the bliss ignites

980 26 11
                                    

━━━━━━━━━━━━━━━━
CHAPTER SEVEN
the bliss ignites
━━━━━━━━━━━━━━━━

Days passed quietly and fast. Me and Gazer got along well amidst those days at hindi ko na rin namalayan na halos magt-tatlong buwan na pala siyang nagt-trabaho sa'kin.

Tatlong buwan na rin kaming magkasama kada Biyernes sa mga restaurant sa palibot ng Quezon tapos binibisita rin namin lagi ang Local Plaza kung saan nakapirmi 'yung mga bata.

Parang naging habit na naming gawin 'yun at 'yun din ang dahilan bakit mas naging komportable kami sa isa't-isa.

If people see us, they might think of us as someone who's in a relationship because of our gestures but they're not one to judge. I care less either although, I don't know if it's the same to Gazer who cares more about his surroundings rather than himself. Bawal na ba makipagkaibigan ang mga babae sa lalaki? Hindi naman kaya bahala sila.

"Tuwang-tuwa po talaga kapatid ko sa mga pinadala niyo sakanya, Ma'am. Pero nahihiya rin po raw siya kasi hindi niya pa kayo nakikita tapos ang dami niyo ng pinamigay sakanya." Napapakamot ng ulo si Gazer habang nagd-drive kami papunta sa terminal.

May nag-issue kasi ng trip because anniversary na ng kompanya ko so sinakyan ko na lang kasi kinuntsaba rin nila si Gazer para raw pumayag ako. And I did because a little windup beside the sea won't gonna be that bad anyways, right? Kailangan din nila ng refresh from work.

"It's fine. I'll book a visit to him once in a month din to see how he'll recover. I promise that. Mostly sa sweldo mo is napupunta sakanya 'di ba?" Tanong ko habang chinecheck din ang mga gamit na dinala ko kasi baka may nakalimutan pa ko gawa ng kakamadali ko kanina.

"Opo. Iniipon ko po para sa operasyon niya." Sagot naman niya, nasa daan pa rin ang tingin.

Tumango ako, "I'll help you with that then."

Napasinghap ako ng biglang pumreno 'yung sasakyan. If I'm not wearing a seatbelt ay muntikan pa akong dumeretso paharap kaya inis akong napabaling kay Gazer na katulad ko ay gulat na gulat rin. Nilingon niya pa ako at agad na humingi ng patawad pero hindi nu'n naibsan ang inis na nararamdaman ko.

"Sorry po, Ma'am! Hala! Nagulat lang po ako. Sorry po!" Sunod-sunod niyang hingi ng tawad bago tinanggal seatbelt niya't lumusot sa gitnang parte ng mga upuan para siguro i-check kung ayos lang ako. Nahigit ko naman ang hininga ko dahil sa biglaan niyang paglapit, hinawakan niya pa ang dalawang balikat ko habang iginigiya ako sa kaliwa at sa kanan. Sobrang lapit niya naman!

"Sorry po talaga." Halos naiiyak niyang sambit, kaliwa't kanan niya pa ring tinitignan kung may nangyari ba sa'kin at oras na humarap siya't pumirmi ay halos nawalan ako ng hininga ng maramdaman ang tungki ng ilong niya na bahagyang pumisil din sa bridge ng ilong ko.

"Ah." Gulat naming sambit, nanlalaki ang mata at halos pigilan ko ang pagtawa ng magkulay kamatis ang buong mukha ni Gazer habang mabilis na nilalayo ang sarili sa'kin.

Pansin ko ring kinakabahan siya at hindi mapakali kasi ilang minuto pa siyang nakatingin lang sa harap ng sasakyan. Natuod na rin siya sa kinatatayuan at hindi na talaga gumagalaw.

"Gazer."

"Ma'am, please don't fire me. Kailangan ko pa po 'yung pera." Seryoso niyang sambit, halata pa rin ang kaba sa boses at hindi ko na talaga napigilang tumawa dahil first time niya umingles at 'yun pa talaga ang sinabi niya.

Maluha-luha ko siyang tinignan, naiiyak ako kakatawa habang umiiling.

"Loko. Bakit naman kita if-fire?" Tanong ko, kumuha pa ko ng bimpo para hindi mag-smudge makeup ko dahil sa walang-hanggan kong pagtawa sa reaksyon niya. He never really cease to amaze me with those gestures.

Boulevard to Polaris (Virago Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon