Kinulong ko ang sarili sa apartment na tinitirahan ko. Araw-araw akong binibisita ni Markus pero ngayon, hindi siya nagparamdam. Iyon ang tama. Hindi ko kayang manatili sa tabi niya... May kasalanan ang pamilya ko kay Markus.. Sa dinami-dami ng tao sa mundo, bakit si papa pa ang naging dahilan ng pagkawala ng mommy ni Markus?Kinuha ko ang phone ko nang tumunog 'yon. Tumatawag si Markus... Pinatay ko ang phone ko. Ayokong makipag-usap sa kaniya. Mas lalo akong kinakain ng konsensya at hiya... Paano niya nakakayanang pilitin akong huwag lumayo kahit na alam niyang kadugo ko ang gumawa n'on sa mommy niya?
"Sumama ka na, Pia ko." Naglalambing si Qams na yumakap sa akin. Nakiyakap din si Clara.
"Oo na, sige na." Mas humigpit ang yakap ng dalawa nang pumayag ako!
Umupo ako sa tabi ni Qams habang pinapanood ko si Clara na makipaglandian sa lalaking nakilala niya palang kanina. Mukhang mabait naman 'yung lalaki... G'wapo rin. Mukhang kayang buhayin si Clara.
Pero mas gusto ko si Edward para sa kaniya. Ewan ko ba sa kanilang dalawa, masyado silang magulo. Minsan parang sila, minsan parang hindi.
"I'm a vet.. and I own a house full of dogs-"
"Really?! I like dogs! Saan ba? I'll visit your dog house kapag may time ako!" Sabay kaming napalingon ni Qams kay Clara. Interesado masyado si gaga sa boylet niya.
"Here's my calling card. Are you drunk? Are you okay? Your face is so red. Wait, I'll get you water-"
"Hala, 'wag na! Hindi pa naman ako lasing."
"Are you sure?"
"Oo, okay lang ako. Gusto mo bang sumayaw? Tara, let's dance." Kahit na mukhang nag-aalanganin ay hinila ni Clara ang lalaki.
Si Qams, mukhang dinadaya na ako. Dinadaan nalang ako sa kuwento, e! Bumaling ako sa dance floor, hindi ko na makita si Clara!
Kahit na nahihilo ay pinilit ko pa rin na magtungo sa dance floor. Hinawi ko ang mga sumasayaw upang makapunta sa gitna. Nang makarating ako sa gitna, nabunggo ko ang isang lalaki. Nilingon ko siya, handa na makipag-away.
Napangiti nalang ako nang harapin niya ako. Hinila ko siya papunta sa gilid at isinandal siya sa pader. Nangunot ang noo niya at bahagyang nagsalubong ang kaniyang mga kilay.
"Single ka naman, 'di ba?" Tumango siya ngunit bakas pa rin ang pagtataka sa kaniyang mukha. "Hmm, e'di magagawa ko kung ano man ang gusto ko..."
Hinawakan ko ang collar ng damit niya at hinila siya upang mahalikan. I felt him sucking my lower lip. His other hand went up to my waist as he pulled me closer. When we stopped, he leaned against the wall and wiped the side of his lips with his thumb. He had this smirk on his lips...
"You want me back now?" Napangiti ako sa tanong niya. Naalala ko ang sinabi ko noon.
"Hoy! Gaga ka! Nagwawala na si Qamari roon tapos nakikipaglandian ka pala rito!" May biglang humila sa akin. Alam kong si Clara 'yon!
Pinaupo niya ako sa couch. Nanlaki ang mga mata ko nang makita 'yung ex ni Qamari! Si Ethan! Binaling ko ang paningin ko kay Qamari na ngayon ay nilalandi ang ex niya. Nilingon ko si Clara... Umirap lang siya at inis na tumingin kay Ethan.
YOU ARE READING
Bewildering Flights with you, Captain
RomansaA graduate of BS in Tourism Management, a Flight Attendant of PhilAero, an online seller, event host, and a beauty queen. How can someone reject Sophia Ava Pineda? Pia loves to explore things, in love and in life. She believes that flights are a way...