Tanya
"A B C D E F G... H I J K L M N N" natawa kami ng mag kamali si Charlotte sa pag kanta ng alphabetical song.
"anak, ano kasunod ng N?" tanong ni sunny sa bata.
"O po" sabi ni Charlotte at muli na naman siya nag kanta.
nandito kami ngayon sa sasakyan, papunta na kami sa airport dahil ngayon ang alis namin papuntang maldives.
ito yunf trip na pinangako namin sa mga bata at doon na rin namin ice-celebrate ang kaarawan ng daddy nila.
doon ko na rin sasabihin na, buntis ako.
toyota rush ang dala ni sunny at siya ang nag mamaneho habang nasa likod naman ang mga bata, inaayos ko kasi ang mga passport at visa nila para pag dating sa airport hindi kami magulo.
"hon? okay na ba pati yung sa hotel?" biglang tanong ni sunny sa akin habang nakayuko ako at inaayos ang mga papel.
"yes hon" humarap ka agad ako at sumagot, mukhang excited din siya dahil ito ang first trip namin sa ibang bansa na magkakasama.
katapos kong ayusin ang mga papel, kinuha ko agad ang tumbler ko at pinainom si sunny. hindi dapat to nakukulangan ng tubig, pati na rin ang mga bata na tahimik nanonood sa likod.
tinignan ko si Charlotte, kanina pa siya kumakanta ng mga nursery rhymes. kasama ang kambal, tinuturuan din nila ang bunso nilang kapatid sa pag kanta.
"singerist kayo?" asar ng daddy nila na kinatawa ko.
"driverist ka po?" ganti ng anak naming si tamara.
haynako, mana talaga sa daddy niya.
pag dating namin sa airport, nag park agad si sunny at hinintay naman namin na matapos siya.
bumaba agad ako para ibaba ang mga bata, may mga clear backpack silang dala at doon makikita mo ang mga wipes, gadgets, IDs, and other stuffs na kailangan nila once sumampa na kami sa eroplano.
dumaretso naman si sunny sa likod para kuhanin ang mga bagahe namin, kinuha ng kambal ang mga maleta nila at hinawakan naman ni charlotte ang maliit na maleta niya.
naawa ako dahil ang dami kong dala! kinuha ko ang isa kong maleta kay sunny para hindi siya mahirapan.
"you have so many things, titira ka ba sa maldives, love?" tanong niya na kinatawa namin.
pinasok ko sa bag ko ang mga papers na kailangan sa immigration para madala ko ang isa kong maleta.
pag pasok namin sa may entrance, kumuha agad ako ng isang luggage cart at doon na nilagay ni sunny ang mga maleta.
"tag i-isang maleta ang mga bata bali three, tatlo sa atin" sabi ni sunny saka niya pinush ang luggage cart.
she looks so hot and beautiful sa suot niya, naka trousers ito sa kulay na beige at white tshirt, terno-terno kami ng bata. kaya pinagtitinginan din kami sa loob ng airport.
at dahil madaling makilala si sunny, pinasuot ko siya ng shades at facemask. ganon din ang mga bata, they're so cute! binili ko pa sa dior ang mga shades nila, tutal sunny loves dior.
"daddy you look so good!" pag compliment ni svea sa daddy niya.
"you too, baby" sabi ni sunny at ginulo na naman ang buhok ni svea.
"i spent half an hour to fix svea's hair!" reklamo ko habang nasa pila kami sa immigration.
maaga kami mag check in para may oras kaming mag libot muna sa loob ng airport, pagkatapos namin sa immigration nag punta kamo agad sa Starbucks na nasa loob ng airport at doon kami kumain sandali.