🌸TVMAE 21🌸

428 44 0
                                    

♡Dedicated to Cold_Sagittarius

CHAPTER TWENTY-ONE:

Owner

Few Months Later


LYN POV♡

"Kitang-kita ka na talaga baby," sambit ko habang tinitingnan ang reflection ko sa salamin. Nakasuot lamang ako ng sports bra habang hinihimas ang tiyan ko. Ilang buwan ka na anak.

Ilang buwan na rin ang lumipas mula nang sinagot ko si Evans at isa lang ang masasabi ko, ang suwerte ko na nagkaroon ako ng kagaya niya.

Kinuha ko ang tela na pambalot ko sa tiyan ko, ibinalot ko ito ng sakto lang para 'di masyadong mahalata ang umbok nito. I need to this para 'di mahalata ng mga tao, lalo na kay Evans.

I wore a peplum top and drawstring pants. Yeah for how many months ito lagi ang outfit ko. Yeah right, you are right I'm hiding my baby bump.

I grab the scarf and inayos sa leeg ko, sinigurado ko talaga na mahaba ang matitira sa dulo. Hahayaan ko lang ito na nakalantad sa harapan ko para di mapansin ang tiyan ko.

And lastly kinuha ko ang blazer ko medyo malaki-laki para maitago talaga, hayyss sorry baby for doing this to you.

"Hanggang kailan ka magpapanggap Lyn,"

Napahawak ako ng dis-oras sa lababo nang biglang sumulpot si Joli sa likuran ko. Napabuntong hininga na lamang ako.

"Uso kumatok sis?" Inis kong tanong sa kaniya para mabalewala ang tanong niya. Alam kong naiinis na ang mga 'yan sa akin kaso 'di lang nila masabi-sabi. Alam kong concern sila sa akin, sa baby pero katawan ko pa naman din ito kaya ako ang masusunod, it's my choice.

"Bakit pa ako kakatok kung nakabukas na naman ah," pabalang niyang sagot para mairapan ko siya at humarap ulit sa salamin.

Ayan, ang layo na kanina. Parang naging normal lang, parang okay lang. Without knowing behind, this is a secret underneath.

"Hanggang maging handa akong harapin at sabihin sa kaniya," buntong hininga kong sagot sa kaniyang tanong kanina habang nakatingin pa rin sa salamin.

"Ayan 'yan ang lagi mong sinasagot eh, kailan ka ba magiging handa Lyn?" Tanong niya ulit para makaramdam ako ng inis. Aishh bakit ba hindi nila maintindihan? Ayaw ba nila na maging masaya ako?

"Basta ako na ang bahala," kagat labing sagot ko sa kaniya. Grabe naman pala kapag ang pag-ibig ang umeksena hayysss.

"Ilang buwan mo na ba kasing ginaganyan 'yan, we're concern sa health status ni baby," sabi niya naman para humarap ako sa kaniya. Aishhh hindi naman siguro, 'di naman masyadong mahigpit.

"Pagsasalitaan mo na naman ba ako?" Tanong ko sa kaniya pabalik dahilan para bumuntong hininga ito. Ikailang ulit na lang kasi, paulit-ulit na silang nagtatanong.

"Nahh we're just concern. Good luck!" Straight niyang sagot at saka lumabas. Hayyyss!

Magkikita kami ngayon ni Evans, gagala raw kami, yieeeee gusto ko talaga kapag gumagala kami, awiittss!

Pagkatapos kong mag-ayos lahat, lumabas na ako at nagmamadaling bumababa sa hagdan, kanina pa kasi naghihintay si Evans sa labas. 'Di kasi nagsabi na gagala kami, ayan tuloy hintay well.

"Hey Lyn, ingat,"

"Please be careful,"

"Atat sobra,"

The Virgin Mother At Eighteen ✔ (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon