• - CHAPTER 3 - •

14 0 0
                                    

As my regular schedule every first Saturday of the month, I visited the secret base to attend Risum's monthly assembly.

It's been 2 years since I took an oath, accepting my future responsibilites, received the Risum's golden symbol with an engraved scale of justice, the Risum's official organization symbol, and started my legacy as the youngest leader to lead in Risum's history.

Matapos kasi ng nangyaring trahedya sa Risum dalawampung na taon na ang nakararaan, labis na naapektuhan ang buong sekta at sa takot ng ibang opisyal, walang may naglakas- loob na manguna sa samahan. Nangangamba silang matulad sa dating pinuno na namatay habang pinoprotektahan ang organisasyon laban sa mga masasamang tao na gustong sumira rito. Sunod- sunod ding nakatanggap ng death threats ang ilang miyembro. Tinakot sila na papatayin hindi lang sila, kundi pati na ang buo nilang pamilya kung patuloy silang magiging bahagi ng grupo, dahilan para kumalas ang halos karamihan sa miyembro at iilan na lamang ang natira.

Doon nagsimulang mawalan ng lakas at koneksyon ang Risum. Maging ang mga may- ari ng negosyong palihim na tumutustos sa pangangailangan ng sekta ay nagwithdraw sa kontrata. Simula noon, napilitang umalis ang mga natirang matatapat na miyembro sa dating secret base at tahimik na namuhay kasama ang kani- kanilang pamilya.

At ang hinala ng mga opisyal, Treacy ang may pakana ng lahat. Kaya halos dalawampung na taon na rin ang lamat sa pagitan ng dalawang grupo.

Dalawang dekada na rin ang pananahimik ng Risum hanggang isang araw, nagbago ang lahat.

Isang maulan na hapon noong taong 2016.

Mabilis akong tumakbo patungong field nang balitaan ako ni Jeth na pinagtulungang bugbugin si Liam ng tatlong lalaki.

Hindi pa kami pinayagang lumabas no'n dahil sa lakas ng ulan. Magkaiba kasi kami ng pinapasukang paaralan ni Liam. Grade six siya no'n, nasa grade ten naman ako.

Nagmakaawa ako sa guard na kung pwede ay payagan niya ako na maunang lumabas dahil may emergency sa bahay subalit hindi siya pumayag dahil natatakot siyang mapagalitan ng principal. Sa sobrang pag- aalala kay Liam, hindi na ako nakapag- isip nang tama at hindi ko na natantiya ang mga ginawa ko. Mabilis kong hinablot ang susi na nakasabit sa pantalon ng guard at dali- daling tumakbo patungong main gate ng school.

Hindi ko alintana ang mahahapding pagtama ng mga patak ng ulan sa aking balat dahil ang tanging nasa isip ko no'n ay ang kaligtasan ng kapatid ko. Hindi ko siya pwedeng pabayaan dahil kahit na ampon lang si Liam, minahal ko siya na parang tunay kong kadugo. Lumaki kaming dalawa na walang kinikilalang ama. Tanging si mama lang ang nagtaguyod sa amin ni Liam.

Ayon kay mama, namatay si papa bago pa man ako maipanganak. Hindi ko alam ang itsura ni papa. Wala ni isang litrato na naiwan sa amin kaya kahit anino niya, hindi ko kilala.

Ang totoo, hindi ko tunay na kapatid si Liam. Inampon lang siya ni mama nang makita siya nitong umiiyak sa gitna ng malawak na damuhan. Walang may nakaaalam kung sino ang tunay niyang mga magulang at kung bakit basta- basta na lamang siyang iniwan doon.

Lumaking payat at sakitin si Liam kaya madalas siyang ma- bully at dahil hindi niya kayang ipagtanggol ang sarili, madalas siyang umuuwing may pasa, magulo at gusot ang suot na uniform at balot ng natuyong luha at uhog ang buong mukha.

Isang beses, kinausap ni mama ang adviser ni Liam at ipinaalam ang pangmamalupit ng mga estudyante sa kapatid ko. Natigil naman kahit papaano ang pambubully kay Liam kaso ilang buwan lang ang nakalilipas, madalas na naman siyang umuwi na balot ng pasa sa mukha at iba't ibang bahagi ng katawan. Paulit- ulit ang pangyayari hanggang sa hindi na ako nakatiis. Sa tuwing nababalitaan ko mula kay Jeth na may nananakit sa kapatid ko, kahit nasa gitna pa ako ng klase ay kaagad akong umaalis para turuan ng leksyon ang mga gago na kumakanti sa kapatid ko.

Entangled With YouWhere stories live. Discover now