It's been 2 months since mom died because of a car crash, dalawang bwan na rin akong nakakulong sa kwarto ko. Lalabas lang pag maliligo o kakain. Hanggang ngayon di ko pa rin matanggap kung bakit si mom pa nawala. Simula nung nawala sya para ba akong nawalan ng gana sa buhay.
"Justine, its time to eat." My sister said while knocking on my door. Tumayo na ako at lumabas ng kwarto ko. Pag baba ko sa dinning area narinig ko silang nag tatawanan, at ang isang di pamilyar na boses.
Nakita ko ang isang babaeng kasing age lang ni Dad.
"Oh Tine! You're here. Come sit with us." Tinitigan ko lang sila at umiling.
Wala pang isang taon nagawa na agad nilang palitan si mom? Unbelievable!
"Please be polite to your Tita Sheryl. Come and sit with us son." Sabi ng Daddy kong magaling.
"Eh sa ayoko nga diba? Di ba kayo marunong makaintindi? Umiling na ako kanina, sasabihin ko pa ba?" Anas ko
"Justine! That's not what we do here! Be polite to her!" Pasigaw na sabi ni Dad sakin. I look at Ate Pau. Wala man lang syang ginagawa tuloy lang ang kain.
"It's just been 2 months since mom passed away, and you already replaced her? Mom isn't that replaceable Dad! Dalawang bwan pa lang wala si Mom! Di na ako masusupresa kung isa yan sa mga dahilan kung bakit wala na si Mom ngayon! Nanggaling sya sa office mo Dad nung nangyari yon!" Galit akong umakyat sa kwarto ko
Ramdam ko ang pag sunod sakin ni Ate, dali dali akong nag lakad papuntang kwarto ko at sinarado ang pinto.
"Tine please let's talk?" Sabi nya sakin
"No Ate go away! I saw you did nothing! Habang ako pinag tatanggol ang hustisya para kay Mom!" Sigaw ko.
"Please Justine, open the door?" Ate kindly ask me and I gave in instantly.
She sat beside me.
"Why?" Pag sisimula ko.
"Well you know." She hold my hand. "You shouldn't have said or act like that in front of Sheryl. Hindi ko sinasabi na tama si Dad ha, parehas kayong mali. Pero may point ka. Pati ako hindi ko pa rin tanggap pag kawalan ni Mom tapos may pinakilala agad si Dad satin na parang GF na nya."
"Parang? GF na nga kamo baka nga mag announce na yung dalawang yon next month na ikakasal na sila." Sabi ko
"Sana nga wag. Im sorry Tine ha, di kita napagtanggol kanina kay Dad, out of respect na rin kasi." Sabi nya sakin at naintindihan ko naman.
"Try to pull yourself together ha. You have school next week. You know that mommy won't let you quit or skip school." Paalala nya sakin