Justin's POV
"Justin pakuha naman neto ohh need ko lang please salamat!" pakiusap ni ate Yuri sa akin na agad ko namang ginawa.
Nandito kami sa mall namimili. Sinamahan ko yung ate ko sa pamimili ng mga gagamitin nya para sa pagtulong sa isang charity. Napakamatulungin talaga ng kapatid ko.
" Justin may tanong ako?" tanong sa akin ni ate ng maiabot ko sa kanya yung hinihingi nya.
"Ano yun ate?" Tanong ko naman sa kanya.
"Anong balita kay Izia? tagal ko ng di nakikita yung babae na iyon ahh?? Nag-asawa na bayun?" tanong nito na knagulat ko naman.
Naalala ko si Izia ano na bang balita sa kanya. Kahit ako walang update sa kanya. Kahit sa facebook di nya sineseen message ko. Di sya active kahit sa social media. Di ko naman alam number nya kasi sa pagkakaalam ko wala syang phone.
Iniisip ko inaapi kaya sya duon sa pinasukan nyang trabaho na mukha namang wala nang maiidudulot na matino sa kanya.
Nakakagago ba naman yung nagbigay nun. Lalo na at nakakairita yung mga rules at regulation na mga nabasa ko.
"Justin tinatanong kita sumagot ka... Natulala ka na dyan" sabi ng ate ko at nagtulak na ng cart. Agad ko namang inagaw sa kanya.
" ako na magtutulak nyan ano ka ba ate" sabi ko naman.
"Paano ba naman tulala ka na dyan eh.." sabi naman ng ate ko sa akin.
"Miss ko na si Izia Ate" bigla ko nalang nasabi.
"anong sabi mo Justin?" takang tanong ni Ate sa akin mukhang di narinig ang sinabi ko. Mabuti naman hahahaha.
"wala hehehe tara na tapusin na natin tong pamimili mo may pupuntahan pa ako eh.." sabi ko nalang sa kanya. Masyado na kaming tumatagal dito at ayoko ding sagutin tanong ng ate ko about kay Izia.
After namin mabili at makuha lahat ng mga kailangan namin ay agad kaming sumakay ng trcycle. Hindi ko pa naman dala phone ko kasi lowbat. Gusto ko ng magpahinga. Napagod ako ngayong araw.
Pagkauwi ko ay agad kong tinignan ang phone ko. Titignan ko kung may update na sa assignment namin sa isa naming subject sa Philosophy.
Pagopen ko ng fb ko may chat galing kay Izia. Biglang bumilis tibok ng puso like the heck nagparamdam na sya.
Pagopen ko ng message nya ay nangamusta sya sa akin at tinanong kung kamusta na ba mama at papa nya.
Oo nga pala nakalimutan ko. Na sa akin hinabilin ni Izia family nya. Agad ko namang sinagot ang tanong nya ng
"Mabuti naman sina TIta at Tito ikaw ba?" tanong ko.
Buti nalang naabutan ko syang active buti nalang talaga haha.
Nagseen agad sya at nagtatype.
"mabuti naman ako.. salamat Justin ah pasensya na kung ngayon lang ako nakapagopen ng social media acc ko busy kasi ako sa pagaaral dito at pagbantay kay sir Kenneth.." sabi nya.
Naikuyom ko palad ko ng dahil nabanggit nya yung lalaki na yan. Nakakainis kung may kaya lang talaga ako edi sana wala sya dyan. Wala akong magawa nakakainis.
"Di ka naman ba napapagod dyan? Inaapi ka ba ng Kenneth na iyan o baka naman hinaharas ka nyan sabihin mo lang sa akin!" nag-aalala kong sabi sa kanya.
Ayoko kasi talaga na nanduon sya sa puder ng lalaki na iyon kasi feeling ko walang magandang maidudulot sa kanya ang pagstay sa Monteverde.
Isipin mo magpapanggap pa si Izia as Gf nya like the f*ck daming ibang babae dyan eh si Izia pa talaga. ewan bat ba ang selfies ko pagdating kay Izia.
"Hindi ah hahaha ako pa ba baka bestfriend mo ito haha" agad nyang reply sa akin na ikinatuwa ko naman.
"Izia mag-iingat ka palagi dyan naku patay ka sa akin pag nalaman ko lang na di ka ok dyan jusko sugurin ko yang bahay ng Kenneth na yan." reply ko naman sa kanya.
" Ikaw talaga Justin napakabaliw mo talaga haha!" natatawang reply nya sa akin. Takte miss na kita Izia kung alam mo lang.
"Syempre ako si Justin Igop toh hahaha Miss you na Izia bleeeh haha" natatawa ko namang tugon sa kanya haha.
Balik ka na Izia alis ka na dyan dito ka nalang para nababantayan kita. Gustong gusto kong sasabihin sa kanya yan kaso di ko magawa haha.
"Bye na Justin haha salamat sa update chat nalang kita mamaya kapag free ako hehe" reply nya na ikinalungkot ko naman.
Ano ba naman yan saglit ko lang sya nakachat buset talaga.
"Sige ingat palagi Izia.." reply ko . Tapos nagout na sya hayst. Sana makapagopen sya mamaya.
Tinignan ko ang phone ko at tinignan ang galery ko. Tinignan ko yung mga larawan na kasam ako pa si Izia. Wala nakakamiss lang hayst.
"Justin tawag ka ni Joshuaaaa!' Sigaw ng ate kong magaling mula sa labas. Takte ano na namn ba kailangan nitong magaling kong tropa.
Agad naman akong lumabas ng aking kwarto para puntahan si ate at joshua sa labas mga demonyo talaga.
" pre tara gala may pupuntahan tayo bilis!" sabi ng tropa ko. Ito naman si ako mabait na kaibigan at masunurin kaya kumilos nalang ako.
"takte ka pre wala pa akong lidlgo at saka biglaan naman yan jusko.." sabi ko sa kaibigan ko.
"naku pre bilisan mo nalang hintayin nalang kita sa bahay nagaayos pa ako duon eh ahh bilisan mo g*go ka hahaha!!" sabi nya na ikinatawa ko naman.
Ganyan talaga kaming magtotropa solid hahaha.
Agad kong nilagay sa lamesa yung phone ko at nagasikaso na. Saan kaya kami pupunta ng demonyong yun.
*fast forward*
After a minute ay natapos rin akong maligo at agad na nagbihis sa loob ng aking kwarto.
Nang mapansin kong ok na ako ay agad akong pumunta sa bahay ni Joshua. Baka kung anong event pupuntahan namin ng depunggol na ito naku kaduda duda pa naman kasi biglaan.
" ano pre tara na ?" sabi ni Joshua sabay akbay sa akin.
"Takte pre saan ba tayo pupunta?" takang tanong ko sa kanya.
"Parang wala kang tiwala sa tropa mo ahh" sabi nya.
" lol jushua wag ako haha nasan na ba sila Clyde at Russel?" takang tanong ko.
"gagi pre nauna ang tagal mo kasi eh hayst pre wag ka magpaka busy dyan masyado haha mag-enjoy kadin... " sabi nya. Puta alam ko nato naku haha.
So ayun na nga at hinayaan ko na syang hatakin ako pasakay ng Van. Wala naman na akong magagawa eh andito na.
End of Chapter...
𝙸 𝚍𝚎𝚍𝚒𝚌𝚊𝚝𝚎𝚍 𝚝𝚑𝚒𝚜 𝚌𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 𝚏𝚘𝚛 𝚖𝚜.roselyn426 𝚃𝚑𝚊𝚗𝚔 𝚢𝚘𝚞 𝚙𝚘 𝚏𝚘𝚛 𝚛𝚎𝚊𝚍𝚒𝚗𝚐 𝚖𝚢 𝚜𝚝𝚘𝚛𝚢( 𝙵𝚁𝙿 )
BINABASA MO ANG
Fake Relationship Project
RandomShe will Be the Most Lucky Girl who will have the Empire Son which is Kenneth Ethan Monteverde... Kakayanin nya kaya ang buhay ng kasama ang lalaking unang magpapatibok ng puso nya. Kaya nya bang tanggapin ang parusa at ang katotohanan na Hindi toto...