Two

11 0 0
                                    

Yshie's POV

Nag-aayos kami ng dadalhin namin ni Brett sa Isla La Verde. Bukas na kasi kami babyahe papunta doon. Nag-aayos na kami para bukas after ng mass, eh, aalis na lang kami.

"Babe, bring two rosaries. Kumuha ka don sa may altar." Utos ko kay Brett.

"Yes, Ma'am!" Nag-salute pa siya.

"Dalhin na din natin 'yung laptop, extra batteries, power bank, DLSR, phone and yung iPhone ko."

"Extra batteries na, may power bank pa? Seriously, babe?" Ayan na naman 'yang, mukha niyang halata mong patawa na. Tsk. Ayoko talagang nakikitang tumawa 'tong Brett na 'to.

"May reklamo ka?" Pagtataray ko sa kaniya.

"Babe, may dalaw ka ba? Ang sungit mo kasi eh."

"Ha-ha. Stop fooling around. Mag-empake na lang tayo."

**

After ng mass, nagdecide kami na isang sasakyan na lang ang gamitin. 'Yung van ng parents ni Brett ang gagamitin. Marunong naman siyang mag-drive so, no worries.

Hinihintay namin ni Brett ang barkada dito sa garahe ng bahay namin. Naunang dumating si Reid and Schin. Pansin ko, parang hindi masyadong nagkikibuan ang dalawang 'to. Ano kayang problema? Sumunod namang dumating sina Nico at Jazz na halata mong nag-aasaran pa.

"I'll make hagis talaga sayo ng frog pag 'di ka tumigil, Nics." Asar na saad ni Jazz.

"Just kidding, love." Tumatawang saad ni Nico.

"Yeah, whatever."

Inilagay na nila ang mga gamit nila sa likod ng van at umalis na din kami. Nakaupo ako sa tabi ng driver seat. Which is, si Brett ang katabi ko sa likod ko nakaupo sina Jazz at Nico, natutulog sila. Sa likod naman sina Reid and Schin na ngayo'y malaki ang agwat. Nakatingin si Reid kay Schin, habang si Schin naman ay nakatingin lang sa bintana.

"Babe." Halos pabulong kong tawag kay Brett.

"Hmm?" Saglit niyang inilipat ang tingin sa'kin at agad din namang ibinalik ang tingin sa daan.

"May napapansin ka ba kay Schin and Reid?" Nac-curious kasi ako. Mukhang nag-away yung dalawa.

"Meron."

"Sa tingin mo, Babe? Magka-away kaya sila?"

Bahagya siyang natawa. "Ba't ba parang curious na curious ka sa kanilang dalawa?"

"Eh, bakit ba ayaw mo na lang sagutin 'yung tanong ko? Psh."

"Sungit natin, oh." Halata namang nang-aasar ang isang 'to.

"Whatever." Kinuha ko ang phone at earphones ko. Isinalpak ko 'yun sa tenga ko at itinodo ang volume. Bahala siyang magsalita ng magsalita diyan.

**

Nagmulat ako ng mata ng mapansin kong nakatigil ang sasakyan. Nakatulog pala ako. Madilim na at nasa labas sila Brett. Bumaba ako ng sasakyan at agad na tinanong kung anong nangyari. Wala dito sina Reid and Schin.

"Guys, anong nangyari?" Tanong ko.

"Oh, si Sleeping Beauty gising na. Halos buong byahe tulog ka ah? Puyat ka ba?" Tanong ni Nico.

"'Yung tipong ang sagot, ay 'di rin isang tanong~ Nagtatanong ako, sasagutin mo ko ng panibagong tanong diyan. Unang-una, hindi ako puyat." Kinanta ko 'yung part ng 'yon ng Migraine.

"Boom, basag." -Jazz

"Brett, what happened?" Usisa ko kay Brett.

"Babe, nagkaaberya kasi. Minalas pa nga't out of gas na din tayo."

"What?!" Napasigaw na 'ko. 'Di ko mapigilang mainis.

"Na-flat kasi yung isang gulong sa harapan, isa sa likod. Isang spare lang ng gulong ang mayroon ako diyan." Paliwanag ni Brett.

Kainis naman. Bakit ba ngayon pa kami nasiraan ng kotse. At ang galing nga naman ng timing, out of gas na din kami. Kaasar.

"Babe, there's no one in here that we can asked for help. Would you like to stay in the car the whole night or you like to find a house?" Tanong sakin ni Brett.

"Do you think we'll find a house in this kind of place, Brett?" Iritableng balik-tanong ko sakanya.

"Sorry, okay? Relax ka lang. Nagbabakasakali lang naman ako, babe." Mahinahong sagot sakin ni Brett habang hawak na niya ako sa magkabilang braso ko.

"Sorry din, babe. Medyo badtrip lang." Sagot ko at bahagya siyang niyakap.

"Yeah, I understand." Hinalikan niya ko sa noo at medyo isinandal ang baba niya sa bunbunan ko habang hinahagod ang likod ng ulo ko

"Ohh, how sweet of the both of you naman. Would you mind if I make istorbo muna sa inyo, Brett and Yshie? I would like to ask lang if mapi-fix pa yung car?" Tanong ni Jazz.

"Mukhang hindi na Jazz, out of gas na din kasi tayo." Mahinahong sagot ni Brett.

He's always calm. Baka mamaya may nasusunugan na pero siya kalmado pa din. I really love this guy.

"Ah. Is that so? Pa'no na 'yon? Where tayo magsi-stay?" Tanong ni Jazz.

"Oo nga Brett, it's already 8:30 PM. Hindi naman tayo makakatulog sa kotse. Anim tayo at hindi tayo magiging comportable kung dito tayo magpapalipas ng gabi." Tanong naman ni Nico.

"Naglakad-lakad kami nearby pero mukhang walang naninirahan dito or baka mayroon pero nasa liblib na part tayo." Sabi ni Schin.

"Yeah. And we noticed na walang signal dito." Dagdag ni Reid.

Shit. What are we going to do now?

"What to do, Brett? I don't want to be stucked in this kind of place." Saad ko kay Brett.

"Tara!" Aya ni Brett at nagsimulang maglakad. 'Di man lang hinawakan ang kamay ko para sabayan siyang maglakad? Psh. Eto na naman ang leader side niya. Pero in all fairness, mula't simula kahit sa University namin magaling siya when it comes to leadership.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko kay Brett.

Nilingon niya ako atsaka nginitian. "Maghahanap ng matutuluyan. Wanna come?" At kinindatan pa ko ng loko. Nagmake-face na lang ako at inunahan na siya sa paglalakad.

"Hey, babe." Tawag ni Brett. Hindi ko siya pinansin. Bahala siya diyan. Ewan ko ba pero nainis ako bigla. This past few days napansin kong madali akong mairita. Even sa simpleng bagay naiirita ako.

"Babe, huy. Can you slowdown a little? Haha. Masyado kang hot. Chill lang." Hinawakan niya ang kaliwang kamay ko gamit ang kaliwang kamay niya at iniakbay sa'kin ang kanang kamay niya. "You're barging the wrong way. Let's go, this way." Atsaka kami umatras ng konti and lumiko. "Let's go, guys." Aya niya sa iba. Nagsunudan naman sila Jazz, Nico, Schin and Reid.

Habang naglalakad kami I have this strange feeling na parang may nakatingin samin all the way. Or baka naman napa-paranoid lang ako. Mukhang kailangan ko na atang magpatingin sa family doctor namin after our vacation. Marami na kasi akong nararamdaman na weird sa katawan ko. Habang palayo kami ng palayo sa kinaroroonan namin kanina nagiging mas creepy sa lugar na 'to.

Sa haba-haba ng nilakad namin may nakita din kaming bahay sa wakas. But it looked so haunted. Feeling ko may kung anong espiritu sa bahay na 'yan. Napapoker-face na lang ako ng masilip ko ang maliit na ilaw na mahahalata mo sa isang bintana sa may ibabang bahagi ng bahay.

"Mukhang may matutuluyan na tayo." Saad ni Nico, na mukhang nakahinga na ng maluwag.

"Seriously Nico? It looks so haunted kaya." Saad naman ni Jazz.

"Okay na 'yan. Kaysa naman wala tayong matuluyan. Tingnan mo, mukha namang may tao eh. May ilaw na tumatagos sa may bintana sa ibabang bahagi ng bahay." Saad ni Schin, habang nakatingin sa ibabang bahagi ng bahay kung saan may ilaw.

Agad na naglipatan ang tingin ng iba sa bahaging iyon ng bahay. Tama nga bang bahay ang itawag ko dito? Haunted ito. Haunted house? No. It's more like a mansion. A haunted mansion.

When You Walk InTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon