Carmella Pov
Matapos kong kumain ay dumeretso na ako pauwi, ayoko rin naman makitang yung Section c ehh nakakatampo sila!
Nang makarating ako sa bahay ay ang tahimik lang ng paligid as usual kasi alam ko namang ayaw ni Kuya Sevy ng maingay eh pero sanay na sa ingay namin ni Kuya Arian.
Hindi pa man ako nakakailang hakbang papasok sa bahay ay isang kamao na agad ang tumama sa mukha ko kaya naman nabitawan ko yung paper bag
"Masakit!" Sigaw ko dahil sa sakit habang yung kamay ko ay nakatakip sa mukha ko
"KUYA OHH! SI ARIAN NANANAPAK!!" Pasigaw kong sumbong
"Hindi mo naman kasi ako yaya para ako mag hugas ng pinaggamitan nyo!" Sigaw sa akin ni Kuya Arian
"Ayan nanaman kayo ahh! Tumigil na kayo!" Halaya ang inis sa sigaw ni Kuya Sevy
"Ikaw naman Arian! Wag manapak ng babae kung hindi ka bakla!" Dagdag pa ni Kuya Sevy kaya napangise ako ng slight lang
"Hindi naman kasi ako bakla!!" Inis na tanggi ni Kuya Arian
"Bakla ka pala eh" Mapang-asar na sabi ko bago ko damputin yung bag at iabot sa kanya, baka masapak ulit ako
"Ano toh?" Tanong ni Kuya Arian
"Bawi ko sayo, kasi mabait akong kapatid" Sabi ko na may ngite kaya naman napangite din sya bago kuhain yung libro sa loob pero parehas kaming nanigas ng makita yung title ng libro. TAKTE KAYA PALA MAHAL!!
"Bible?!? NANGAASAR KA BA-?!" Galit na tanong ni Kuya Arian
"Kasi daw malapit ka ng maging demonyo, kakailanganin mo yan pfft-" Rinig kong sabi ni Kuya Sevy na mukhang nagpipigil ng tawa kaya naman dali dali akong tumakbo palabas
"Bumalik ka ditong babae ka!!" Rinig kong sigaw ni Kuya Arian
"Kuya Sevy, TULONG!!" Sigaw ko ng mapansing sumusunod si Kuya Arian sa akin pero nag act lang si Kuya Sevy na parang walang nangyari kaya naman lumabas na ako sa pinto ng bahay baka kasi maka sira pa kami
"Wag na makulit! Halika dito" Narinig kong sigaw ni Kuya Arian pero bago pa man ako makalayo sa bahay namin ay may nagtakip na ng mukha ko at hinila ako sa isang van na mukhang naka ready bago nila ako paamuyin ng isang powder dahilan kung bakit nawalan ako ng malay.........
Nagising ako sa isang kwarto kaya tumingin ako sa paligid, mukhang mamahalin yung kwarto pero...... DID SOMEONE JUST KIDNAPPED ME-?! At mayaman pa?? Nang gagago ba sila??
Sinubukan kong umupo ng maayos pero ngayon ko lang na realize na nakatali pala yung kamay at paa ko kaya nahirapan ako pero napahinto ako ng may nagsalita.
"Finally gising ka na" Sabi ng boses babae kaya napatingin ako sa kanya para makita kung sino tong lapastangan na toh pero naka takip yung mukha nya kaya naman tinitigan ko lang sya at hindi nagsalita
Arian Pov
Hahabulin ko na sana si Ella sa labas pero ang naabutan ko ay ang isang sasakyan na dumaan sa harap ko at nang tingnan ko yung window ng car ay nakita ko si Ella kaya naman dali dali akong bumalik kay Kuya Sevy para sabihin ang nakita ko, hindi naman ako Tanang para habulin yon dahil bukod sa walang plaka yung kotse ay mabilis din ito magpatakbo.
"Kuya tumawag na tayo ng pulis" tarantang sabi ko dahil nakakaramdam na ako ng kaba, alam ko namang may pagka tarantado yung kapatid ko pero mahal na mahal ko pa rin sya.
"Hindi natin pwedeng gawin yang gusto mo" Bulong na saad ni Kuya na ipinagtaka ko pero na gets ko naman yung pinapahiwatig nya, mukhang may clue na sya kung sino yung kumidnap kay Ella
"But Kuya delikado na ito" saad ko
"Hindi nila magagawang saktan si Carmella at pag tumawag tayo ng Pulis ay hindi din sila makakatulong" Seryosong saad ni Kuya Sevy bago nya kuhain ang kanyang cellphone at tumawag sa lolo namin, side ni Dad
"Hello lo??......... opo ........... Buti alam nyo po.......... What do you mean by hindi lo??....... Wait lang po, alam nyo naman pong maliit lang ang koneksyon na meron ako........... lolo naman alam nyo naman pong Doctor lang ako at may maliit na business--- Lo??? Hello??" Magalang na sabi ni Kuya Sevy pero mukhang binabaan sya ng tawag kaya problemadong tumingin sya sa akin
"Anong sabi ni Lolo?" Tanong ko sa kanya
"Hindi daw sya pwedeng tumulong" naiinis na saad ni Kuya Sevy kaya naman napabuntong hininga ako
"Plus pa na hindi natin kaya ang nag kuha sa kanya" Dagdag pa ni Kuya Sevy, he means na hindi namin kayang harapin yon
"Si Ace........ Oo sya, pwede tayong manghingi ng tulong" Napatigil ako ng ma-realize yung sinabi ko pero ipinagpatuloy ko pa din dahil desperado na akong makuha si Ella para sure akong safe siya
"Look Arian, hindi lahat libre lalo na't si Ace Montefalco ang pinaguusapan dito tsaka hindi close si Ella at ang taga Section C so hindi tayo sure kung makakatanggap tayo ng tulong galing sa kanila" Mahabang saad ni Kuya Sevy, gets ko naman yung point niya at kaparehas lang kaming nag aalala kay Ella pero wala namang masama pag sinubukan namin diba?
"Pero susubukan ko pa rin kausapin si Ace" Bulong na sambit ni Kuya Sevy kaya naman parang nabunutan ako ng tinik sa aking lalamunan sa sinabi ni Kuya Sevy
BINABASA MO ANG
The only girl in Section C
Fiksi RemajaA girl name CARMELLA, sounds innocent right? Is she look Innocent too? YES SHE IS but who know what she can do..... Isang babae na hindi tinanggap ng iba't ibang klaseng paaralan. Pero dahil sa connection na meron siya ay nakapasok sa isang magaran...