Matapos kaming kumain ay umakyat na ako sa aking kwarto upang mag-ayos. Habang nagsusuklay ako ay biglang bumukas ang pinto at iniluwa non si mommy.
"Hello, beautiful!" Ngumiti lamang ako at patuloy na nagsuklay, siya naman ay lumapit para tumabi sa akin.
Kitang-kita ko ang pagod sa mukha ni mommy, pero nandon parin 'yung ganda niya.
"How's your study? Busy?" Tanong niya
"Hindi naman gaano, mom. Malapit na po ang pagtatapos kaya medyo nakakapagod lang. Feeling ko tuloy nangitim ako," dinig ko naman ang tawa ni mommy.
"Parang noon lang, hindi ka conscious sa kung anong mangyari sa balat mo ah? Hmm anak ha, may pinapagandahan kana ba?" Sinundot niya pa ang aking tagiliran.
"Mommy!" Singhal ko
Ngumiti naman nang nakakaloko si mommy, "Just kidding anak."
Katahimikan...
Tumayo ako para maayos na ang higaan ko, bago kasi ako matulog ay inaayos ko muna 'yon para may komportable ako.
Dinig ko naman ang buntong hininga ni mommy mula sa likod ko. Hindi pa rin siya natayo sa kanyang kinauupuan.
Napatingin ako sakanya matapos mahiga sa kama, "May problema kaba mommy?"
"Wala naman anak," ngumiti siya nang maliit. "Naisip ko lang 'yung sinasabi mong school abroad. Napag-usapan kasi namin ng daddy mo nung bumisita kami sa tita mo sa France. They told us na pwede ka naman daw doon muna sakanila after you complete your junior highschool here. Don't worry anak, my secretary is finalizing the condo unit that you want... I'm also working on your visa, probably April... Makakalipad kana."
Natahimik ako sa sinabing 'yon ni mommy. Nawala na rin pala sa isip ko ang France. Akala ko kasi hindi rin sila papayag kaya sinabi ko na rin.
"April, mommy? Ang bilis naman yata po. February na ngayon."
"Your tita updated me last week about the opening classes in your chosen university. Ang sabi ko naman ay itatanong kopa sayo dahil parang mas nag-eenjoy kana dito sa Pilipinas," lumapit si mommy sa higaan ko kaya umurong ako para makaupo siya. "Ikaw parin naman ang magdedecide anak, kung gusto mo dito ay ayos lang sa amin ng daddy mo. Pero kung gusto mo sa France ay may inaayos naman na kaming condo para sayo doon.
Pagkatapos naming mag-usap ni mommy about doon ay lumabas na rin siya ng kwarto. Hindi naman daw siya nagmamadali sa sagot ko.
Lumabas ako ng kwarto at nagtungo sa balcony. Sakto namang naroon si daddy kausap si Nikolo, tumuloy parin ako para sana magpahangin.
"Andito na pala ang napakagandang binibini," tumayo si daddy sa kinauupuan niya para halikan ako sa noo. "Maiwan kona muna kayo, hinahanap na yata ako ng mommy mo sa kwarto." Kinindatan nya pa si Nikolo bago umalis.
Naiwan kaming dalawa ni Nikolo. Nakaupo parin siya habang nakatingin sakin. Pumunta naman ako sa pasemano upang tumingin sa mga bituin.
Maya-maya pa ay may naramdaman akong yakap mula sa aking likuran. Napapikit ako.
"May problema ka?" Malambing niyang tanong
"I have kwento," panimula ko
"Uh-huh," he then rested his chin on my right shoulder. "What is it?"
"Kunwari may kaibigan ako, then itong kaibigan ko may boyfriend,"
"Hmm," Nakapatong pa rin ang kanyang baba sa balikat ko.
"Tapos may kailangang gawin yung kaibigan ko sa malayo kaya magkakalayo sila. Tingin mo okay lang 'yon?"
He chuckled,"Interesadong-interesado ka sa lovelife ng kaibigan mo."
I pouted my lips then faced him. Nandoon pa rin ang nang-aasar niyang tingin.
"Seryoso nga kasi, Nikolo." I then rolled my eyes
"Depende naman 'yon sa katatagan nila. Nasa kanila na 'yon kung magiging hadlang ang distansya para sa kanila," pinagtaasan niya ako ng kilay. "Seryoso ako sa sagot kong 'yon."
Kahit kailan talaga ang lalaking ito!
"Pero ikaw... Okay lang ba sayo ang malayo tayo sa isa't-isa?" Kita ko ang pagtaas ng kilay niya.
"Kung masaya ka sa desisyon mo at alam kong magiging successful ka sa gagawin mong 'yon, I won't be your hindrance. I'll support you always," kita ko ang kanyang paglunok. "It's not about the distance, it's about how you can hold each others' hands until the end, Lanie."
Ngumiti ako dahil sa sinabi niyang 'yon. "Saang quotation mo nakuha 'yon?"
"Sa likod nung binili kong candy kanina,"
Tumawa muna ako bago ko siya tuluyang niyakap nang mahigpit. Dama ko ang katawan niyang batak sa basketball at trabaho. Niyakap naman niya ako pabalik.
Matagal kaming nasa ganoong posisyon bago ko maisip na hindi pa kami nakakapag date nang maayos.
"Date tayo?" Sabi ko kahit na nahihiyang mag open up ng ganon.
"Inaaya mo ba ako?" Sabi niya sa kalagitnaan ng yakapan.
"Ayaw mo ba?"
Parang nahiya naman ako bigla dahil bakit nga ba ako mag-aaya ng date out of the blue.
"Baka lang gusto mo akong ayain mag date... Papayag ako," at 'yan nanaman ang nakakaloko niyang tawa.
"Kapag natapos na ang completion nyo. Saan moba gusto?" Tanong niya.
"Mag-beach tayong dalawa," tumingala ako para ipakita ang excitement.
Sinuklay nya naman ang aking buhok gamit ang kanyang mga daliri. "Ngayon naman gusto mo akong masolo? Itatanan mo yata ako e. Angas mo naman pala. Minor moments kana nyan?" Tumawa pa siya.
"Minor moments, siraulo mo." Inirapan ko nalang siya at bumitaw sa yakap, aalis na sana ako sa balcony ngunit hinawakan niya ang braso ko.
"Joke lang e, yakap pa, hindi pa fully charged."
"Tulog ka nalang para full ka bukas. Teka saan ka tutulog?" Tanong ko sa naka puppy eyes nang si Nikolo.
"Sa guest room sabi ng daddy mo. Pwede ring sa Lanie's room," kumindat pa ang loko.
Napatawa naman ako sa sinabi niya. Aba naman gumagaling na.
"Oh siya doon tayo sa safe," sabi ko. "Sa Lanie's room ako tapos ikaw naman ang sa guest room."
"Goodnight. May practice ako bukas. Dalahan nalang kita ng pagkain sa break para di kana lumabas ng gym," he said.
Tumango ako.
"Matulog kana rin, malamig na dito. Punta kana sa guest room pag-alis ko," pagkasabi ko non ay tumingkayad ako, tama lang para maabot ko ang kanyang pisngi, atsaka siya hinalikan doon.
YOU ARE READING
Buying Love (Tanaueño Series #1)
RomanceSimula pagkabata ay ang hangad lamang ni Lanie ay ang oras ng kanyang magulang. Ngunit sa sobrang pagtatrabaho ng mga ito ay ang tanging nag-aalaga nalang sakanya ay ang kanilang kasambahay. Namuhay si Lanie na hindi maluhong bata, ngunit dahil sa k...