Kabanata III

9 0 0
                                    

Halos maluwa na ang mga mata ni Heav dahil sa kanyang nakikita. Ang pamilyar na pigura ng isang lalaki na kagaya niya ay gulat ding nakatitig sa kanya.

Nakaangat ang kanang kamay nito sa direksyon na kinatatayuan ni Heav. Hawak nito ang isang palaso na tila nahuli nitong bumubulusok patungo sa kinaroroonan niya.

Kaagad tinakpan ni Heav ang kanyang dibdib gamit ang kanyang mahabang buhok nang mapagtantong wala pala siyang saplot at naistatwa sa kinatatayuan.

"D-did he just see my— ow my gosh!"

Tinignan niya nang mabuti ang pamilyar na lalaki. Dahil medyo madilim sa labas, pinanlakihan niya ito ng mga mata upang mas malinaw na makita.

"Brown eyes, greek nose, perfect jaw..."

Lumipas ang ilang segundo bago niya maalala ang lalaking nabangga niya sa loob ng Northern Wing nang magtungo siya roon.

"Ikaw na naman?!"

Muling kumaluskos ang paligid na tila may tumatakbo sa ibabaw ng mga patay na dahon dahil naglikha ito nang medyo malakas na ingay.

Nang mahimasmasan ang lalaki na nakatitig sa kanya ay agad itong tumakbo papalayo at hinabol ang hindi matukoy ni Heav na isa pang nilalang. Kahit nasa malayo ay hindi nakaiwas sa mga mata ni Heav ang pag-anyong ibon nito.

"Shaacks. I-ibon pala siya?" hindi makapaniwalang tanong niya sa sarili. Dahil sa kadiliman at kunting liwanag galing sa buwan, hindi niya masyado makita kung anong klaseng ibong-anyo nito. "Siya ba 'yung ibon na naghatid sa akin dito?"

Natauhan siya nang marinig ang pagtunog nang kampana. Oras na para sa hapunan. Tinuyo niya ang sarili at nagbihis bago umalis.

Nang makalabas na siya para sana habaulin yung lalaki, nagulat siya nang makita ang kalagayan sa kusina.

Saktong paglabas niya ay narinig niya ang tunog ng kampana mula sa labas ng apartamento. Oras na pala upang maghapunan.

Naglakad siya papuntang kusina, tulad kanina ay wala pa rin ditong mga tao. Lumapit siya sa isang palayok at binuksan ang takip nito.

Hinahanap ng tiyan niya ngayon ang lasa ng kanin. Ngunit sa kasamaang palad, imbes na kanin ang mahanap niya ay isang lugaw na nangangamoy krema.

Kukuha na sana siya ng plato nang makarinig siya ng mga yapak ng paa mula sa kanyang likuran.

Lumingon siya upang malaman kung sino ang mga ito at nakita niya ang dalawang lalakeng magka-akbay, ang isa ay medyo matangkad at kulay lila ang buhok — siya'y si Nouelle.

Ang isa naman ay itim ang buhok —ito'y si Marvyl— sa kasamaang palad ay wala pa siyang taglay na kapangyarihan.

Sa likod ng mga ito ay isang babae na may dalang libro, kulay kahel naman ang mahaba nitong buhok — ito'y si Tin-tin, taglay nito ang kahel na apoy . Sa likod ng babae ay si Dancelle na mukhang wala sa sarili at si MJ na ngumiti nang makita siya. Sa likod naman nila ay si Chare na may hawak na pana. Mahaba ang kulay lila nitong buhok.

Lahat ng babaeng taglay ang kapangyarihan ng apoy ay parehas ang haba ng mga buhok — aabot hanggang tuhod.

Sunod-sunod silang nagsilapitan sa lamesa at kanya-kanyang upo sa kahoy na upuan.

Ang akala ni Heav na pito lang sila ay nagkamali. Bigla na lang kasing may sumulpot sa mismong harap niya na isang lalake — si Lucas.

Tila nagteleport ito dahil sa biglaang pagpapakita.

"Goodevening," bati sa kanya ni Lucas at ngumiti. Nginitian siya pabalik ni Heav bilang pagbati.

Si Lucas ay nakasuot ng mahabang damit na kulay itim at may nakalimbag na dahon malapit sa kanyang dibdib. Sa kaliwang tenga naman nito ay may nakasabit na hikaw na hugis dahon rin—kulay itim.

Abyss Academy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon