Chapter 26

44 9 1
                                    

I don't really remember how I spent my days after he left the country. I simply became alone again... and longed to see him.

"Nasaan ka na?"

"Nasa byahe na. Huwag mo nga akong madaliin," sagot ko kay Raven.

"Aba, Eula! Kanina ka pa nasa byahe! Parating na't lahat ang in-order naming pagkain, wala ka pa!"

Nailayo ko ang cellphone ko sa tainga ko dahil biglang sumigaw si Raven. Pambihira. Bakit kasi siya pa ang tumawag sa 'kin?! P'wede namang si Summer na lang!

"Papunta na nga talaga ako! Ang kulit mo! Bye na!" Bago pa siya makasagot ay pinatay ko na ang tawag.

Simula nang umalis si Kyvo at malaman nila ang tungkol sa bagay na 'yon, mas naging clingy silang apat sa 'kin. Ewan ko ba sa mga 'yan. Akala siguro nila ikamamatay ko ang naging pag-alis ni Kyvo.

I mean, oo nasaktan ako, pero not to the point na ikamamatay ko na 'no!

But I do miss him.

A lot.

But I don't miss the way he left me or the way he just randomly stopped talking to me.

I miss when we would talk. I miss his soothing voice. I miss when he would compliment my paintings and my art sketches. Even though a lot of people complimented me about my skills, those words like, "you're good," felt different coming from him. 

Pagkarating ko sa restaurant ay sinalubong ako ni Josh at sabay kaming umakyat sa second floor kung nasaan ang ni-reserve nilang table.

"Ang tagal mo! Gusto na naming kumain!" reklamo ni Alysha pagkaupo ko sa tabi ni Summer.

"Traffic e," palusot ko kahit ang totoo ay natagalan ako sa pag-aayos dahil sobrang arte ko sa pagpili ng susuotin kong damit.

"Summer, aren't you hungry?" tanong ni Josh dahil nagsisimula na kaming lahat kumain at siya na lang ang hindi.

Kinukuhanan pa kasi niya ng picture 'yung pagkain niya.

"I will eat. Magse-send lang ako ng ilang pictures kay Vince," Summer answered.

Lihim akong napangiti. So they're already in the mandatory ‘always update me where you are, who you are with, and what you are doing’ phase now, huh?

"Hindi ko pa rin akalaing ma-iinlove ka sa baristang 'yan," natatawang sambit ni Raven. "Dati, kulong-kulo dugo mo r'yan kasi sabi mo lumalaki na 'yung ulo niya dahil lang maraming naga-gwapuhan sa kaniya."

"Raven, past is past. Mabait naman pala siya! Ma-issue lang talaga ako noon!"

Pagkatapos naming kumain, nauna nang umalis ang love birds na si Aly at Raven. Si Josh naman, umuwi na rin dahil wala raw nagbabantay sa kapatid niya. Wala tuloy akong choice kundi samahan si Summer dito sa mall para bumili ng mga art materials niya.

"May naisip ka na bang ipe-paint mo?" tanong niya habang tumitingin sa mga paint brush.

"Wala pa, ikaw?" Hanggang ngayon wala pa rin akong maisip. Nakakainis.

"Mayroon na."

"Ano?"

"Secret!" Tumawa siya. "Sasabihin ko sa 'yo kapag sinabi mo na rin sa 'kin kung ano'ng ipe-paint mo."

I scoffed. Kasasabi ko lang na wala pa 'kong maisip e'. Mukhang kailangan ko na talagang mag-isip para malaman kung ano'ng ipe-paint niya, at para makapagpasa ako on time.

Hindi ko akalaing tatlong linggo na lang ay finals na namin. Parang kahapon lang first day ko palang as a college student.

Ibig sabihin, tatlong buwan na rin simula nang umalis si Kyvo.

In a Heartbeat (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon