Chapter 16

794 45 1
                                    

Carmella Pov

Nakarating kami sa arcade at nilibot ko yung tingin ko, mukhang nag umpisa na sila ng hindi nanghintay ahh.

"Ohh Ace nandito ka pala" Sabi ni Cayden

"Hunter bro" Tawag naman ni Luke kay Hunter

"Yoww Lucas" tawag ni Cameron kay Lucas habang may hawak hawak pang bola ng basket ball

"Tuloy nyo yung paglalaro" Sabi ni Ace sa kanila habang ako ay pumunta sa counter para palitan ang aking pera sa token bago pumunta sa claw machine na puno ng stuff toys para mag hanap. Nakahanap naman ako, pink color sya na bear at ang cute nya kaya naman nag hulog na ako ng token pero hindi ko nakuha kaya sinubukan ko........ Naka limang try na ako pero hindi ko man lang makuha kaya napamura ako sa inis pero napatigil ako ng makarinig ako ng hagikhik sa likod ko kaya inis akong tumingin sa likod ko pero napataas yung kilay ko ng makita yung mga kumag na nagpipigil ng tawa, mukhang kanina pa nila ako pinapanood ahh.

"Let me play it" nagpipigil tawang sabi ni Ace kaya tumabi ako ewan ko lang kung makuha nya.........
Naka limang try na sya pero wala pa din syang nakukuha kaya napatawa ako pati na din ang iba, halatang hindi sanay maglaro hahahaha. Nagtaka ako ng ilabas nya yung wallet nya sa bulsa nya kaya  naman napahinto ako sa pag tawa.

"Asan na yung manager? Bibilhin ko toh" Bakas na inis sa boses na sabi ni Ace kaya napatawa ako ibang klase talaga

"Dude calm down, pa try nga" natatawang sabi ni Kris pero wala syang nakuha kaya triny na din nilang lahat pero wala pa din eh

"May daya ata yan eh!!" Inis na sabi ni Liam na muntik pang umiyak kaya napatawa ako

"Hahaha tara na nga, lipat tayo sa ibang machine" Natatawang sabi ko bago sila iwanan at pumunta sa sulok kung saan nakalagay ang basketball machine

"Marunong ka nyan?" Tanong sa akin ni Ace na ikinataas ng kilay ko, para kasi syang nangiinsulto

"Minamaliit mo ba ako?" Tanong ko

"Oo kagaya ng height mo" Sarcastic na sabi ni Ace kaya naman tinarayan ko sya

"Tsk bahala ka dyan, maliit man ako pero kaya kitang patulugin" Inis na bulong ko bago mag laro pero nawala yung focus ko ng marinig ko sila

"Puta bawal yan" may taranta sa boses ni Josh

"Oi i awat nyo si Kris ahhahaha" natatawang sabi ni Cameron

"Liam dalian mo" Nagpipigil tawa na sabi ni Jake

"Mga tarantado ahhahah" Tawa naman ni Lucas

Dahil nga sa ingay ay napatingin ako sa kanila...... Putangina si Kris at Liam pumasok sa loob para makapuntos ng marami

"Oi bumaba nga kayo dyan, pag tayo na ban dito lagot kayo sa akin" saway ko sa kanila kaya naman tinulungan nilang bumaba ang dalawa bago sila lumipat sa ibang machine kaya tahimik akong nakapag laro, buti nalang konti lang tao dito sa dulo at walang staff na nagbabantay

"Ang galing" Rinig kong bulong ng isa, mukhang kanina nya pa ako pinapanood

"Babae ba talaga yan? Mas magaling pa sayo mag shoot" Rinig ko namang bulong ng isa......... wait hindi toh ka section ko

"Ang ganda nya pa" Hindi pamilyar yung boses nila

"Ano kaya pangalan nyan" Oh diba hindi ko nga sila kilala

After kong ma receive ang ticket ay napatingin ako sa likod ko, nakakita ako ng tatlong lalaki na nagtutulakan kung sino unang kakausap sa akin

"Umm miss ano pangalan mo?" Tanong ng isa, ang layo nya pa kaya nag lakad nalang ako paalis, ang weird nila eh pero isang hakbang palang nagagawa ko ng may humawak na sa isa kong braso.

"Wag kang bastos miss, tinatanong lang naman namin pangalan mo" Bakas ang galit sa boses nyang sabi

"Bitiwan mo nga ako" Sabi ko sa mahinhin na boses ko, mukha silang grupo ng mga gangster kaya kailangan kong mag ingat hehehe ngayon ko lang din kasi napansin eh

"Boss naka jackpot tayo" rinig kong bulong ng isa na ikinainis ko kaya sasapakin ko na sana ng may humila sa akin at tumama ako sa dibdib nya, ang familiar din ng scent nya

"Leave." Malamis na sabi ni Ace sa kanila

"Anong leave? Ang yabang mo ahh, baka hindi mo nakikitang tatlo kami at isa ka lang" sabi ng isa sa kanila kaya sumilip ako, yung boss naman ay nanginginig sa takot? habang naka tingin kay Ace.

"A-alis na tayo" Nagmamadaling sabi ng boss nila bago nya kaladkarin yung dalawang kasama nya paalis

"Tsk, hindi man lang ako nakabawi" bulong ko na mukhang narinig naman ni Ace

"Mag pasalamat ka nalang, tsk hindi mo sila kaya" Sabi sa akin ni Ace

"Manahimik ka na ngalang at bitawan mo ako" inis na sabi ko kasi mukhang na eenjoy nya na yung yakap eh, na realize naman nya yung posits namin kaya agad nya akong pinakawalan

"Your welcome" Sarcastic na sabi ni Ace kaya naman nginitian ko lang sya

"Sige doon ka na, pupunta lang akong banyo" Paalam ko bago tumakbo palabas dahil ang plano ko ay hanapin ang tatlong bugok na yon at hindi ako nabigo dahil hindi pa sila nakakalayo sa mall kaya naman lumapit ako ng dahan dahan at sinapak yung boss nila, nagulat pa sila ng bumagsak yung boss nila kaya napatingin sila sa akin pero hindi ko na sinayang oras ko dahil hindi pa man sila nakaka bwelo ay sinipa ko na ang ulo nila dahilan ng pag bagsak nila, ayon natulog sila kahit maaga pa hahaha. Pagkatapos non ay pumasok ulit ako sa mall at bumalik sa kanila na parang walang nangyari

"Its been a while since i do that" May ngite na bulong ko sa sarili ko.

The only girl in Section CTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon