25

293 15 1
                                    

luca pov

"lahat ng nasa paligid mo ay hindi mo kadugo dahil lahat sila ay props para ipakita na hindi ka iba sa aming mga tao!! NABUHAY KA SA INCUBATOR MULA NG SANGGOL KA!!!"

natigilan ako sa huli nyang sinabi at pilit hindi naniniwala sa mga sinasabi nya, nakita ko syang tumayo at tinitigan ang aking mga mata

" sinabi nya lahat sa akin ni dr manky bago ko sya pinatay,.................. noong nasa loob ng incubator ang katawan ni azariah ay kumuha sya ng mga cell nito at bumuo ng katawang tao at IKAW YON!!, alam nya na ang ikahihinatnan ni azariah kaya ka nya binuhay sa loob ng tinuring mo nanay" aniya sa akin

" nanay?" naguguuhan kong ani sa kanya, tawa na lamang ang sinagot  sa akin at awang awa ang pinupukol nyang tingin

" oo nga pala, si tristan ang dahilan kung bakit nawala ang ala ala mo, nakakaawa ka! binuhay ka sa pamilya puno ng kasinungalingan.......tinanggal ni tristan ang mga alaala mo at binago ang lahat at hindi na maiibabalik yun kahit pilitin mo, NAKAKAAWA KAAA!!!" sigaw nya sa akin

" tumigil kana!!!" malakas kong ani sa kanya at pinutok ang baril sa balikat nya, dumaing sya at bumaksak sa aking harapan ngunit nandoon pa din ang tingin nya sa akin

"kahit patayin mo ako hindi na mag babago ang katotohanan na nabuhay ka dahil kay manky, isa ka lamang eksperemento na para sa paligid mo hindi para ssssa buhay mo, parang isang robot na walang kalayaan at kasayahan sa buhay HAHAHHAHA"


" eksperemento lang ako ngunit may pamilya ako, hindi tulad mo na walang nag mamahal, isang masamang tao at walang mag mamahal sa demonyong tulad mo" walang emosyon kong ani sa kanya at binaril sya sa noo





tumingin ako sa itaas ng unti unting nag sibaksakan ang malalakas na ulan sa buong paligid ko, binitawan ko ang baril at dinamdam ang ulang pumapatak sa buong katawan ko




lalakad na sana ako ng makaramdam ako ng kirot sa aking likod, kinapa ko ito at pag tingin ko ay dugo

natawa nalang ako sa nangyari sa akin, tawa lang ako ng tawa na parang baliw dito sa kagubatan    pero kabaligtaran ng mga matang walang tigil sa pag luha


tinakasan ko ang sakit na nakaraan at pilit kinakalimutan ang nakaraan pero bakit pa kailangan ipamukha sa akin na isa lamang akong eksperementong para pasayahin ang nasa paligid ko





" LUCA!!!" rinig kong sigaw mula sa kalayuan, tumingin ako doon at nakita ko si tristan na tumakbo patungo sa akin at basang basa ng ulan meron din syang hawak na baril


ng makalapit sya sa akin agad nya akong hinagkan ng mahigpit na akala mo mawawala na ako, tinignan nya ang buo kong katawan at natigilan lang sya ng makita nya ang walang tigil na dugong lumalabas sa aking likuran

hindi ko manlang naramdaman na tinamaan ako kanina dahil ang buong atensyon ko ay nasa aking anak na pinoprotektahan sila mula sa mga balang pina pakawalan sa amin ni jordan

ngayon unti unti na akong nakaramdam ng panghihina at pag kahilo ngunit bago ako nawalan ng malay ay pinahanap ko sa kanya ang aming mga anak


" wag kang mag alala, maayos na sila kasama sila tucker" aniya sa akin habang buhat nya ako pabalik


" masaya ako ng malamang nasa ayos lamang sila" ani ko sa kanya at tuluyan na nawalan ng malay










..................ONE WEEK PAST.............

nagising ako sa malamig at puro puting kuwarto, nasa hospital ako

tinignan ko ang aking paligid at wala akong kasama, dahan dahan akong bumangon ngunit nakaramdam lang ako ng kirot sa aking likod kaya hindi ko na tinuloy

sakto ang pasok ni tristan kaya agad nya akong inalalayan na makaupo at sinandal sa unan


"sabihin mo sa akin kung may masakit sa katawan" aniya sa akin habang hawak ang aking kamay

" tubig" ani ko, agad syang kumuha ng baso at nilagyan iyon ng tubig bago nya binigya sa akin

binigay ko sa kanya na walang laman at muli sya hinarap para mag tanong

" nasaan ang mga anak natin? kamusta na sila yaya beka at zari?" tanong ko sa kanya


"maayos lang naman sila, kasama sila nila talia at nandoon sila mansion" aniya sa akin

unti unti  bumalik sa akin ang mga alaalang nag palungkot sa akin, sila jason at aries nasaan sila?


"si jason at aries? nasaan sila tristan" nag alalang tanong ko sa kanya, hindi agad akong nasagot at malungkot na tumingin sa akin.............wag nyang sabihin na.

"si jason nasa ICU habang si aries ay nakaburol sa bahay nila tita maricel, apat na bala ang tumama sa katawan nya at isa mga balang iyon ay tinamaan sya sa   dibdib" malungkot nyang ani sa akin


paulit ulit umiling at umiiyak sa kanyang harapan, no......hindi puwede!........ parang mga kuya na sila tapos mawawala lang si aries


hanggang sa tuluyan na akong humangulngol at nag wala dahil hindi ko matanggap na nawalan na naman ako ng mahal sa buhay kahit maikli lang ang pag sasama namin sa iisang bahay ay naging mabait sila sa akin, sila pa ang nag aalaga sa mga anak namin


" huminahon ka mi esposa, paki usap!" aniya sa akin ngunit hindi ako nakikinig at sinisigaw ang pangalan ni aries


" aries nakangako kapa! NANGAKO KA KANG MAGIGING NINONG KA NG MGA ANAK KO!!!!! ARIES!!!" malakas kong sigaw ay nilalabas ang sakit at lungkot ko sa pag kawala nya


nakita kong nag sipasukan ang mga nurse at tinurukan ako, ngunit paulit ulit kong sinasambit ang pangalan nya, nangako sya pero isa din sya sa mga taong nawala sa buhay ko


" mag pahinga ka muna mi esposa, nandito lang ako" aniya sa akin at hinalikan ako sa noo, pumikit na lamang ako at hinayaan ang sarili lamunin ng dilim





tbc

You rape me! Mr. possessive man ( COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon