Chapter Seven

9 3 0
                                    

“HANAPIN NIYO ang mahal na prinsesa! Hanapin niyo!” 

     Nang iminulat ni Sania ang kaniyang paningin at muli niyang nakita ang kaniyang sarili na nakakubli sa isang madilim na silid na may kahoy na dingding at may mga nakasabit na mga torch na may sindi. Namilog ang mga mata ni Sania nang mapagtanto niya kung nasaang lugar siya. Ito ‘yong lugar kung saan ako sinaksak ng halimaw na ‘yon sa aking tiyan! Bakit narito na naman ako? Panaginip na naman ba ito?

     Binalot ng matinding takot ang kalooban ni Sania. Takot na makasalauhang muli ang nakakatakot na halimaw. Akmang aalis na sana si Sania sa kaniyang kinalalagyan upang makatakas nang biglang niyang naramdaman ang isang mainit na paghinga na tumama sa kaniyang batok na siyang nakapagpataas ng mga balahibo sa kaniyang katawan kasunod ay naramdaman niya ang mga haplos ng isang kamay sa kaniyang magkabilang braso. 
Kasabay ng mga sigawan ng nagkakagulong mga lalaki sa labas ay ang malakas na patibok ng kaniyang puso. 

     “Huwag kang lilikha ng anumang ingay.”

     Nanigas ang buong katawan ni Sania nang marinig ang baritonong boses sa kaniyang likuran. Gumapang ang kanang kamay nito patungo sa braso nito pataas sa leeg nito. Sania felt long nails like knives on the tips of the hands wrapped around her neck. The coldness of his palm started to pierced her skin. Sania gasped for air when the hand tilted her head towards her right side. She felt a soft thing brushed against her cheeks na siyang dahilan upang mahigit niya ang kaniyang hininga. Sania felt him smirk. Did he just kiss me now?

     “You smell good. I bet your liver will be so delicious, princess,” anito. Bago pa man maka-react si Sania sa sinabi nito ay nakita mula sa gilid ng kaniyang mga mata ang paglaki ng bunganga ng nasa kaniyang likuran na siyang naghahanda na upang sagpangin siya. 

     “Ahhh!” Marahas na napabalikwas ng bangon si Sania sa kaniyang pagkakahiga. Naramdaman ni Sania ang paghawak ng isang kamay sa kaniyang likod ngunit dahil sa matinding takot na kaniya pa rin nararamdaman ay agad niyang tinabig ito. “Pakiusap! Huwag mo akong kainin!”

     “Sania! Ako ito ang mama mo!”

     Natigilan si Sania sa kaniyang pagwawala nang marinig niya ang tinig ng kaniyang ina sa kaniyang gilid. Niyakap niya ito ng sobrang higpit ng ilang sandali. Patuloy naman siyang Nang humiwalay siya rito ay inilibot niya ang kaniyang tingin sa paligid. Nasa loob sila ng kaniyang silid kasama ang kaniyang ama at ang kaniyang kapatid. Bakas ang matinding pag-aalala sa mukha ng mga ito. Pero paano?

     “Mama ‘yong halimaw! May nakita po akong halimaw na napakaraming mga mata!” pagkuwekuwento niya. Bumalik sa alaala ni Sania ang lalaking lumitaw at tumulong sa kaniya bago siya mawalan ng malay. Nakaramdam ng kakaibang kaba si Sania dahil baka kung ano na ang nangyari sa kawawang lalaki. “Iyong lalaki, mama! Kailangan na ‘tin siyang iligtas baka napahamak na siya sa mga kakaibang nilalang na ‘yon!” asik niya sabay akmang tatayo mula sa kama nang pigilan siya ng kaniyang ina. 

     “Anong sinasabi mo, anak? Sinong lalaki?” nakakunot noong tanong sa kaniya nito. Tinapunan niya ng tingin ang kaniyang kapatid at ama ngunit gano’n din ang makikitang emosyon sa mga mukha ng mga ito na parang hindi makuha ng mga ito ang kaniyang mga sinasabi.

     “Ma! May lalaki! Sumulpot siya bago ako mawalan ng malay kanina! Ma! Iniligtas niya ako kaya kailangan na ‘tin siyang iligtas!” nagpupumilit pa rin ni Sania.

     Lumapit sa kaniya ang kaniyang ama saka umupo sa kaniyang tabi. “Anak! Walang lalaki nung natagpuan ka namin. Wala na rin ‘yung kung anumang halimaw na ‘yon na sinasabi mo,” saad nito sa kaniya habang hinihimas ang kaniyang likuran.

     Nagsalubong ang mga kilay ni Sania. Magsasalita pa sana siya nang biglang magbukas ang pintuan ng kaniyang silid at saka iniluwan ang kaniyang lola.

“Lola Emilia!” Sinubukang tumayo ni Sania upang salubungin ang kaniyang lola ngunit bigla na lang bumigay ang lakas sa kaniyang mga tuhod. Sa isang iglap ay parang naubos ang kaniyang buong lakas.

     Inalalayan siya ng kaniyang mga magulang upang makabalik sa pagkakaupo sa kaniyang kama. “Anak, mag-iingat ka naman.” Rinig niyang saad ng kaniyang ina ngunit wala rito ang kaniyang atensyon kun ‘di nasa kaniyang lola. Kapansin-pansin ang kawalan ng kulay ng mukha nito. Hindi ito nakangiti gaya ng palagi nitong ipinapakita sa kaniya. May pr-problema ba?

     Ibinaling ni Sania ang pintuan na pinasukan ng kaniyang lola bago niya rito binalik sa kaniyang lola ang kaniyang tingin. “Lola, bakit po kayo malungkot? S-si lolo po?” alangan na tanong niya. Nagalit kaya ito sa pagsuway ko kaya hindi man lang niya ako binisita matapos ang nangyari? Baka alam ni lolo ang halimaw na aking nakita pati na rin ‘yung nakita ko!

     Imbis na sagutin ang kaniyang tanong ay nag-iwas lang ang tingin ang kaniyang magulang pati na rin ang kaniyang lola na siyang dahilan upang mas lalong mangunot ang kaniyang mga kilay. All of them look uncomfortable because of the situation. A blood rushed towards her heart that made it throb so hard. Bakit parang may kakaiba sa mga kinikilos ng mga ito. 

     “Mama, papa, lola? Nasaan po si lolo?”

     NANG MARAMDAMAN ni Sania ang pagbalik ng lakas ng kaniyang mga tuhod ay patakbo siyang lumabas ng kaniyang silid upang tumungo sa silid ng kaniyang lolo. Nang buksan niya silid nito ay nakita niya ang nakahimlay na matandang lalaki na puro galos at benda ang buong katawan. Kapansin pansin din ang pagsulpot ng mga itim na bilog sa balat nito. Napatigalgal si Sania sa kaniyang kinatatayuan habang nakatingin sa kalagayan ng kaniyang lolo. Ngayon ay alam niya na ang dahilan ng pagkalungkot ng kaniyang Lola Emilia.

     Matinding awa at pagsisisi ang bumalot sa puso ni Sania sa harapan ng kaniyang lolo. Paano, sino, kailan, at saan? Ito ang mga katanungan na bumabagabag sa kaniya. Paano nangyari na parang nagkalasog lasog ang buong katawan ng kaniyang lolo samantalang kanina lang nang iwan niya ito ay napakaayos pa ng kalagayan nito. Nilingon niya ang kaniyang lola nang maramdaman niya ang pagpatong ng kamay nito sa kaniya. Tanging ito na lang ang sumunod sa kaniya nang pumunta siya sa silid ng kaniyang Lolo Rene.

     "Paano po? Nagkaganito ang kalagayan ni lolo, lola? Sinong walang puso ang gumawa nito?" Hinawakan niya ang kamay ng kaniyang lola saka ito inalog. "At saka bakit nandito siya? Hindi ba dapat sa kalagayan niya ay dinala na siya sa hospital? Dalhin na 'tin siya sa hospital, lola," naiiyak na dagdag niya. 

     Ngunit imbis na sundin ang kaniyang sinabi ay malungkot lang na umiling ito. Suminghot pa ito at buong pilit na pinipigilan ang sarili na hindi umiyak. "Nang umalis ka ng bahay ay agad kang sinundan ng lolo mo. Alalang-alala siya sa 'yo, apo. Nang makasunod kami ay nakita na lang namin na parehas kayong walang malay ni Rene sa lugar na 'yon. Ayaw naman na magpadala ng lolo mo sa hospital, apo. Hindi na raw kailangan dahil malapit na rin naman ang kaniyang oras at mas gugustuhin niyang dito malagutan ng hininga," umiiyak na sagot nito.

     Sunod sunod na umiling si Sania sa sinabi ng kaniyang lola. Naiiyak na lumapit siya sa kaniyang lolo kapagkuwan ay hinawakan ang kanang kamay nito ng napakahigpit. Tuloy tuloy ang pag-agos ng kaniyang mga luha.

     "Lolo, pakiusap! Kayanin niyo po. Patawad po! Patawad po kung naging suwail ako. Gagawin ko na po ang utos niyo, lolo. Kaya please magpagaling po kayo!" saad niya habang hinahaplos ang kamay ng matanda.

     Ilan pang sandali ay naramdaman niya ang isang matinding pagkirot sa loob ng kaniyang puso na para bang tinamaan siya ng isang palaso. Nanlalaki ang kaniyang mga mata nang ibaling niya ang tingin sa kaniyang lolo. Hindi!

     Wala na siyang makapang pulso sa kamay nito. Narinig niya ang paghiyaw ng kaniyang lola sa kaniyanh likuran habang tinatawag ang pangalan ng asawa nito. Nakaramdam ng matinding kaba si Sania at saka kinuha ang isa pang kamay nito upang kapain ang pulso nito ngunit katulad ng sa kanan ay wala na rin siyang makapa rito na siyang iisa lang ang ibig sabihin. Hindi nangyari ito! Isang masamang panaginip lang 'to.

     "Hindi! Hindi ang lolo ko!" aniya saka niyakap ng mahigpit ang kaniyang pinakamamahal na lolo. "Hindi! Lolo Rene! Gumising ka please!"

His MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon