CHAPTER 16 [2/2]: SUNDO

59 5 5
                                    

Nayari na ang selebrasyon at nagsiuwian na ang tanan gayundin si Ibe na pababa na sana sa rooftop nang kapagdaka siyang hinablot ni Pipe papasok sa kaniyang condo unit kung saan sila lamang dalawa ang naroroon.

Nang makarating sila sa kaniyang sariling silid, hindi inaasahan ni Ibe ang kalinisan at organisadong mga kagamitan nito. Is he clean-freak?

"Sorry! Medyo magulo." sambit ni Pipe.

"Seryoso ka ba? Parang sinabi mo na din na sobrang dumi ng room ko." pabirong wika ni Ibe.

"Hooy!" banayad niyang tinampal ang balikat nito, "Hindi kaya!"

"So...Close na tayo?"

"I mean...we can be friends tho"

Nagsitagiliran ang ngiti ng dalawa dahil sa hindi mapigilang tuwa ng dibdib.

Umupo sila sa kama ni Pipe at sinumulan na nito ang nais ipabatid.

"Naaalala mo pa ba that time na nagset ka ng party sa Freedroom natin?

"Natin?" ikinubli na lamang ni Ibe ang ngiti, "Uhmm...Oo naman, of course."

Walang ano-anong tumayo si Pipe at inayos ang projector na nasa kanilang likuran.

Habang naghihintay, nakakaramdam si Ibe na parang may tumutusok sa kaniyang puwitan kaya kinapa niya ito at nahaphap ang isang nakayuping papel.

Nag-flash na ang bidyo na inayos nito sa projector at doon nakita lahat ni Ibe ang mga pangyayari na nagdulot sa muntikan ng pagkabawi ng buhay ni Pipe.

Noong araw na iyon, kinuhanan lahat nito ang mga hindi kaaya-ayang pranks na isinagawa ni Ibe na binabalak niya sanang ipadala sa kanilang dekano na kaniyang sariling ama.

Nagulantang si Ibe sa kaniyang mga nasilayan sapagkat hindi niya inaasahan na may ganoon palang plano si Pipe.

Dinampot ni Pipe ang remote control at walang pagdadalawang-isip na binura ang bidyo.

"I think we are even now." nakangiting saad ni Pipe.

~Tok! Tok! Tok!~

Kinakabahang napalingon si Pipe sa pintuan sapagkat alam na niya kung sino ang kumakatok gamit ang aldaba.

"Patay", pinagtatapik nito ang balikat ni Ibe at atat na nagwikang, "Magtago ka! Bilis!", natataranta na ito ngunit ang tanging tugon lamang ng kasama, "Bakit? Wala naman tayong ginagawang masama."

"E...basta magtago ka nalang!" umiiksing pasensyang pakiusap nito kay Ibe.

Kinaladkad nito ang kaniyang bisita papasok sa kaniyang maliit na munting o aparador.

Itinakbo na niya ang pagtungo sa pintuan at daglian na itong binuklat habang naghahabol ng hininga na hinarap ang mga kaibigan at sinabayan ng misteryosong ngiti.

Pagdaka nalang nagkatinginan sina Micah, Yna at Keith at walang anu-anong binaling ang mga ulo at naghalughog sa buong sala ng condo nang kagyat nalang may kalampog na tunog ang kanilang narinig sa kwarto ni Ibe.

Nagkatitigan muli ang magkakaibigan habang nilalamon na ng kaba si Pipe na nasa tapat ng pinto ng kaniyang silid.

Kara-karaka ng binuksan ng tatlo ang kuwarto nito at bumungad sa kanila ang walang kalatis at payapang apat na sulok. Bagaman maliwanag na walang tao sa loob, kinapa pa rin nila ang bawat sulok nito hanggang sa nakita ni Micah ang nakasiwang na damitan ni Pipe.

"Gays! Nahanap ko na!" nasasabik at pabirong wika nito.

Tinanlan nina Keith at Yna ang magkabilang hawakan ng pinto ng aparador. Napapikit nalang si Pipe at wala ng nagawa dahil si Micah ay nagbilang na ng—–

"One...Three! Revea—"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 29, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Need Your I Love You (BL Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon