• - CHAPTER 5 - •

11 1 0
                                    

Nasa gitna ako ng isang masukal na talahiban at maingat na sinusundan ang isang lalaki. May bitbit siyang telang nakabugkos at paika- ika ang kaniyang paglalakad. Hindi ko alam kung ano ang laman dahil yakap- yakap niya ito sa kaniyang dibdib. Parang takot na makita ng sinuman kung ano ang laman sa loob.

Sa tuwing napapalingon siya ay kaagad akong magtatago para hindi niya ako mahuli. Napansin kong pumasok siya sa gubat kaya kaagad akong sumunod. Dahan- dahan ang mga paghakbang ko dahil tumutunog ang mga tuyong dahon sa tuwing naaapakan. Halos magka- kalahating oras na kaming naglalakad patungo sa kung saan. Sandali akong tumigil at nahahapong pinaypayan ang sarili gamit ang aking dalawang kamay.

Saan ba pupunta ang isang ’to?

Patuloy ko siyang sinundan hanggang sa tumawid siya sa isang malinaw na sapa. Hanggang tuhod lang naman ang tubig kaya hindi ako nahirapan.

Pagdating ko sa kabilang bahagi, nagtaka ako dahil hindi ko na nakita ang lalaki. Bigla na lang siyang nawala sa paningin ko na parang bula!

Biglang akong kinutuban. Usap- usapan pa naman na may mga naninirahang engkanto sa gubat na ’to.

Ayon sa kwento ng mga matatanda sa kampo, nagbabalat- kayong tao ang mga engkanto para makaakit ng kanilang mga bihag at saka nila ito dadalhin sa kanilang kaharian at gagawing alay.

Ang sabi pa, kapag nakakain ka raw ng pagkain sa mundo nila, hindi ka na makababalik pa. Kung kaya’t gayon na lamang ang mahigpit na bilin ng mga matatanda na huwag kaming papasok sa gubat na ’to.

Biglang nagsitaasan ang mga balahibo ko sa katawan. Niyakap ko ang sarili nang biglang humangin nang malamig. Nagsilaglagan ang mga tuyong dahon mula sa matataas na puno at ang tunog ng lagasgas ng tubig mula sa sapa ay mas lalong dumagdag sa kilabot kong naramdaman.

Sino ka? Bakit mo ako sinusundan?

Napaigtad ako nang may marinig na malamig na boses sa aking likuran at may maramdamang matulis na bagay sa aking leeg.

Dahan- dahan kong itinaas ang dalawang kamay dahilan ng pagsuko subalit muli siyang nagsalita.

Huwag kang gagalaw kung hindi itatarak ko sa leeg mo itong patalim!”

Mabilis kong ibinaba ang dalawang kamay at mariing napapikit.

Lagot!

Napansin niya yatang nakasunod ako.

Tinatanong kita, binibini. Ano ang ginagawa mo sa gitna ng gubat na ito at bakit mo ako sinusundan? Isa ka ba sa mga ipinadalang espiya ng mga guardia- sibil?” Pag- uulit niya sa naunang tanong.

Lumunok ako ng laway at nag- ipon ng lakas bago magsalita.

“A- ako si Isabellia! A- at hindi ko alam ang tungkol sa espiyang sinasabi mo, ginoo! Nandito lamang ako sa gubat para maghanap ng mga halamang- gamot. May sakit kasi ang itay ko at wala kaming pambili ng gamot sa bayan,” kinakabahang sagot ko.

Ilan sa mga bagay na sinabi ko ay pawang katotohanan at iilan naman ay gawa- gawa ko lang para hindi niya ako hulihin.

Totoong Isabellia ang pangalan ko at totoong may sugat si itay dahil tinamaan siya ng bala nang magkaroon ng labanan, sa pagitan ng mga guardia- sibil at mga tulisan noong nakaraang araw kaya naisipan kong tumungo rito sa gubat para maghanap ng halamang- gamot.

Nagkataon lang na nakita ko ang lalaking ito at nagduda ako sa kaniyang mga kilos kaya naisipan kong sundan siya.

Ang una ko ring naisip ay baka kasapi siya ng mga guardia- sibil na nakalaban nila itay. Pero base sa tono at laman ng kaniyang tanong, mukhang hindi naman.

Entangled With YouWhere stories live. Discover now