Chapter 9

1K 55 0
                                    

Carmella Pov

Nagising ako dahil sa ingay at bulungan sa paligid, may ngumunguya pa nga ng pagkain eh. Isa lang naman ang pumasok sa isip ko, at iyon ang pag mumura.

"Tanginang ingay yan" Bulong na mura ko bago ko buksan ang aking mga mata, nakita ko naman ang gulat na reaction ng katabi ko at kasabay non ang pag hampas ng isang palad sa bunganga ko kaya napadaing ako sa sakit.

"Dont curse like that Ella, ang tigas talaga ng ulo mo" I heard Kuya Sevy said at mukhang sya yung ngumunguya ahh, kaya pala malakas eh.

"Kuya Sevy naman, masakit na nga katawan ko hahampasin mo pa mukha ko" reklamo ko, ang sakit naman talaga ng katawan ko ehh alam mo yung feeling ng binugbog ka ng mga lalaki? Ganon kasakit pero less na yung sakit kumpara nung kanina.

"Yan karma mo yan, kababae mong tao pero basagulera? Nako Ella ano nalang mangyayari sayo pag wala kami ng kuya mo" Pag sesermon sa akin nj Kuya Sevy akala mo tatay na kung manermon, tsaka ako na nga nabugbog ako pa napagalitan. ANG DAYA!

"Kuya naman eh, tama na ang panenermon at doon ka na sa trabaho mo" pag taboy naman ni Kuya Arian kay Kuya Sev kaya nakahinga naman ako ng maluwag.

"Bahala na nga kayong lahat dyan, baka pag untugin ko pa kayo" Huling sinabi ni Kuya Sevy bago umalis---- ano daw??? Kayo??? Tumingin ako sa paligid ko at doon ko nakita ang mga taga section c maliban kay Mr. Kilay at Lucas, siguro umuwi na.

"Alam mo bang isang buong araw kang tulog? Tsk sleepy head" Sabi sa akin ni Kuya Arian kaya inirapan ko nalang sya bago tingnan ang kalagayan ko at---- PUTANGINA ANO GINAWA NILA SA BRASO KO!! may naka ano na bandage at makapal iyon pero hindi yon yung problema, may mga silat ito at alam kong sila sila lang ang naglagay nito. May benda din ako sa bandang ulo ko si Kuya Sevy nag lagay nag panic kasi eh ayon lahat kahit maliit na sugat may benda, hindi naman mapigilan ni Kuya Arian kasi nag papanic din sya. Sabi nya sa akin eh.

"Kuya Arian, ano ba posisyon mo sa school?" Tanong ko habang pinagmamasdan yung paligid- i mean yung mga natutulog sa paligid

"Wala naman, kaso ako yung old President ng school kaso napa away ako kaya natanggal. Naalala mo ba nung umuwi ako ng puro dugo? Tapos si Kuya Sevy naaman binatukan ako buong gabi?" Tanong sa akin ni Kuya Arian kaya tumango ako dahil gusto ko malaman eh

"Yung araw na yon pasekreto akong gumawa ng gang sa school e kaso habang nag ka-klase ay sinugod kami doon at yung iba nadamay kaya nung nalaman ni Kuya Sevy yon, grabe yung pagka disappoint nya sa akin" Paliwanag ni Kuya Arian at mahinang tumawa, ibang klase naman tong si Kuya kasi nagawa nya pang tumawa e hindi kami pinakain ni Kuya Sevy buong gabi, grabe yung gutom ko kasi nadamay ako hehehe napaaway din kasi ako nung araw na yon.

"Kaya naman pala halos palayasin ka na ni Kuya noon" bulong ko na mukhang narinig nya kasi lumakas ang tawa nya pero parehas kaming napahinto ng may tumawag sa akin.

"Carl!" Tawag sa akin ni Liam bago nya ako yakapin

"Akala ko mamamatay ka na" Dagdag nya, kahit hindi pa ako matagal nag s-stay sa section na toh alam ko na na isa sya sa pinaka maingay, tingnan nyo nagising na yung iba dahil sa kaingayan nya.

"Wait- nag aalala kayo sa akin?" Gulat na may pagka sarcastic kong tanong at agad naman silang tumanggi, si Liam naman ay tinanggal ang pagkayakap sa akin bago silang lahat umalis, so ang naiwan nalang dito ay kaming dalawa ni Kuya Arian.

"Wag mo na ulit babanggain yung grupo nila Lilith ahh, Ella binabalaan kita" pag bibigay babala ni Kuya Arian kaya tumingin ako sa kanya kasi sa boses nya palang halatang gusto nya ako matakot.

"Luh-? Dapat ba akong matakot?? Sige wait..... ehem...... im scared" Sarcastic na sabi ko pero tinignan lang ako ni Kuya ng masama tsaka kumuha ng mansanas at binalatan ito.

"Ayoko nyan!! Gusto ko piatos" Reklamo ko kaya naman napatigil sya sa pag babalat at tumingin sa akin

"Bobo hindi para sayo ito, PARA ITO SA AKIN. SA. AKIN" mataray na sabi nya kaya naman napanguso nalang ako bago tanggalin ang benda sa braso ko, masakit sya pero kaya pang manapal. Tibayin din kasi yung angkan na pinanggalingan ko pero hindi ako si Cardo, syempre mamamatay ako kahit isang bala lang tumama sa akin basta sa organs na importante o sa ulo.

"Joke lang naman tsk, napaka patay gutom mo" Bulong ko sa aking sarili at ni-make sure ko pa na hindi iyon maririnig ni Kuya. Tumayo na ako kasi hindi naman ako lumpo at kumuha ng prutas bago ito kainin.

"Buti talaga matigas yang buto mo, kung hindi nag aagaw buhay ka na ngayon" Asar nya sa akin kaya naman tiningnan ko sya ng masama ng may naalala ako.

"Ano kayang reaction ni Sir sa nangyari?" Tanong ko sa kanya habang pa simpleng kumukuha ng binalatan nyang mansanas sa plato

"Ayon nagalit kasi hindi nag paliwanag si Ace ng maayos, baliw talaga kahit kailan" Sagot naman ni Kuya Arian kaya naman tumango ako at ngunite kasi nakakuha ako ng isa kaya naman agad ko itong nilagay sa bunganga ko para naman hindi na sya maka angal, pero wait--- sino si Ace?

"Ace? Sino yon? Gwapo ba? Mayaman? Single? Boyfriend mo?" Sunod sunod na tanong ko kaya naman tiningnan ako ni Kuya ng masama pero lalong sumama yung tingin nya sa akin ng marinig nya yung dulo kong tanong.

"Ace Montefalco, isa sa kinatatakutan sa school at sya ang pinaka leader ng Section C at isa pa, yang taong yan ay wag mong kalabanin dahil hindi mo alam ang kaya nyang gawin at hindi ko aya boyfriend kadiri ka at hindi ako bakla" Mahabang paliwanag sa akin ni Kuya Arian kaya isang irap lang ang sagot ko kasi ang dami nyang sinabi hindi man lang sinagot kung gwapo ba o mayaman pero wait-- si Mr Kilay ata yon hahahaha.

"Ang dami kong sinabi tapos tango lang yung ibabalik mo sa akin? Ano ka? Gold?" Sarcastic na tanong nya kaya napangite ako

"Hindi ako gold kasi isa akong bulaklak na kay ganda galing sa langit" May ngite sa labing sabi ko pero tiningnan nya lang ako ng may pandidiri

"Na binagsak sa lupa dahil pangit kamo" Pangaasar nya kaya naman inasar ko sya pabalik, at doon na nga kami nag umpisang mag asaran.

Malalim na ang gabi ng makauwi kami sa bahay, sabi kasi nila kailangan ko na daw pumasok bukas kahit may mga pasa pa ako pero alam nyo sinabi nila kuya ng sinabi kong hindi ako papasok dahil sa mga pasa ko? hehehe Deserve ko daw sa pagiging pala away ko pero hindi naman ako nang aaway ng walang dahilan ahh, sila kaya yung lumalapit sa akin at makikipag away akala mo naman pinalaki sila sa samang loob, siguro sila yung pagkakamali sa pamilya nila kaya nantri-trip sila.

The only girl in Section CTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon