ASHLEY CARRACIO
"Go 4th year!!!!!" Cheer ni Gabbie sa mga naglalaro. Sina Rade, Jan, Reid, Sinichi at Brix. Tapos sakto naka shoot si Ethan! Omg!
"Go Ethan my loves, I love you." Cheer ng malanding haliparot na si Anne!
"GO ETHAN!" Cheer ko naman hindi ata 'to papatalo.
"Ano? Sinong chineer mo?!" Sabi ni Kurt sakin.
"Oo nga Ashley sino?!" Sabat naman ni Niko. Tapos pinalo nila ako at hinagisan ng bag. At dahil dun nainis ako! Putang ina?! Chineer lang 'yung isa nagalit na!
"Gago ka Kurt nagalit na 'yan!" Rinig kong sabi ni bes, " Mag sorry kayo dyan ni Niko alam nyong mahal pa 'yung tao ginagago nyo!"
"Parang joke lang nagagalit na!" -Niko
"Tangna wag ako!" -Gabbie
"Uy Ash, sorry na." -Kurt
"Tang ina Ashley ganon lang nagalit ka na?!" -Niko
"Baliw ka ba Niko?! Masakit kaya 'yon!" -Gabbie
"Ano ba?! Ang iingay nyo nanonood ako!" -Georgina
Tapos natahimik silang lahat, umalis pala si Gabbie at bumili ng tubig hindi para sa mga classmates namin kundi para sa kanya, baka nauhaw sa pag sagot kila Kurt. Well yeah! Galit ako kay Niko at Kurt, tama ba namang batuhin ako ng bag?! Ang sakit sakit na nga ng nararamdaman ko gaganunin pa ako? Aba hindi na ata tama 'yon, I know my limitations din kasi.. Okay back to the ball game lumalamang kami dito sa Second set. Yah! Go 4th year, sorry pero nawalan ako ng ganang mag cheer sa inyo guys. Goodluck! Kaya nyo yan fighting!!
After nung game nila kumain na kami, tapos ang sama ng tingin sa akin ni Rade? Huh? Ano nanamang nagawa ko?!
"Pssst! Rade, bakit?" Nagtatakang tanong ko, duh hindi naman ako manghuhula para malaman kung bakit diba?
"Hindi mo ko chineer tapos si Ethan na ang daming cheerer chineer mo. Sige talagang dun ka nalang," sabay alis nya then he turned his back and said "I-kamusta mo nalang ako don ha."
"Oh! I smell something fishy huh!" Bungad ni Gabbie sakin. Huh?! Fishy? Wala naman e. Parang tampong kaibigan lang 'yun..
"Bakit ka ba nandito bes? Chismosa ka."
"Shong shong!! Papakita ko kasi sayo yung Gown ko." Masayang sabi nya sabay labas ung Ipod at pinakita sakin.
"Woah bes, ang Ganda naman nito," Sabi ko sa kanya habang nakatitig sa Gown. It's a white lace gown na super bolga. Coz she said she wants to be a Princess, and treat like a princess someday. "Saan ka papatahi?"
"Si Lola na ang bahala dun! Alam mo namang bright 'yun diba? Eh ikaw bes anong sayo? Grabe 1 week nalang pala at Prom na."
"Wala pa bes e. Pero this year gusto ko simple lang, super bongga na kasi nung sakin last year diba? Mahirap lang ang buhay ngayon, maraming gastos. Hindi naman tumatae ng pera sila Mama! You know." Yes I want a simple Gown, yung last year ko kasi bongga! As in, tapos one night lang. At saka ngayon maraming masyadong gastos eh.
"Improving concern ka na sa Mama mo bes ha," Pagbibiro nya. Syempre nanay ko 'yon! "Ay ano nga palang nangyari sa inyo ni Rade?"
"Nagtampo bes e, hindi ko daw sya chineer! HAHAHA!!"
"Woah talaga? As in? Grabe, first time 'yon ni Rade ha. I think he is inlove with you!"
"Gago! Tampong kaibigan lang 'yon Gabbie! Wag ka ngang mag lagay ng malisya don!"
"Manhid mo talaga Ashley kahit kailan, wish ko lang may anesthesia na pampa wala ng manhid."
Manhid? Hindi naman a, si Ethan nga feel na feel ko pa rin hanggang ngayon e, feel na feel kong saktan!!
***
"Huli ka!" Sigaw ko kay Ariana habang nag lalakad sa quadrangle ng school, natapakan nya kasi yung X e. So ikukulong ko sya sa Jail booth. Intrams pa rin namin kasi.
"Hala Ate Ashley bakit ganon mag kaibigan naman tayo a, bestfriend ko naman yung kapatid mo bakit mo ko hinuli?" Pag rereklamo ni Yana!
"Duh baka nga mamaya pasalamatan mo pa ako!"
"Anong pasalamatan paano kita papasalamatan kung ginanto mo ko?" Tapos iniwan ko sya, hahanapin ko lang yung mapapa ngasawa mo Yans. "Hut Ate! Huy Kelly, wag mo kong iwan, pyansahan nyo ko! Ayokong mabulok sa kulungan!"
"Ano ba yan Ariana, ang ganda ganda mo tapos ang ingay ingay mo. Quiet nga!" Narinig kong sabi ni Rade. Haaay sungit forever.
Meanwhile, hinahanap ko ngayon si Jb sya kasi ang pagpapyansahin ko kay Yana e, para naman maikasal na sila diba? Gotcha!!
"Jb!! Tara nga dito, nakakulong nga pala ngayon yung girlfriend mo."
"Kulong po? Bakit?"
"Hunuli ko pakalat kalat sa daan e. At ngayon nag hahanap sya ng magpa pyansa at papakasalan nya." Sabi ko sa kanya, "Ikaw din baka maunahan ka."
Tapos bigla bigla nalang umalis. I know this will work. I'm the brightest hah!
"Okay, ikaw lalaki tinatanggap mo ba si Arina Limpahan?" Hahahaha, ang cutie pala ni Rade na pari.
"Ayieeeeee!! Kiss kiss!" Ang ingay ni Lucy talaga o.
"Opo father." I can see in their eyes na inlove talaga sila sa isa't isa.
"Ikaw naman babae, tinatanggap mo ba si Jb Torres?"
"Yes yes yes father!" Hm, ang saya naman nilang tignan sana may magpa kasal din sa akin.
And then I took pictures of them, haaay these two couples are so inloved with each other. Then suddenly I saw Anne, pag nakikita ko sya naaalala ko yung mga naka away ko dati, like Sofia.
Nag away kami kasi akala nya sya yung pinaparinggan ko tapos intrams din yun at nagpa picture ako kay Niko sa mismong Cam ni Sofia, na ngiting Maldita at may naka sulat pa sa Ipad na "Maldita ako" nakakatawang isipin na nagka ganon pala ako dati, akala mo goody goody ako maldita pala!
"Huy Ash! Ano na?" Tanong ni Rade sakin nakatulala pala ako, oh sorry Rade.
"Uh Rade, kung ikakasal ka saang simbahan?" Wala. Natanong ko lang sya out of the blue!
"Hm. Ako? Gusto ko kung saan gusto ng mahal ko, eh ikaw?"
"Ako? Okay na ako sa Divine Mercy, okay rin sa Barasoain Church, dyan sa Nuestra Señora del Carmen o kaya naman sa Manila Cathedral!" Cheerful kong sagot, nakaka excite pala pag usapan 'yon?
"Ah, osige dunnalangtayo!"
"Ano? Ano naman yung binulong mo ha?!"
"Binulong wala a! Ang sabi maganda 'yon," Pero parang hindi e napaka mysterious na sakin ni Rade. Pansin ko lang! "Maganda ka." Then he gave me a sweet smile, yung ngiting nakikita mo sa mata nyang masaya sya sa hindi mo alam na dahilan.
Ako kaya? Kailan pa? Kailan pa kaya ako ngingiti ng ganon? Kailan pa kaya ako mabubuong muli?
BINABASA MO ANG
Break Free
RomanceAkala ko sya na. Akala ko sya na yung taong bubuo sa pangarap kong Happy ending. Bu-buhay sa lovelife kong walang saysay. Pero isa rin pala sya sa pinaka matinding sisira nito. Paano ako babangon sa pagkakalubog sa matinding lungkot? At paano kung...