BLOOD 13.4: Revelations (Part 5)

167 6 1
                                    

Hiiii! Omg! Sorry guys! Sorry talaga! Tinatamad kasi talaga ako magtype pag hindi laptop or phone yung device na gamit ko eh (Medyo hassle kasi para sakin mag-type ng mahaba sa tatskrin eh. Blackberry lourdsxcz pa naman ako, di uso yung de-tats lang XD) Eh nasira ang pinakamamahal kong BB and sadly, tatskrin phone ang pinalit sakin so sobrang hirap talaga since di ko pa magamit yung laptop kasi madalas gamit ng iba so Aym so beri sori talagaa~ Tatry kong bumawi ditoo! Hahabaan ko!

'Sometimes the person you'd take a bullet for was behind the trigger' -Tammy Asuncion (The Girl Who Cried Murder by @serialsleeper) *Not the exact words tho.

P.S: UNEDITED. Bukas na XD

Third Person's POV

Isang linggo na ang nakararaan magmula nung maging sila ni Luna at Gerald at sa isang linggong yun, naging payapa at masaya ang buhay ng dalawa. Halos hindi sila mapaghiwalay at halata sa kanilang mahal na mahal nila ang isa't isa

"Gerald, I really can't stop thinking about what Lee would feel" kasalukuyan silang nakahiga sa isang tela sa garden ng bahay nila Luna nang tanungin ni Luna si Gerald

"Luna, mahal ko, mabait at mapagmahal ang kapatid mo. Alam kong maiintindihan niya tayo. Siguro magagalit at masasaktan nga siya pero hindi niya kayang magalit sayo ng matagal. Mahal na mahal ka kaya nun" sabi ni Gerald sabay halik sa buhok ni Luna na kasalukuyang nakapatong sa dibdib niya ngayon

"Sana nga, Gerald. Sana tama ka ng hinala" sabi ni Luna at yumakap kay Gerald. Tahimik lang silang nakatingin sa mga dahon ng punong nagsisilbing silong nila ng biglang...

.

.

.

.

.

.

.

.

.

"LUNA?! GERALD?! ANO 'TO?!" Napabalikwas naman ang dalawa sa pagkakahiga ng marinig nila ang boses na yun, boses ni Lee.

"L-lee, wait I can expl-" Hindi na natuloy ni Luna ang eksplenasyon niya dapat dahil nagsalita na agad si Lee

"EXPLAIN?! No further explanations, Luna. I've seen enough" napapikit ng mariin si Luna habang paulit-ulit sa utak niya ang pagtawag ni Lee sa kanya ng 'Luna' unang beses 'tong nangyari sa kanya at hindi talaga namin alam ang gagawin

"Luna Cleofie Ravenscar ano ba talagang problema mo?!" medyo mas kalmado si Lee habang sinasabi yan, habang si Luna, nagtago na lang sa likod ni Gerald habang maluha-luha na

"L-lee, hindi ko talaga intension 'to. Sorry Lee, sorry-" Naputol na naman ang sasabihin ni Luna ng biglang sampalin siya ni Lee

Luna's POV

"Sorry?! Anong magagawa ng sorry mo?! Will that change the fact that you betrayed your sister again?! Na inagawan mo na naman ako?! Ha!" I silently sobbed, eto na naman. Nauungkat na naman yung nakaraan

"Lee. Please don't be mad at her. This is all, my fault. I'm the one who forced her into this. Sa akin ka magalit Lee, wag sa kapatid mo" Gerald said kaya nalipat sa kanya yung tingin ni Lee

"Gerald, bakit ba siya? Hindi mo man lang ba ako gusto? *sob* kahit konti lang, Gerald. Please, sabihin mong kahit papano gusto mo ko. *sniff* Nagmamakaawa ako, Gerald" at this point awang-awa ako sa kapatid ko. I don't like this. Kung pwede ko lang ibigay si Gerald sa kanya ginawa ko na. Pero hindi eh, hindi ko rin kaya

Prophecy Blood and YOU?! (PBY) [BOOK 2 OF ISVK]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon