Hi guyz! Eto nananaman ako, hihihi sana magustuhan nyo ang story k ^___^ love, love, love ♡♡
◆◆Coleen's POV◆◆
"Bakit ba kasi ayaw mong pumayag na ligawan kita?"-pangungulit ni Mark, ang lalaking parang aso na sunod ng sunod sa akin, dahil baka daw may pag-asa syang maligawan nya ako, Tsk! Ilang beses ko nang sinabi sa kanya na 'ayoko' at 'No' pero ayaw nyang tumigil, hindi ko alam kung nakakaintindi sya ng tagalog at english o tanga lang talaga sya!
Kasalukuyan akong nakaupo sa bench dito sa school habang kumakain ng tacos... ng biglang sumulpot tong aso nato =_=... Tumayo ako at naglakad palayo ng hindi sinasagot yung tanong nya.. Sumunod parin sya sa akin hanggang sa umabot na kami sa labas ng gate ng school.. Hindi ba nya nahahalata na ayaw ko syang kasama at kausap?
Huminto ako at humarap sa kanya... "Ano na? Sagutin mo na tanong ko"-sabi nya.. "May tinatanong ka ba?"-walang emosyon kong sabi.. "Kung hindi lang kita gusto eh...."-sabi nya.. inirapan ko sya na ang ibig sabihin ay 'Whatever'.. "Bakit ba kasi ayaw mong pumayag na manligaw ako sayo?"-sabi nya.. "Tss! You wanna know why?"-sabi ko sa kanya.. Tumango naman sya na parang special child...
"Because..."-sabi ko... Muka naman syang naiinip, tss! Pakielam ko! "Because? What?"-sabi nya.. "Because I-DONT-LIKE-YOU, The end"-sabi ko sa kanya sabay lakad papalayo habang sya ay iniwang nakanganga.. Tss muka talaga syang aso!
Oh, how rude of me... Nakalimutan kong magpakilala..
Im Coleen Ho, beautiful daughter of Rosella Ho and Henry Ho, and beautiful sister of my Older Brother, Alexander Ho..His 2 years older than me.. Swerte nya at kapatid nya ko.. Im 17 years young.. Oo bata pa ako noh! Mag-3rd year highschool palang ako..
Yung kanina? Si Jad yun, yung matagal ng nangungulit sa akin na kung pwede ba sya manligaw sa akin, ikaw ba naman, matutuwa ka ba kung laging may nakasunod sayo na aso? Tss! Ayoko nalang isipin yun at nas-stressed lang ako..
Dumiretso ako sa Parking Lot ng school at sumakay sa sasakyan ko at nagdrive papuntang Seventea's Cafe.. Oo marunong akong magdrive.. Nang makarating na ako sa Cafe ay nag-order ako ng 2 Frapuccino.. Bakit dalawa? Tinawagan ko kasi yung bestfriend ko, oo may bestfriend ako! Di lang halata.. Pinapunta ko sya dito dahil wala akong kasama...Sya nga pala si Toni Hwan..Half-half din sya katulad ko.. 17 years old din sya, but im 3 months older than her..
"Hi"-sabi ng isang lalaking matangkad, para syang kapre =_= tapos umupo sa tabi kong upuan, =_= "Hello"-sabi nya nanaman , tumingin ako sa ibang direksyon, Hindi ba nya nahahalata na ayaw ko syang kausap? May naramdaman akong kamay na nakahawak sa balikat ko, hinawakan ko agad yung kamay at tinggal sa balikat ko saka humarap ako sa kanya.
"Tanga ka ba? Para hindi mahalata na ayaw kitang kausap?"-mataray kong sabi sa kanya.. Halata sa muka nya na nagulat sya.."woah! Suplada mo ha"-sabi nya.. Arggh! Nakakainis naman toh! Hindi ko naman sya kilala napaka-FC! "Hindi ka ba aalis sa harapan ko!?"-naiirita kong sabi.. "Paano kung hindi nga?"-sabi nya... Hindi pala ha.. ☆BOOGSH!!☆ Nahulog sya dahil sa pagsuntok ko sa kanya... "Coleen stop!"-napatingin ako sa bestfriend kong kakarating palang at pinipigilan ako sa pagsugod ko ulit dito sa Kapre nato!
Napatingin si Toni dun sa sinuntok ko na lalaki.."K-kuya?"-sabi nya.. Ha? Etong kapre nato tinawag nya na Kuya? "Oh Toni, andito ka pala"-sabi nung kapre kay Toni... "Sandali, ibig sabihin magkapatid kayo?"-nagtataka kong tanong sa kanilang dalawa.. Nagtataka ba kayo kung bakit hindi ko alam? Kahit na bestfriend ko si Toni, ay never ko pang nakita ang Kuya nya, dahil sa tuwing pupunta ako sa kanila ay wala ang kuya nya dun, ay Oo nga pala sa mga Pictures sa bahay nila... Eh malay ko ba na itong kapre natoh yun! Wala naman akong pakielam sa kuya ni Toni eh..