Chapter 11

959 48 1
                                    

Carmella Pov

Ayon ang ending ay naging debate na yung room, boys vs girls daw ang sabi pero tangina luging lugi ako pero hindi ako aatras!

"Isa lang ang rules, yun ay bawal mainis o manugod dahil kapag ayon yung nangyari ay lilinisin nyo ang kwarto sa kabila" pag papaliwanag ni Sir sa rules, well madali lang pala eh.

"Bakit ang babae ngayon ay ganyan ka biyolente?" Napangasar na tono na sabi ng isa, hindi pa nga nag huhudyat si Sir ehh mga bastos pero diba tungkol sa bayani?? Oo nga pala hindi sinabing bawal ibahin ang topic

"Tanga ka ba o bulag? Don't you see na mas biyolente ang mga lalaki" Sagot ko naman

"Atleast mas maraming gwapo pag lalaki" Sabat naman ni Ace na ikinatawa ko.

"Oh? Ano naman? May magagawa ba yang gwapo mo pag sinpak kita? Hindi ba wala? " Mapang asar at nag hahamon kong sabi, well syempre hindi na toh debate, away na toh.

"So inaamin mo na gwapo ako?" May ngise nasabi ni Ace sa akin

"Oo kasi may kamukha kang artista, hulaan nyo kung sino?" Tanong ko sa kanila kaya isa isa sila nag bigay ng name na attractive na artista kaya napatawa ako.

"Kamukha mo yung paa ng isang artista" Sabi ko na nagpatahimik sa kanila

"So na gwa-gwapuhan ka sa paa ng artista? What a weird girl" Pag basag ni Ace sa katahimikan pero i didn't expect na ako yung maaasar doon ahh.

"Anong problema doon? Ikaw nga mukhang ama na lasenggero na nga, tambay pa" Sabi ko sa kanya habang sinasabayan yung mga titig nya sa akin.

"Syempre, magiging nanay ka ng anak ko kaya alam mo" May ngise na sabi ni Ace sa akin na ikinapula ng pisnge ko, Letchee! yung ibang kaklase ko naman ay sumisigaw na parang baliw kaya napaiwas nalang ako ng tingin kay Ace.

"Okay class that's enough" Malakas na pagkasabi ni Sir na naka agaw ng atensyon namin

"Bumalik na kayo sa upuan nyo" Utos ni Sir sa amin ni Ace kaya tinarayan ko sya ng bongga bago bumalik sa upuan ko habang si Sir Alex naman ay mukhang na enjoy yung panonood sa amin kanina.

Break time na at napag pasyahan namin ng section c kumain sa cafeteria, wala pa nga kami sa cafeteria ay nagtuturuan na sila kaya naman napa buntong hininga ako. Nakarating kami sa cafeteria ay nagsiglapitan na sila sa isa't isa at nag papalibre, yung iba lumalapit sa akin pero tinatarayan ko nalang bago pumila sa counter, umorder na ako ng food na alam kong mauubos ko bago ako humanap ng mauupuan, kahit papaano hindi na nila ako sinasaktan physically, siguro medyo close na kami---- siguro? Ilang minuto ay nakabili na din ang Section C kaya kumain na kami.

Kumakain kami ng tahimik ng biglang pumason ang mga taga Section A na mukhang nag sasaya pa, tingnan lang natin kung hindi sila bawian ng salitang karma. Napatingin naman ako sa mga kasamahan ko at nakita ko ang reaction nila, yung iba mukhang nag dadasala para mabulunan sila, yung iba naman seryoso lang kaya naman dahan dahan akong napangite. Ang cute kasi ng itsura nila, akala mo inagawan ng candy ng magulang tapos hindi na binalik yung iba pa nga naka pout pa. Tumingin ako sa paligid at naaninag ko si Kuya Arian kaya kumaway ako pero salamat ng marami nung kinawayan nya ako pabalik kasi masakit yung braso ko at nag effort pa ako para kawayan sya ehh.

"Carm tingnan mo, nakangise sayo si Lilith" Bulong sa akin ni Liam kaya naman napatingin ako kay Lilith pero tiningnan nya din ako na tila nangaasar pa kaya ngumite nalang ako, babawi naman kasi ako tsaka hindi ako bitter sa nangyari, hindi kagaya ng mga kasamahan ko.

"Wag nga kayo ganyan, masyado kayong bitter. Bakit naiinis kayo na natalo kayo sa pandadaya nila? Hindi ba pwedeng tawanan natin kasi hindi nila kayo matatalo kung wala ang pandadaya tsaka pwede naman kayong bumawi next time, mga bobo amputcha" Sabi ko sa kanila kaya napatingin sila sa akin, yung iba sumangayon habang yung iba naman ay hindi kaya naman tinaasan ko sila ng kilay.

"Sige kung maibabalik ko ba yung oras, sa tingin nyo mananalo tayo?" Tanong ko kaya napa simangot sila

"Gamitin nyo nga yang utak nyo and act like hindi kayo apektado sa nangyari" Dagdag ko kaya naman natahimik sila at pinagpatuloy nalang kumain pero maya-maya ay nakarinig ako ng harutan sa gilid ko at sumali naman yung iba kaya hindi ko mapigilang mapangite, ibang klase talaga mga bago kong kaklase

Pagkatapos naming kumain ay nagpaunahan naman kaming bumalik sa classroom, sabi kasi nila kasama ako ayoko kasing piling belong ako sa kanila, nanghingi na din si Lucas ng paumanhin kaya ngumite nalang ako, hindi ko naman kasi alam kung bakit, tsaka nagiging komportable na ako sa kanila since nung nasa ospital ako kaya oks na ako sa kanila

The only girl in Section CTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon