Prologue

25 3 0
                                    

"Hello Ate? Oo, andito pa ako sa school sa may waiting shed. Pwede mo ba akong sunduin? Ang lakas kase ng ulan, wala akong payong." Pakiusap ko kay Ate. Nakaupo ako habang pinagmamasdan ang malalaking patak ng ulan na tumatama sa kalsada at bubungan ng waiting shed.

Tinawagan ko na si Ate Xia dahil mukhang malabo na ang tyansa na may dumaan na sasakyan dito.

"Wala pa bang dumadaan na jeep o bus? 20 minutes pa bago ako mag-out. Kanina ka pa ba dyan?" Tanong nya.

"Oo ate e, Alas singko pa lang nandito na ako. Siksikan naman mga naunang sasakyan na dumaan dito kanina kaya di rin agad ako nakasakay. Umulan pa ng malakas, kaya ito." Inayos ko ang salamin ko at tumingin muli sa kalsada, nagbabakasakaling may maligaw pang jeep o bus.

"Sige, hintayin mo ako dyan. Malapit na din naman matapos shift ko, dadaanan kita. Saang gate ka ba?" Buti na lang, kanina pa ako naiinip dito.

"Nasa may Gate 2 ako Ate, hintayin na lang kita dito. Salamat Ate."

"Ok sige." At pinutol na nya ang tawag.

Inayos ko ang kwelyo ng uniform ko at pinunasan ng panyo ang parte ng aking slacks na medyo nabasa ng ulan. Habang abala ako sa pagpupunas ng pantalon, nakita ko sa gilid ng aking mata ang isang babae na papalapit sa pinagsisilungan ko. Di ko na din naman ito pinansin dahil abala pa ako sa pagpupunas ng pantalon.

"Pwede bang maki tawag or text?" She said desperately. Alam kong ako ang tinatanong nya pero di ko sya pinansin. Mas nagfo-focus ako sa pagpupunas ng pantalon ko.

"Excuse me, pwede ba maki tawag or text?" Ulit nya na may halong diin. Napabuntong hininga ako saka inabot sa kanya ang cellphone ko, hindi ko pa rin sya tinitingnan.

"Wag mong balakin na itakbo ang cellphone ko Miss." Banta ko sa kanya.

"Mukha ba akong magnanakaw?" Kinuha na nya ang cellphone sa kamay ko at medyo lumayo sakin. Tiningnan ko sya pero nakatalikod na at abala sa pagtext/pagdial. Kunot noo ko syang pinagmasdan mula likod dahil medyo pamilyar sya sa akin.

"Hello? Kuya Jupeth! Pa sundo naman po ako dito sa school, nasa may gate 2 po ako."

"Ho? Oo kuya ako ito. My phone died kaya nakitawag lang ako. 10 minutes? Ok, hintayin na lang kita dito salamat!"

She ended the call. Paharap na sya sakin kaya mabilis kong iniwas ang tingin ko at nagpanggap na pinapagpag ang polo na suot.

"Salamat." Binalik nya sakin ang cellphone ko. Kinuha ko sa kanya ng hindi tumitingin. Naamoy ko pabango nya. Familiar scent.

I was about to face her when a car rapidly pass by. Sa sobrang bilis nito ay nadaanan nito ang tubig na naipon malapit sa harap ng waiting shed. Naramdaman ko ang biglaang pag upo nya sa tabi ko, umusog sya ng konti para makalapit sa akin at dali daling binuksan ang hawak na payong. Tinutok nya ito sa harap namin upang ma protektahan sa tubig ulan na nadaanan ng kotse.

"That was close." Napatingin ako sa kanya at ganon na lang ang gulat ko ng makita kung sino ang katabi ko ngayon.

"You are welcome." She said, looking at me smiling. Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya dahil hindi pa rin ako makapaniwala na katabi't kausap ko sya ngayon. Ng makabawi sa gulat, nag pasalamat ako sakanya at nag iwas ng tingin.

Umusog sya ng konti para magkaroon kami ng distansya, sinara nya ang payong nya at tumayo. Medyo humupa na rin ang ulan, ilang saglit lang at may itim na SUV ang pumarada sa tapat ng shed at bumusina.

Lumapit sya doon, matiim kong pinagmamasdan ang bawat galaw nya. Hawak na nya ang pinto ng kotse ngunit tumigil sya at humarap sa akin. Di na ako nakaiwas ng tingin ng mahuli nya akong naka titig sa kanya.

"Thank you for the call. May hinihintay ka pa ba? Mukhang wala ka na masasakyang jeep or bus dito." She asked.

"Nagpasundo na ako sa kapatid ko, mamaya lang darating na din yon."

"Ahh ok, Ingat. Wait!" Pinagmasdan ko sya habang may kinukuha sya sa shoulder bag nya.

"Catch!" Lutang na nasambot ko ang binato nyang candy. Hindi pala candy, chewing gum.

"Eat it while waiting, para di mapanis laway mo. Bye!" She wave her right hand bago pumasok sa kotse at umalis. Hindi ko pa rin ma process lahat ng nangyari at sinabi nya.

Napatingin ako sa binigay nyang Chewing Gum at parang di pa rin makapaniwala sa lahat ng nangyari.

Holy Macarons! Parvati Del Valle? Nakipag interact sa commoner? Sa akin? I can't believe it!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 07 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

500 Days Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon