"Son, are you not going to school?" napalingon siya sa ama nang pumasok ito sa room.
"No. Hindi ko iiwanan dito si Andie," sambit niya at muling tiningnan ang dalaga. Ilang araw na ang lumipas at halos hindi siya umaalis sa tabi nito. Aalis lang siya pagbibili ng pagkain at kukuha ng damit niya.
He's literally living in the hospital with Andie.
Muling bumukas ang pinto at ang mommy at tita Luciana niya ang pumasok. May dala itong pagkain at prutas.
"Zaire, you can go home now." Hindi niya pinansin ang sinabi ng kaniyang ina. Ilang beses na siya nitong pinapauwi at sinasabihang pumasok sa school.
"You're graduating, Zaire. Pwede bang makinig ka naman sa amin at umuwi ka muna? magpahinga ka at pumasok ng school," mahabang lintanya nito sa kaniya.
"I won't leave."
"We're going to america, Zaire. Doon ko ipapagamot si Al," sambit ni tita Louciana dahilan para mapalingon siya rito.
"W-what?" kunot noong tanong niya. Lumapit ito sa pwesto niya at tiningnan si Andie.
"May kakilala akong doctor sa america. We will stay there because I also accept the proposal work." Napatayo siya at hinarap ito.
"Then I'll come with you, tita—"
"No. You can't come with us, Zaire. I know you are hurt and worried about my daughter, but please look after yourself first. Sa tingin mo magugustuhan ni Al ang ginagawa mo? Are you not going to school? Not eating in time? not sleeping in time?"
Natigilan siya dahil sa mga sinabi nito. Tama ito, paniguradong magagalit sa kaniya ang dalaga pag nalaman nito na hindi siya pumapasok sa school at nagt-training. Pero wala 'yon sa isip niya ngayon, ang gusto niya lang ay bantayan ito. At mas lalong hindi niya kaya hindi ito makita ng matagal.
"Your parents are worried to you, maski ako nag-aalala sa kalagayan mo," dugtong pa nito at hinawakan siya sa balikat.
Napatingin siya kay Andie. If America is the best option so she can recover fast, he can endure it until he graduates.
Napabuntong hininga siya at marahan na tumango.
"Susunod ako pagkatapos ko maka-graduate," ani niya rito. Tumango naman ito at tipid na ngumiti sa kaniya.
"Please go home now, son. Kami na ang magbabantay kay Al. Bumawi ka sa pagtulog at kumain ka ng maayos," bilin pa sa kaniya ng kaniyang ama. Wala na siyang nagawa kun'di sumunod sa mga ito.
Umuwi siya sa bahay at naglinis ng sarili. Nakita niya pa sa salamin ang itsura niya. Halatang kulang sa tulog at kain. He look so mess, and he is sure if Andie see her look like this? she will nagged at him.
BINABASA MO ANG
The Cassanova's Girl Bestfriend
RomanceThey are childhood bestfriends and they known each other for years. Simula noong elementary hanggang higschool laging magkaklase sina Andie Loucinda Madrigal at Zaire Theron Alonzo. Si Andie lang ang kaisa-isang kaibigang babae ni Zaire, dahil malib...