KABANATA 2

35.2K 1K 139
                                    

[Adara]

Parehong salubong ang kilay namin na umakyat pabalik sa bus. Pumwesto ulit ako sa pwesto ko kanina tapos siya huminto muna at hindi agad umupo. Naglabas siya ng isang maliit na bote at biglang pinaulanan ng disinfectant spray yata 'yon iyong buong pwesto na uupuan niya. Napaubo ako dahil feeling yata niya virus ako at pati ako pinaki-spray spray ng loko!

Akmang magrereklamo pa lang ako sa kanya after kong masinghot lahat no'ng inispray niya, hinagisan ako nito ng disposable surgical face mask. Nanlisik lalo ang mga mata ko na tinignan siya dahil hindi man lang nag-sorry! Pero sa halip na ma-bother siya sa tingin ko, biglang kumuha pa ito ng tissue at ikinuskos pa rin doon sa pupwestuhin niya.

Grabe namang makapag-disinfect 'to! Dito na ba niya balak manirahan habang buhay?! Iritado akong nagtangkang tumayo para komprontahin siya kaso pag-upo niya ay ang biglang pag-andar na ng bus, dahilan para sumubsob ako... sa dibdib niya.

"Ah!" Napadaing ako dahil sa ilong kong nasaktan sa pagtama sa matigas niyang dibdib. Dahan dahan akong nag-angat ng tingin at nakita ko ang lalong inis na itsura ng lalaki.

"Annoying."

"Ano'ng sabi mo?!" galit na bulong ko habang nakahawak ng mahigpit sa magkabilang armrest ng seat niya para hindi ako matumba. "Ikaw kanina ka pa namumuro sa aking lalaki ka. Bakit ang sama ng ugali mo? Kulang ka ba sa aruga?"

"Ang ingay mo kase. Nakakairita 'yang boses mo," mahinahon na sagot niya sabay hinawakan ako sa magkabilang balikat at parang batang paslit na ibinalik sa upuan ko.

Nagpagpag siya ng damit niya pagkatapos na para bang may dumi akong naitapon sa kanya. Tapos nag-spray na naman siya! Anak ng tokwa't baboy naman 'to oh! Pinilit ko na kalmahin na lang ang sarili ko. Ayokong gumawa ng eksena lalo pa't kung ganitong klase lang ng tao ang dahilan.

12 hours, Adara. 12 hours lang please habaan mo pa ang pasensya.

Pumikit na lang ako baka sakaling mabilis na lumipas ang 12 hours. Gano'n kasi 'di ba kapag natutulog? Para bang kay-iksi ng oras kapag tulog. Hindi naman din nagtagal ay nasungkit ko ang antok at for sure paggsing ko nito nasa Maynila na kami.

"Ay Diyos ko pong mapagpatawad!" wala sa sariling bulalas ko nang biglang tumilapon ako sa baba. Nakapikit pa 'ko sa sobrang antok ko pero hawak ko ang balakang ko na feeling ko ay nabali yata. Huhu. Ano bang nangyari? Nakabangga ba kami??

Since naramdaman ko nang bumalik sa normal ang takbo ng bus, nakapikit pa rin akong bumalik sa pwesto ko para matulog na ulit. Pero nang maalala ko bigla iyong antipatikong katabi ko, bahagya akong nagdilat ng mata at nakita kong nakatingin siya sa 'kin. Parang kusang gumalaw 'yung mga mata ko at inirapan ko siya at saka ako bumaling ng pwesto sa kabilang side.

Pinilit kong matulog ulit kaso biglang nanginig ang buong katawan ko sa lamig. Wala pala akong dala na kahit anong panangga sa lamig dahil nandoon lahat ng gamit ko sa maleta. Bumaluktot na lang tuloy ako at hirap na sinubukang hulihin muli ang antok ko.

Ilang segundo pa lang ang lumilipas pero feeling ko dito na 'ko mamamatay sa lamig ng bus na 'to Hindi ko na alam kung papaano ko pang ibubuhol ang sarili ko para lang mabawasan ang lamig na nararamdaman ko. Pero wala talagang epekto. Maingat akong tumayo at baka maistorbo itong maarteng nilalang sa tabi ko. Mukhang busy pa naman sa binabasa niya sa tablet niya.

Inabot ko 'yung aircon sa tapat namin at saka ko pinatay. Napansin kong naka-earphones siya kaya pabulong bulong akong bumalik sa upuan ko.

"Palibhasa makapal ang balat kaya hindi nilalamig," Kaso hindi yata ako favorite today ni Lord kase bigla siyang tumingin sa gawi ko na para bang nagsasabi na alam-ko-ang-ginagawa-mong-babae-ka. Patay malisya akong umupo ulit at bumaluktot sa kabilang side. Ang lamig pa rin kasi! Huhuhu. Hindi ba giniginaw 'tong ibang mga pasahero at ayaw magpatay ng mga aircon nila?

STS #1: Dauntless [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon