malaki ang utang na loob ko sa kanila. Sapagkat tinuring nila akong parang anak binihisan, pinakain, at pinag-aral pa. Sa totoo nga ay nahihiya ako sa kamalasang dala dala ko sa pamilya nila.

Naghanap din ako ng trabahong mapapasukan nang sa ganun ay makatulong man lang ako sa gastusin sa bahay. At isa pa nasanay na ako sa mga naririnig ko mula sa kanya. Sa halip na magalit o magtampo inintindi ko na lang gaya ng payo sa akin ng aking Tiyo.

Pabirong yinakap ko si Tiyo.

"Hindi mo ba ako babatiin tiyo? Nakapasa ako sa exam at isa ako sa napiling mabibigyan ng scholarship."

Breathless (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon