Chapter 4

962 59 0
                                    

Nasa condo ako ngayon,  pagkagaling ko sa school dumiritsu na agad ako dito.

Hindi ako umuuwi sa bahay,  matagal na. Hindi ko nga alam kung may pamilya pa ako eh. Mukhang wala naman silang pakialam sa’kin.

Napatingin ako sa pinto nong may nag doorbell kaya walang expression ang mukha na tinungo ko ito para buksan.

“OMYGOSSSHH SI RAILEX BA ’YAN?”

“OMYGOOSSHH ANONG GINAGAWA N’YA DITO?”

“ANG GWAPO N’YA TARA PAPIC—.”

hinila ko kaagad papasok ang lalaking ito,  saka umupo sa sofa.“Wala akong sinabing pumunta ka dito.” saad ko.

“I know, pero andito ako para bigyan ka ng pagkain alam kung gutom kana. And can you please alagaan mo naman ang sarili mo. Masyado kanang payat kumakain kaba?”

“Oh.”

“Tss. Kumain kana ano ba kasing nangyayari sa’yu? Ba’t di mo sinabing ate mo iyong namatay nong gulong ikaw ang mapagbintangan?”  pakiramdam ko may kung anong sakit ang kumirot sa puso ko nang madinig ko ang sinabi n’ya.

FLASHBACK
-ONE MONTH AGO—

“oh,  Ryu? Anong ginagawa mo dito? Hindi ba’t dapat nasa school ka ngayon at nag aaral? Bakit andito ka nakatambay?”

“May inayos lang ako,  Ikaw ate? Anong ginagawa mo dito? Hindi ba dapat nag aaral kadin?” tanong ko.

Magsasalita pa sana ito pero halos mapanganga nalang ako ng makita ko kung pano tumilapon si ate ng may sumipa dito.

“Dito kalang pala makikita , pinagod mo pa kami sa paghahanap sa’yu. Sabi ko naman sa’yu diba na humanda ka pagnagkita tayu.”

“Naku pre,  mukhang may kasama.” saad nong isang lalaki saka tumingin sa gawi ko.

Nabaling naman ang tingin ko ng tumayo si ate Athena,  hindi ko alam kung anong meron kasi di naman kami magkaklase at sa pagkaka alam ko nasa ibang school nag aaral itong mga lalaking ito dahil sa uniform nila.

“Ayos kalang?” tanong ko dito saka pinatayo.

“Ayos lang,  umalis kana Ryu. Baka madamay kapa dito. Alis na.”

“Ayuko.”

“Umalis kana.”

Hindi ako nakinig , hanggang sa hinawakan ako nong isang lalaki saka itinulak.“Naku,  pre? Captain pala ng Varsity sa L.U itong kasama ng kaaway natin eh. Sakto makakaganti na tayu dito.”

Sinuntok ko iyong isang lalaki dahil sa inis dahilan para tumilapon ito.

“Ryu ano ba! Huwag kana maki alam dito. Umalis kana? Please ayukong magalit na naman sa’yu si Tito,  paki usap umalis kana.” hindi ko pinakinggan si Ate.

Ako ang nakipag away don sa isang groupo. Minsan natatamaan ako sa tuwing di ako makakailag.

Hanggang sa.“RYU!” sigaw ni ate.

At kita ko kung pano ito bumagsak. Hindi nadin ako makaganti dahil nagtakbuhan na iyong sumaksak dito.“T-Te?” tawag ko sa kan’ya.

“U-Umalis kana , iwan muna ako.”

Umiling ako.“Hindi ,  dadalhin kita sa ospital ok? ” pilit ko s‘yang binubuhat. Puno nadin ng dugo ang uniform ko na galing sa kan'ya.

Hanggang sa maramdaman ko nalang na may nga pulis na na humawak sa’kin habang si ate sinasakay na nila sa ambulance.

Gusto kung sumama ,  pero  sa presento ako dinala at pinagpililitan na ako ang sumaksak dito.

“Anong pangalan mo?” tanong sa’kin nong isang officer.

Captain of his heart  (Student series 1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon