Chapter 30: Horrified

23.1K 1K 363
                                    

Paris' PoV:

Sinubukan kong muli na mailayo sya sa akin. I gently pushed her back. I need to do this.

"M-Miss, bitaw na." I can feel that my body's starting to tremble in fear. My gazes are fixed on Autumn. Mas lalong nagiging intense ang mga tinging ibinabato nya sa amin.

I can feel that my heart's beating so fast. Pero hindi dahil sa kilig o kung ano pa man.

Wala akong natanggap na sagot mula sa babaeng nakabanggaan ko. I looked at her. Tamang-tama dahil nakatingin din pala sya sa akin.

What's wrong with this woman? Hindi nya ba ako naririnig? Parang natulala na sya sa akin.

Matamang tinapunan ko sya ng tingin. Hindi ko alam kung bakit pero parang nakita ko na sya sa kung saan. Familiar sya sa akin. I tried my best to remember this woman pero sumasakit lang ang ulo ko.

Ang dapat na inaalala ko ay kung paano ko mapapakalma ang isang dinosaur na ngayon ay papalapit sa aming dalawa. Mabibigat ang hakbang na ginagawa nya.

I snapped into reality nang makita kong wala na ang babaeng parang koala na nakakapit sa akin.

I was surprised to see na hawak-hawak na sya ni Autumn. By the looks of it, she's gripping the latter's hands so tightly. Marahas na tinulak nya ang babae papalayo sa akin.

On the contrary, I was relieved to see na hindi buhok ng babae ang hawak ni Taglagas.

"Autumn, I d——" Mabilis na napahinto ako nang walang pasitabing dumampi ang palad ni Autumn sa pisngi ng babae. She slapped the latter.

*Paak!*

Halatang napakalakas non. The sound of it echoed to my ears. The woman's cheek immediately turned red. Parang may isa na syang blush on.

"What the?" The woman is looking at her with disbelief. Sapo-sapo nito ang kanyang pisngi na sinampal ni Autumn. Halatang hindi nya ineexpect ang nangyari.

"My bad. Ganito talaga ang kamay ko. Kusang gumagalaw papunta sa pisngi ng malalanding katulad mo." She said that while smiling. Mas lalo akong nahintakutan. Damn. Iba pala kapag malapitan ko syang nakikita.

It's so creepy to know that she's smiling. Mas gugustuhin ko pang makita na magkasalubong ang dalawa nyang kilay kaysa sa ganito.

I looked at the woman. Irritation is written on her face. "Malandi? Are you referring to yourself, bitch?"

Hindi ko maiwasang magulat. Wow. Hindi sya nasindak kay Autumn. Marunong syang lumaban. I understimate her.

"Nope. For your information, isang tao lang ang nilalandi ko." Mataray na turan ni Autumn. After she said that ay tumingin sya sa akin.

I bit my lips. Hindi ako manhid para hindi maramdaman na ako ang tinutukoy nya.

"Unlike you na kahit pamilyadong tao na,  hinaharot mo pa. Nakakagigil." Autumn squeezed her hand. Malaki ang chance na sampalin nyang muli ang babae.

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa kanya. "Autumn, relax lang." I whispered and reached for her hand.

Napaatras ako bigla nang magbaling sya ng tingin sa akin. Hanggang ngayon ay nanlilisik pa rin ang kanyang mata. I can see the burning fury on her eyes.

"Don't interfere with this, Sylven. Magtutuos tayo mamaya." Mariin nitong turan. Wala sa sariling napatango-tango ako.

I gulped. She called me by my second name again. Parang umatras bigla ang lahat ng lakas ko. Wala na akong nagawa kung hindi manahimik na lang sa isang tabi.

Love-struckTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon