1 Link up

11 3 4
                                    

Tangina. Balik na naman sa empyernong lugar. Maingay, magulo, maraming usapin, at nakakabagot na lugar. Balik na naman sa paggising nang maaga at paghahanda para pumasok sa school, it's depressing and exhausting.

I buttoned my white long sleeve uniform at ipinatong na ang pares nitong black suit. I grabbed my bag and ride on to my skate board. Maraming napapatingin sa gawi ko, malamang ay naninibago sila because a girl student like me is riding a skate board papuntang school. Nakaka-ilang ang mga tingin nila sa akin, 'yung iba ay ang sarap dukutin ang mata dahil tingin na tingin sa legs ko. Sakto lang ang suot kong skirt, pero dahil sa hangin ay nagmumukhang maiksi.

"EXCUSE ME!!!" Rinig kong sigaw ng isang lalaki, but it's too late for me to react, because I am already lying on the floor before realizing what did just happen.

"Ah...putragi-"
"Putangina, Manang!! Bakit ba hindi ka tumitingin sa dinaraanan mo?!!" Galit na asik sa akin ng isang lalaki na kakabangon lang din mula sa sahig.

"Hoy, Manong!! First of all, hindi pa ako Manang! Second, you are the one na hindi tumitingin sa dinaranaan, ako ang nasa harapan mo, you should have changed your lane or at least slow down!" Sigaw ko pabalik sa kan'ya.

"Mana- I mean...Miss, sigaw ako nang sigaw, kanina pa. Sino bang tanga ang magsusuot ng head phone habang nasa gitna ng kalsada?? Are you dumb?!" Namumulang sigaw n'ya sa akin. What the heck?!!

"Mister, sino ba naman kasing tanga ang magba-bike sa lane na 'to? Bikers has their own lane, bakit hindi ka ro'n magbike? Tangina mo ah?? Male-late na ako, ang dami-dami mo pang sinasabi. Bahala ka sa buhay mo!" sigaw ko while putting on my headphone again and continue my way to school while riding my skate.

*

"Manong Roberto, please naman, necktie lang, I forgot nga po. This day lang po, may klase pa ako nang 7:30, I'm gonna be late." pilit ko sa guard ng school. Screw that necktie, pagpipirasuhin ko talaga 'yan.

"Deguzman, last year gan'yan din rason mo, sige na, kunin mo na necktie mo." Sagot nito habang nanghaharang ng iba pang studyante.

"Manong Roberto, sige na po, first day naman e." Pagmamaka-awa ko sa kan'ya.

"O sige, sige. Ngayon lang a." Agad naman na lumawak ang ngiti ko at dali-daling pumasok.

I swiped my I.D on scanner machine and finally naka-pasok na sa campus.

*

"Anong nangyari sa 'yo? You're almost late, mabuti na lang wala pa 'yung prof. natin, ano bang nangyari sa 'yo?" Salubong sa akin ni Samantha.

"Itanong mo sa lalaking bumunggo sa akin and worst tumawag sa akin ng 'manang'" inis na sagot ko sa kan'ya.

"Wala na, hindi na yata papasok 'yung prof. natin, 10 minutes na lang dismissal na." reklamo nung lalaking nasa pinaka unahan.

"Oo nga, wala na 'yon"

"First day absent, I wonder what kind of professor that is"

"Shut up"

"What? Totoo naman?"

Bangayan ng ilan sa mga studyante rito, 'yung ilan ay nagsi-alisan na at hindi na hinintay ang dismissal time. Kaunti na lang kaming natira rito.

Napatingin ako sa nagkukumpulang babae sa gilid na animo'y naka-kita ng artista. Tinignan ko 'yung lalaking tinitignan nila. Nasa harap ito kaya nakatalikod ito sa akin. Red ang kulay ng buhok at naka-suot ng headphone na may wire.

"Dali na, go get his number"

"Kayo na lang. Neheheye eke" pagtanggi nung babaeng pinipilit nila.

Napatingin ako sa lalaking kulay pula ang buhok nang tumayo ito at pumunta sa pintuan. Aalis na rin yata.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 02, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Only Moon Will Tell.Where stories live. Discover now