Sumapit ang alas Sinko ng umaga at nag madali akong bumangon at maghanda para sa unang araw ko sa papasukan kong trabaho. Dumeretyo na ako agad sa kusina para mag handa ng aming agahan naming magkakapatid.
Tatlo kaming mag kakapatid dalawang lalaki at isang babae, ako ang panganay sa aming mag kakapatid. Dahil ako ang panganay tumutulong narin ako sa mga gastusin sa bahay, pinag sasabay ko ang aking pag-aaral at pag tatarbaho ng sa gayon ay may katulong ang aking ina sa pag hahanap buhay para may makain sa araw-araw.
Mag isa na lamang ang aking ina sa pag tataguyod sa aming mag kakapatid, dahil sa hirap ng buhay pinagkakasya nalamang namin ang kakaramput naming kinikita sa araw-araw. Mag simula nang ipanganak ni nanay ang bunso naming kapatid ay kasabay naman ng pag iwan sa'min ng aming ama.
Habang tumatagal mas naging madali nalang saaming mag kakapatid na tanggaping kailan man ay wala ng amang hahaligi at tutulong saamin sa pangangailangan namin sa araw-araw.
Pinasan ko na rin ang ilang mga responsibilidad sa aming mag kakapatid, ako na ang nag papaaral sa sarili ko habang pinag sasabay ko ang aking trabaho. Nung una ay mahirap para saakin na pag sabayin ang oag aaral at ang trabaho ngunit kalaunan ay mas nasasanay na rin ako. Masasabi kong maayos naman ang kita at kayang sustentuhan ang aming mga pangangailangan ngunit paminsan minsan ay kinakapos ang aking kinikita para sa aming mga gastusin."Nay mauna po ako, tsaka nakapag handa na po ako ng makakain kumain nalang po kayo dun, tsaka nay nabigyan ko na po ng baon sila mike at kikay wag na niyo na po silang alalahanin." Habilin ko sa aking ina bago ako pumasok sa trabaho.
"Mag iingat ka nak, maraming salamat. Baka ubos na yang ipon mo para sa gastusin mo sa martikula mo ah? Mag sabi ka lang nak may kaonting ipon pa naman ako dito para sa inyong mag kakapatid. Nakakatuwang isipin na sa halip na mas unahin pa ni nanay ang sarili niya ay mas inaalala niya kaming mag kakapatid. Mas naiintindihan ko na ngayon ang hirap ng aking magulang na mag isang nag tataguyod sa'ming magkakapatid.
" Sus nay hayaan mo na tsaka malaki laki na rin po yung ipon ko, ano pat nag tatrabaho ako kung hindi ko manlang kayo tutulungan sa mga gastusin. Oh siya sige nay alis na po ako." Hinalikan ko sa pisngi si nanay at nag madali na akong pumunta sa sakayan ng jeep papunta sa trabaho ko.
Mahigit sampung minuto na ako dito sa sakayan ng jeep ngunit hindi parin ito umaalis, iilan palang kasi kaming nakasakay dito at inaantay pa ng driver na mapuno ito bago pa aalis. Ilan saamin ay nag rereklamo na dahil ilang minuto na silang nag aantay dito at mahuhuli na sila sa trabaho at tiyak na bawas nanaman ang kanilang kita. Mabuti nalang at maaga akong gumayak papaalis saamin dahil kung hindi tiyak na siksikan sa jeep ang kahihinatnan ko, hindi naman ganun ka istrikto ang pinagtatrabuhan ko ngunit nakakahiya naman sa amo ko kung mas maaga pa itong darating kesa sa nga empleyado niya.
.....
BINABASA MO ANG
Mi Amor
Teen FictionMakakaya ko pa kayang iwasan ang taong minsan ko ng minahal at nag paramdam saakin ng pagmamahal na kailan man ay hindi ko naramdaman sa iba. Ngunit nag bago ang lahat sa isang iglap. Ating subay bayan ang makulay at mapag hamong pag-iibigan ni Xian...