Chapter 12

965 54 0
                                    

Carmella Pov

Natapos ang klase ng wala sa aming pinapagawa kundi naglaro lang, okay lang yon basta may oras ako ng pahinga. Habang nag aayos ng gamit ay may biglang kumatok sa pintuan tsaka ito bumukas, si Kuya Arian lang pala, susunduin nya daw ako pero hindi ko akalain na sa mismong classroom nya talaga ako susunduin para daw safe. Ewan ko ba kung sweet yon o nakakainis kasi hindi naman ako bata para sa mismong classroom talaga sunduin pero nandito na sya eh wala na akong magagawa.

"Utos toh sa akin ni Kuya Sevy, para daw safe ka mahirap na ang warfreak mo pa naman baka sugudin mo si Lilith" paliwanag sa akin ni Kuya Arian kaya sinuot ko ang bag ko.

"Sino?" inosente kong tanong

"Si Kuya Sevy nga, bungol ka ba?" May pagkairita na tono sa boses ni Kuya Arian

"Sino may pake?" Mapangasar kong tanong kaya bago pa man nya ako mahuli ay tumakbo na ako kaya naman hinbal nya ako, ahhh pakshet yung katawan ko masakit pa kaya naman napag isipan kong magtago sa isang likod ng lalaki, may katangkaran sya kaya hindi ako makikita ni Kuya Arian dito since hindi nya alam kung saang way ako pumunta.

"Miss who are you?" Tanong nya, well sino nga ba hindi mag tataka pag may nagtago sa likod mo kaya naman napatingin ako sa kanya

"You must be new here" He whispered kaya naman tumango ako, wow english

"Im Carmella Parker, you can call me Carm or Ella if you want" sabi ko, kawawa kasi pag nag tagalog ako pero wait-- ang pogi nya halatang marami nagkakagusto sa kanya tsaka ang amo pa ng mukha pero mag pagkahawig sya sa isang lalaking kinaiinisan ko

"Well hello Ms. Parker, Im Eros Manson and Section A ako" pakilala nya naman na nagpatigil sa akin--- wait Section A sya-?! SECTION NG MGA HAYOP??? Pero hindi ko sya nakita sa classroom nung nakaraan

"Ahh sige, alis na ako" Cold na sabi ko sabay lumakad palayo, syempre piling ko ma fafall ako sa kanya dahil sa appearance nya, hahahhaha enemy to lovers ahhhk i love it---- hahahahha tapos si Ares at Ace mag kakatuluyan kasi  parehas silanh mukhang masungit

Natawa nalang ako sa naisip ko at hinanap si Kuya Arian, mukhang pagod sya kakahanap sa akin kaya napangite nalang ako.

"Ikaw na babae ka, wag ka na ulit tumakbo ng ganon kasi what if mabali yang buto mo? Baka matanggal pa yan" Inis na sermon nya sa akin at aba, nakuha pang mang insulto kaya yung ngite ko nawala at tinarayan nalang sya bago pumunta sa parking lot ng school nato at hinanap yung kotse ni Kuya Arian, actually may sarili akong car pero hindi sa akin pinapagamit dahil wala pa daw akong driver's license tsaka wala pa akong oras mag aral kung paano mag drive. Well as you can see, hindi kami ganon kayaman kasi mga kurakot yung family members nila Mom and Dad kaya naman napapaaway lagi si Kuya Sevy sa kanila kasi sa kanya napunta ang pamana, madamot daw sya sabi nila Uncle and Auntie pero hindi nag lalabas ng ganong kalaking pera si Kuya Sevy para sa kaligtasan na din namin.

Si Dad ay namatay sa sakit at nung namatay sya ay naglayas si Mom para manlalaki pero hindi nagtagal namatay din sya sa kadahilanang may pumatay sa kanya pero ang weird lang kasi hindi pa namin nahahanap yung katawan nya pero kahit kailan never akong naging malungkot ng malaman na patay na si Mom kasi nandyan naman sila Kuya at alam kong safe ako kasi sila yung prumoprotekta sa akin... oh diba sana all may kuya.

"Lalim ng iniisip natin dyan ahh? Ano na fall na ba?" Tanong sa akin ni Kuya Arian, hindi ko namalayan na nasa car na kami.

"Kuya sino si Eros Manson?" Tanong ko nalang pero nagtaka ako ng malakas syang tumawa.

"Kambal yan ni Ares, dont worry kung gaano kasama si Ares ganon naman kabait si Eros at kahit sino na napagtritripan ni Aris ay si Eros ang gumagawa ng paraan para manghingi ng tawad. Mabait din sya sa Section C at ang isa sa pinaka importanteng detalye ay minsan na nag tulungan si Eros at Ace" Mahabang paliwanag sa akin ni Kuya Arian kaya naman tumango nalang ako at tumingin sa bintana pero habang nag iisip, naaninag ko ang section c at mukhang may kinakawawa, tumingin naman si Ace sa kotse kaya binaba ko yung bintana at kumaway pero tinarayan nya lang ako, aba perte bakla ba sya? Napansin naman ako ng ibang taga Section C kaya anman kunaway sila sa akin, ang cute talaga nila minsan

"Seems like nakuha ko na loob nila ahh" Sabi sa akin ni Kuya Arian

"Oo nga  eh, thanks sa candy mo Kuya" May ngite na sagot ko kaya naman napatingin sya sa akin.

"Lapastangan! kaya pala kulang ng limang balot yung mga candy ko sa kwarto!" Inis na sigaw nya kaya napatawa ako.

"Oi dalawa lang kinuha ko doon, Si Kuya Sevy na kumuha ng iba" Natatawa kong sabi, ang laughtrip kasi ng reaction nya, hindi nya siguro inaasahan na kumuha din si Kuya Sevy kaya naman pag uwi namin sa bahay ay sigaw ng sigaw si Kuya Arian habang kami naman ni Kuya Sevy ay kumakain lang habang pinapanood sya.

"Bahala kayo dyan! Tatago ko na talaga pagkain ko next time!" Inis na sigaw ni Kuya Arian sa amin

The only girl in Section CTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon