>>>Jayson's POV
Narinig ko na nag-aalarm na ang cellphone ko. Tiningnan ko ang oras at nakita ko na 5am na. Bumangon na ako sa kama at naalala ko yung message ni lola...binasa ko tuloy ulit...
(Message ni lola: Apo,balita ko sasali ka daw sa math competition ah. Very good! Pag nanalo ka...teka,next month daw yun diba? Pag nanalo ka,pumunta na kayo dito sa Amerika. Sigurado,madali na para sayo ang mag-aral dito.)
Pagkatapos kong basahin ang message ni lola,napahiga ako ulit.
Amerika?
Pagnagpunta ako dun,panigurado matagal kong hindi makikita ang mga kaibigan ko. Kaya ko ba yun? Siguro kaya ko naman kasi Amerika kaya yun...bihira ang nakakapag-aral sa ibang bansa e,sayang naman kung hindi ko tatanggapin offer ni lola.
Kaso,sayang din naman yung samahan namin ng mga kaibigan ko.
Sasabihin ko na ba sa kanila?
Hmmmm..... mamaya ko na nga iisipin kapag nasa biyahe na ako.
Tumayo na ako at...bigla akong napaupo ulit sa kama ko. Huh? Nanlalambot ata ako e. Patay!Baka,may lagnat ako.... Hindi! Wala,wala yan...tinatamad lang ako,hahaha. Oo,tinatamad lang ako....
Pinilit kong tumayo sa kama ko at mabuti naman,nakababa pa ako sa sala namin. Naka-upo na rin sa dining table namin ang kapatid ko kasi kakain na kami ng agahan.
"Kuya,ilibre mo ko ng french fries mamaya sa recess. Magkaparehas naman tayo ng oras ng recess diba,diba?",tanong sakin ni Janella (kapatid ko) habang papalapit ako sa dining table namin.
BINABASA MO ANG
The Notebook of Math Genius
Novela JuvenilIsang normal na highschool life ng isang estudyante na mukhang hindi normal! Hahahaha! Joke lang po. Enjoy po sa pagbabasa!!! ^^