Chapter 81: Cool-Off.

531 2 0
                                    

Ashleen's POV

Grace: ANO?! Nasisiraan ka na ba ng ulo, Ashleen? Pupunta ka ng Maynila? IIWAN MO KAMI? Paano si Mark?

Gulat na gulat na sinabi sa akin ni Grace.

Ashleen: HINDI KO ALAM. Ewan. Basta.

Grace: Are you sick?! Gaga ka ba?! Ha?!

Ashleen: Grace, suporta kailangan ko ngayon. Hindi sermon.

Grace: SUPORTAHAN KA?! Paano kita susuportahan kung alam kong may masasaktan naman diyan sa gagawin mo?

Ashleen: Babalik din naman ako eh. Tsaka malapit naman ang Maynila dito.

Grace: Pero iba pa rin kapag andito ka, Ash. Bakit kasi kailangan mo pa lumayo? Andito naman kami. Di ka namin pababayaan.

Ashleen: Ayoko na kayong madamay pa sa problema ko, Grace. Tska gusto ko munang mapag isa...

Grace: Osige. Iintindihin kita. Pero pano si Mark?

Hindi ako nakasagot. Ewan ko rin kasi. Ang gulo pa ng isip ko.

Grace: Pinaghintay mo yung tao magdamag kagabi para sa text at tawag mo. Hindi mo ba alam kung gaano siya nag aalala sayo?

Ashleen: Hindi ko pa siya kayang kausapin.

Grace: Anong hindi mo kaya? Boyfriend mo yun, teh.. Nakalimutan mo?

Ashleen: Gusto ko makipag cool off.

Hindi siya nakasagot agad at lalo pa siyang nagulat sa sinabi ko.

Grace: COOL OFF? Wow. Wow ha?

Ashleen: Ang dami ko nang problema. Ang dami ko nang iniisip. Hindi ko na siya nabibigyan ng oras. Tapos.. Lumalabo na rin kami. Nadadamay na siya. Ayoko naman ng ganun..

Grace: Dahil lang dun? Ilalagay mo sa alanganin yung relasyon niyo ni Mark?

Ashleen: Grace, mahal ko naman siya eh.. Kaya lang, hindi ko lang talaga kaya sa ngayon. Magulo. Magulo talaga lahat.. Magulong magulo.

Grace: MAHAL? Mahal Ashleen? Mahal?

Ashleen: Grace.... Please naman uh..

Grace: Ewan lang ha? kasi Ako.. Ashleen... Iintindihin kita. Iintindihin ka namin. Pero si Mark? Hindi ko lang alam.

Nang biglang may sumigaw.

Mark: ASHLEEN! :D

Sabay takbo at yakap sa akin.

Napatingin ako kay Grace. Umiling lang si Grace sa akin.

Mark: Okay ka lang ba?

Tumango lang ako.

Mark: Nag aalala ako sayo. Kagabi ka pa hindi nagpaparamdam.

Ashleen: Mark.. Mag usap nalang tayo mamaya. Excuse lang muna.. CR lang ako.

----

Mark's POV

Grace: Oh? Kumusta naman ang sermon ng nanay?!

Mark: Pinapalayo ako kay Ashleen.

Grace: Ano?!

Mark: Pero di naman ako pumayag. =) Siyempre.

Grace: Ha?...

Mark: HINDI AKO PUMAYAG =)

Grace: Ahh.. Sana pumayag ka nalang..

Mark: Ano?

Grace: JOKE LANG. Di ka naman mabiro. GOOD JOB, dagdag points para sayo!

Tapos nag high-five kami.

Sa Isang Sulyap MoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon