05

11 0 0
                                    


Song used: Don't Call Me Angel by Ariana Grande, Miley Cyrus, Lana Del Rey

****


ZYMEL'S POV


Hindi ko alam kung pinagti-tripan ako ng panahon o sadyang malas lang talaga ako ngayon. Bakit ba 'yung gusto mong makita ayaw magpakita sa'yo pero 'yung ayaw mong makita 'yun pa ang lumilitaw sa harapan mo?


Tsk.


Nasa pintuan lang siya kanina at ngayon ay malalaki na ang hakbang palapit sa'kin hindi ako natinag at nakipagtagisan ng tingin sa kaniya. Parang nahimasmasan tuloy ako sa kalasingan nang makita ang nakakainis niyang pagmumukha. Hindi ko na ikinagulat nang marahas niyang hinaklit ang kuwleyo ko at mariin akong tinitigan.


"Pucha, ikaw na naman," marahan at mariin niyang sinabi matalim ang tingin niya sa akin. Lalong sumikdo ang inis sa dibdib ko dahil sa titig niya. "Women's room 'to, anong ginagawa mo rito?" naniningkit ang mga mata niya nang tanungin ako.


Hinawakan ko ang kamay niyang nasa kuwelyo ko at lakas-loob na inilapit ang mukha sa kaniya 'yung tipong maiilang siya sa sobrang lapit namin sa isa't-isa. Pero mukhang 'di siya tinatablan ng gandang lalaki ko.


"Alam kong alam mo kung ano ang ginagawa namin kanina. Gusto mo bang detalyado ko pang ikuwento?" nakakaloko kong tugon at agad nagdilim ang ekspresyon niya sa sinabi ko.


Tinignan niya ako nang may pang-iinsulto saka umismid. "Hindi ako interesado," at hindi ko inaasahan ang sunod niyang ginawa.


"Agh, damn it!" napamura ako sa sakit nang humampas ang likod ko sa pinto ng isang nakasarang cubicle nang ibalya niya ako ro'n!


Shit. Napangiwi ako nang makaramdam nang pananakit ng likod dahil sa ginawa niya. Hindi ko na pinagtuunan ng pansin kung may tao ba sa loob ng cubicle na pinagtulakan niya sa'kin dahil gulat na gulat na akong nakatingin sa kaniya ngayon.


Putek! Nababadtrip na ako hindi ko na mapapalampas 'to!

Nagsalubong ang kilay ko at marahas na ang paghinga.


Nakatagilid ang mukha niya sa'kin kaya kitang-kita ko kung gaano katalim ang tingin niya sa babaeng kasama ko habang tiim ang bagang. I was caught off guard when she suddenly smirk like a devil then tilted her head in my direction and our eyes met.


"Masyado ba kayong sabik na sabik sa isa't-isa kaya pinili niyo na lang maglampungan sa cr kaysa mag check- in sa hotel?" bigla ay nakaramdam ako ng hiya sa sinabi niya pero ang inis ko ay hindi nawala. "Tss, ang lagay, e, parang ako pa ang nailang sa inyong dalawa ah," ismid niya ang nakakaasar na ngisi ay hindi na nawala.


Napayuko ako at itinuon ang paningin sa nakasarado ko na ngayong kamao.

***


IRENE'S POV

Gusto ko lang namang maghugas ng kamay tapos ganito ang maabutan kong eksena sa cr. Tss, nakakairita.

Untamable Badass QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon