3 Reunion

737 69 9
                                    

//Bella POV//

As usual, sobrang busy sa restaurant. Hindi man holiday, maraming talaga ang dumadayo rito at isa iyon sa ipinagpapasalamat niya. Mula ng nagkaroon siya ng trabaho bilang chef sa Le Alessandre Hotel, ito na mismo ang pangarap niya ang magkaroon ng sariling restaurant. Akala niya hindi na ito matutupad pa pero tinulungan siya ni Zandro na makabangon kaya pinangako niya sa kanyang sarili na aalagaan niya ang lugar na ito kahit anong mangyari.

"Chef Bella, nandito po si Sir Leonard." Tawag sa kanya ni Karla.

Si Ryder? Wala namang sinabi ito na pupunta ito ditto. "Sige, salamat, Karla. Emerson, ikaw na muna ang tatapos ng order."

"Yes, Chef."

Hinugasan muna niya ang kanyang mga kaya bago lumabas sa kusina. Ano kaya ang kailangan nito?

Nakita niya ito nakaupo sa pinakasulok. Tila hindi maipinta ang mukha nito. Masayahin at palabiro ito pero kapag kabaliktaran ang ekspresyon nito, alam na niya kung ano ang rason.

"Hey, Ryder. Hindi ka man lang nagsabi na pupunta ka rito. May kailangan ka?"

Bumuntong hininga muna ito. "Can I ask? Nagusap ba kayo ni Chelsea o nagkita man lang?"

"Si Chelsea? Hindi, eh. Hindi ba busy siya sa trabaho niya sa hotel at parati ka naman nandoon. May hindi na naman ba kayong pagkakaintindihan?"

"She's too stubborn. Parang hindi niya napapansin na merong taong nagaalala sa kanya."

"Ibig sabihin, tinanggap niya ang assignment na iyon kahit ayaw mo?"

"Yes! Bella, nagpaplano na kami para sa kasal pero iyong trabaho na iyon ang inuuna niya. I knew she's trained to that mission-mission whatever pero papaano naman ako?"

"Okay, okay chill lang. Kapag nagkita kami, susubukan ko siyang kausapin at baka kumbinsihin na rin na huwag na lang ituloy. Titignan ko kung may maitutulong ako."

"I know she will not listen to no one. I'm... I'm just concern nab aka totoo ang hinala ko noon pa."

"Na ano?"

"Maybe she's...pregnant."

"Si-sigurado ka ba?" Nagulat siya sa inihayag ni Ryder.

"Maybe? I don't know. Minsan kasi napapansin ko na hindi maayos ang pakiramdam niya kaya baka...alam mo na. Kaya tutol ako na tatanggap siya ng trabaho. As a chef sa hotel papaya pa ako pero sa ganyang klaseng trabaho, parang mababaliw ako sa pagaalala."

"Naiintindihan kita. Minsan din naman pumunta ditto si Chelsea kaya nga lang hindi kami nakakapagusap ng maayos dahil na rin masyado kaming busy at minsan naman tumutulong siya sa kusina. Don't worry Ry, I will try my best para makatulong."

"Salamat, Baby Bell."

Kahit papaano, may sumilay din na ngiti sa mukha nito. "Lunch time na rin naman, gusto mo bang kumain? Ako na ang bahala?"

"Sige. As usual pa rin."

"Sure! Hintay ka lang at ako na maghahatid ng pagkain mo."

Nagpaalam siya nito at inihanda ang kakainin nito. Pumasok si Karla sa kusina at nilapitan siya. "Chef, tumawag po pala ang Head Chef ng Le Alessandre. Mamayang ala una po ang dating niya for the interview."

"Sige, salamat Karla. Kapag nandito na siya at nandito pa ako sa kusina, paki-accommodate na muna siya."

"Noted po, Chef."

Faded Memories (Sequel of Mister Billionaire's Secret Wife)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon