Personal Alalay

530 27 102
                                    

©Alright Reserved
Written by: miniemhAe
Date started: April 28, 2015
Date finished: May 3, 2015

~~~~

"Hoy utak ibon! Bilisan mo naman. Ang bagal-bagal mo! Male-late na ako sa ka-meet ko!" naka-sigaw na naman po siya.

Siya lang naman si Joshua, The great big bear! Ako ay isang personal alalay niya. Oo isa siyang oso. Mukha kasi siyang wild bear kapag nagagalit. Gusto ata akong kainin.

"Hoy Lyka! Ang tagal-tagal mo diyan sa loob ng C.R. Papasukin na kita diyan eh. Ano bang ginagawa mo??" sigaw niya ulit. Nasa labas kasi siya ng cr ng mga girls sa mall. At ako naman ang babaeng nag-iinarte sa loob.

''SandaIi lang naman po master! TUMATAE PO AKO! Pwede po saglit lang. Nakakahiya naman sa mga taong kasama ko dito sa loob. Ang ingay-ingay niyo po! Baka wala ng mga panty ang mga ito paglabas dahil sa kasisigaw niyo!" sigaw kong sagot sa kaniya.

Kanina ko pa kasi naririnig ang irit ng mga babae sa loob ng c.r. Makakita ba naman sila ng gwapong oso.

Ang hirap naman kasing maging babae lalo na at da-dapuan ka pa ng dalaw kada- buwan. Hindi ako komportable ngayong araw. Lalo na at kasama ko ang lalaking nagpapabilis ng pump ng dugo ko. Kaya mabilis mapuno ang baon kong timba.

"Nandito na po! Sorry po natagalan. Naghugas pa kasi ko ng kamay. Baka may maiwan po kasing amoy. Hahawakan ko pa naman po ang mga mamahalin niyong damit." bungad ko pagkalabas ng c.r

"Ang baho mo! Amoy tae ka!"

As if naman na tumae talaga ako. Gagawa na lang ng kwento hindi pa totoo.

"Saan po ba tayo pupunta, master?According po sa schedule niyo, wala naman po kayong ka-meeting eh."

"Mayron. Kaya sumunod ka. Bitbitin mo na ang mga iyan!"

Nakakainis. Mahirap maging isang jolalay ng taong mahal mo. Lalo na at ang tingin niya lang sayo ay isang alalay. At hanggang doon na lang.

"Hello babes! Ang tagal mo ah. Kanina pa kaya ako rito." hinalikan naman ni Lira si Josh ko sa lips. Si Lira ang pinaka maganda sa school namin. Lahat na ata ng babaeng naging sikat sa school e, naging jowa na nitong master ko. Ako na lang ang hindi.

Asa ka pa Lyka! Hindi ka sikat at hindi ka rin sexy. Kaya hindi ka papatulan ni The great big bear. Isa ka lang alalay at utak ibon ang tingin niya sa'yo.

Aray ko bhe! Ang shaket! Akala ko pa naman ide-date na niya ako. Assuming!

"Hoy bird brain! Umalis ka nga rito sa harap namin maglaboy ka muna. Nakakasura makita 'yang mukha mo. Oh, heto pera magpunta ka sa timezone. Tatawagan na lang kita kung uuwi na tayo." sabay hagis niya ng pera sa tapat ko.

Grabe naman mukha ba kong pera. Isampal ko kaya sa kaniya 'yan! Dinampot ko ang pera na hinagis niya at nagmadaling umalis sa harap nila. Pakiramdam ko kasi tutulo na ang mga luha ko.

Sa loob ng apat na taon na pagiging alalay ko ngayon lang ako nakaramdam na parang ang liit-liit ko. Nagtiyaga akong maging personal alalay niya para mapalapit sa kaniya. Pero wala pa rin. Gano'n pa rin ang tingin niya sa'kin.

Pinunasan ko ang mga luhang tumulo sa mga mata ko. Gaya nang sabi niya. Inaliw ko ang sarili ko. Hinayaan ko ang sarili kong mag-enjoy.

Maya-maya lang ay nag ring ang phone ko.

"Hello master! Tapos na po ba date niyo?" tanong ko nang sagutin ko ang tawag niya.

"Oo nasaan ka?"tanong niya.

Personal Alalay [One Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon